💚💚Chapter 8💚💚

270 20 0
                                    


Shane pov

Ng makarating kami sa table namin sa Cafeteria ay napansin ko ang pananahimik ni best,alam kung hindi sya mahilig mag salita'pero parang mas lalo syang naging tahimik,wala naman sigurong nangyari sa kany

Tahimik lang kaming natapos kumain at kasalukuyang naglalakad papuntang school,wala na rin masyadong pumapansin sa amin tuwing mag lalakad kami,kaya nakakahinga ako ng maluwag kahit papano,habang naglalakad kami ay biglang huminto si best kaya pati kami rin napahinto.

OH.MY.GOD.

Halos lahat ng parte ng katawan ko ng lambot ng sobra sobra sa nakita ko,hindi ako makatayo ng ayos sa aking mga nasaksihan sa sobrang pangingilabot.Kitang kita yun ng dalawa kung mata kung pano nila---aishh di ko masabi sabi sa sobrang pangingilabot.

"Sanayin na ninyo ang inyong mga mata na makakita ng ganyang eksena,dahil mas marami pa ang susunod na makikita nyo dyan" seryosong saad ni Shaliska habang ang paningin ay nasa field.

Hindi hindi,ayoko ng ganito.

Gustong gusto kong magsalita pero parang nabulol yata ang paghinga ko at hindi maibuka ang bibig.

Napatingin ako sa direksyon ni best'walang makikitang reaksyon ang mukha nya sa kabila ng mga nasaksihan,nananatili syang matalim na nakatitig sa bangkay na isinabit sa isang puno ng sanga at pinagtatangal ang dalawang mata at dila,ganon nila ka brutal na pinatay ang isang lalaki.

"H-hooy b-best saan ka p-pupunta" nauutal na saad ko Kay best ng mapansin kong lumapit sya sa field kung nasaan ang bangkay,marami narin ang nagkukumpulang mga studyante ng marating namin ang field.

Hindi ko kayang tumingin sa bangkay,nakakasuka ang hitsura nya ngayon.

----Kyllah POV.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa bangkay na parang ipinain sa mabangis na hayop.

Nagtataka naman ang iilang studyante ng bigla kung kunin ang dagger na nakasaksak sa kabilang hita nya,

"Ano bang ginagawa nya"

"Nababaliw na ba sya"

"It can be"

Liningon ko muna ang iilang studyante saka napatingin kila best na bakas ang pag aalala sa kanilang mukha.

Parang ako ang killer nito,

Gamit ang dagger ay agad agad kung pinutol ang tali na nakatali sa paa nya para malag lag sya,

"Anong ginawa nya"

"Scarrry"

"Hindi ba sya natatakot"

Bulong bulongan ng iba pero hindi ko sila pinansin,familiar na familiar sa akin itong klase ng pagpatay,itinaas ko ang t shirt nyang puro dugo gamit ang dagger at -BOOM- ganitong ganito nga,may tatlong hiwang X sa parte ng tyan nya na lalong nagpa sink in sa utak ko.

Napahilamos ako ng mukha sa pag aakalang panaginip lang ang lahat pero kundi' totoong totoo, ganitong ganito rin ang klase ng pagpatay sa-aisssh,nang gigigil kung sinipa ang malaking puno at saka umalis sa lugar na iyon.

Kung ganon may kinalaman ang namumuno dito sa pagkamatay ng pina importanteng tao sa buhay ko,,

May dahilan na ako para pumatay ng walang kinatatakutan kung kinakailangan,buhay sa buhay,

Kung sino ka mang hinayupak ka wag na wag kang magpapakita dahil mas brutal ang gagawin kung pagpatay sa iyo.
 

The Scarry Gangster AcademyWhere stories live. Discover now