Chapter 7
Bantay Bata
Alyanna Pov
After our little introduction, we are now gathered in a round table. I'm in the middle of Pao and Issa, Paolo and Clarissa's nickname. I should be sitted in the middle of Issa and Zel, Liezel's nickname but Pao insisted to sit besides me since dapat daw tabi ang mga magaganda.
So the sitting arrangement is me, with Pao and Issa by my both side. Liezel besides Pao, followed by Carlo, Patrick, Briant, Michael, Kurt and Jay beside Issa.
"And cheap mo naman, Pat, Empi lang talaga?" nagrereklamong sabi ni Carlo
"Sabi niyo ayaw niyong malasing. Eh di sana, nagdagdag ako ng isang case ng pulang kabayo." sagot ni Patrick
"Si Ian lang ang nagsabing ayaw niyang malasing? Pano naman kami?"
"Kasalanan ko pa. Hala, lakad kay Tulfo at magsumbong ka. Baka maawa sayo bigyan kang pambili ng Alfonso."
"Bawi naman sa pulutan teh. Huwag ka ng umarte." singit ni Pao "may pa tuna sisig with skyflakes ang lolo mo."
Natigil ako sa pakikinig sa pagtatalo nung dalawa ng magsalita si Issa "Jowa ka talaga ni Ian?" tanong nito
Napakunot ang noo ko sa tanong nito. Bakit parang big deal sa kanila na jowa ako ni Briant although hindi naman totoo.
May bad luck sigurong dala kapag naging pinsan nito. Kawawa naman si Bianca.
Tumango na lang ako.
"Kailan ka pa dumating dito?" tanong naman ni Zel
"Kagabi lang." sagot ko
"Ah. Dapat medyo inagahan mo ng konti. Kung nung isang araw ka pa dumating, umabot ka sa debut ko. Sayang naman." sabi ni Issa
"Ano namang mapapala ni Yanna sa debut mo, wala ka namang party tapos wala ka ding handa. Akala mo naman engrande naging birthday mo para masayangan ka.." pambabara ni Zel
Natawa na lang ako. I thought she's innocent, may attitude din pala.
Looks can be deceiving talaga."Shineshare ko lang naman. Bawal magshare?"
"Edi sana sinabi mo sa dulong #Sharekolang."
"Tse. Ang epal mo talaga."
"Belated." sabi ko na lang para matigil na sila
"Thanks. Yang si Zel, matanda na yan. Magnanineteen na yan sa December."
"Walang nagtatanong." pambabara ulit ni Zel, hindi naman siya pinansin ni Issa.
"Pwede na ako sa hard drinks diba?" tanong nito sa mga boys "Sabi niyo dati kapag nag-eighteen na ako pwede na akong uminom ng hard."
"Oo naman. Basta know your limit." si Carlo
"Huwag masyadong magpapakalasing lalo na kapag iba kainuman mo at hindi ang mga tropa mo. Lalo na kung hindi mo ako kasama." si Jay
"And drink moderately. Alagaan mo atay mo." si Patrick
"Wow. Coming from you. Hiyang-hiya naman kami." Carlo and Jay said in unison
"Araw-araw ka ngang umiinom tapos drink moderately. Sapak? You like?" Briant says
"Haha. Sinabi ko bang ako? Yung mga girls kako." tumatawang sagot ni Patrick "Ikaw? Yanna, Madalas ka bang uminom?" tanong nito
"Not really. I just drink wine occasionally." I answered
YOU ARE READING
I'm Glad You Ran Away
Teen FictionI don't know if it's a good idea that I ran away from home. I ran away from responsibility that waiting for me. I ran away because I don't want to get married yet... I'm too young to get married. But one thing is for sure.. I'm glad that I ran aw...