💚💚Chapter 1💚💚

531 28 1
                                    


Khyllah POV.

"Nakakatakot naman dito best" nanginginig na saad ni best sa akin habang nakahawak ang dalawa nyang kamay sa braso ko.

Pagkahatid na pagkahatid ng driver nila best ay agad agad itong umalis  at iniwan kaming dalawa dito.

Di ko man orasan kung ilang oras kaming nag biyahe alam kung halos syam na oras kaming nag biyahe para lang makapunta sa letseng Academy na ito.

Nasa harap na kami ng naglalakihan at nagtataasang gate sa academy na ito at agad agad itong bumukas na para bang alam nila ang pakay namin dito.

Sumilay sa harapan namin ang naglalakihang building sa loob at nag kukumpulang mga studyante.

(BLAAAAAAAAG)

Napalingon ako sa likuran namin dahil bigla biglang sumara ang gate at parang naging normal nalang itong wall.Bahagya pang napalaki ang mata ko sa nasaksihan.

"Wahhhhhhhh!!!!panong nangyari yon" malakas na saad ni best na may bilog na bilog na mga mata sa nasaksihan.

Kaya naman lahat ng studyante ay nag sitinginan sa amin na may nakakatakot na tingin kasabay ng nakakalokong ngiti sa kanilang labi.

"B-best tingnan mo sila parang mga zombies" nanginginig na bulong ni best sa kaliwang tainga ko.

Di ko lang sya pinansin at nagsimulang lumakad papasok sa building ng school at napansin ko namang sumunod sya sa akin at agad agad na namang kumapit sa braso ko.

Ng makapasok na kami sa building ng school ay rinig na rinig namin ang nakakakilabot nilang bulung bulungan.

"Transfere"

"Both of theme was dead"

"Another lifeless"

"Dead,dead,dead"

Ramdam kung nag taasan lahat ng balahibo ko sa ibat ibang  parte ng katawan ko dahil sa aking na rinig.Sa tinagal tagal kong nabubuhay sa Mundo ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot di ko ugaling mangilabot sa mga sinasabi ng ibang tao,pero dahil lang sa bulungan nila di ko maipaliwanag ang dahilan kung bakit ako nangilabot bigla.

"Best uwi nalang tayo" naiiyak na saad ni best dahil sa takot.

"Wag kang duwag Shane,dahil sa ginagawa mo mas lalo mong pinapakita sa kanila ang kahinaan mo"may riing bulong ko sa kanya na sya namang ikinatingin nya sa akin.

" Pero best natatakot talaga ako"saad nya kasabay ng pag tulo ng isang butil sa mata nya kaya agad na agad ko itong pinunasan.

"Wag ngayon best at mas lalong wag dito" bulong ko sa kanya sabay himas ng kamay nyang nakahawak sa braso ko.

Ramdam na ramdam ko ang takot ni best at alam kung di nya iyon mapipigilan.

Bahagya muna akong napapikit kasabay nang pagtaas ko ng tingin sa mga studyante. Sinikap kung wag mapalunok habang tinititigan sila isa isa.Di namin alam kung pano makakapunta sa principal office kaya naman lakas loob akong lumapit sa Dalawang babaeng mariing nakatingin sa direksyon namin para mag tanong.

"Excuse me'may I ask something" pormal na saad ko sa dalawang babae na titig na titig sa amin.

"What" saad ng isa at doon palang nag bago ang kanilang tingin sa amin at napalitan ng nakataas kilay.

"Go ahead" saad naman ng isa na kahit ipakita nyang mataray sya ramdam na ramdam kung mukhang nag aalala sya sa di maipaliwanag na dahilan.

"Where's the principal office" saad ko sa kanya na di binabalingan ang kasama nya,

Napangisi naman  sya sa tono ng pananalita ko,

"Just follow me" saad nya Sabay lakad kaya naman sumunod kami Hindi sumama ang kaibigan nya kaya mag isa syang naglalakad alam kung matatalim parin ang tingin ng iilan sa amin pero di ko na iyon pinansin.

Habang sinusundan namin ang babae ay biglang nagsalita si best ng mahina pero maririnig ko.

"Alam mo best proud na proud ako sa tapang mo'kahit na alam mong natatakot ka di mo pinapakita at mas lalong di mo pinapahalata,sana kasing tapang mo rin ako para kahit saan man ako mapunta di ako matatakot" nakangiting saad nya kaya napangiti rin ako ng lihim.

"Lahat ng tao may kahinaan kaya wag mong hihilingin na maging matapang dahil pag matapang ka marami kang bagay na kailangang isuko" saad ko sa kanya na agad na napahinto sa paglalakad dahil sa narinig.

"Anong ibig mong sabihin" nagtatakang saad nya na titig na titig sa akin at bago pa sya may masabing iba ay hinila ko na sya para mag patuloy sa paglalakad.

May sinasabi pa sya na di ko maintindihan dahil sa tutuk na tutuk ako sa babae,parang napansin naman nyang naka titig ako sa kanya kaya napalingon ito kasabay ng pagngisi.

----------------

The Scarry Gangster AcademyWhere stories live. Discover now