Prologue.

2 0 0
                                    

                            Prologue.

Read at your own risk.

"Pag umatras ka diyan, pare parehas tayong matatalo." saway ng isa sa kasama namin na nakatayo sa isang pirasong papel.

Malakas masyado ang ulan sa labas kaya hindi ako makalabas at makauwi sa aming bahay. Hindi na ata ulan ito, dahil habang lumilipas ang oras, papalakas ng papalakas ang ulan, kaya sa tingin ko'y bagyo na ito.

Kung hindi lang sana ako nabobored dito at hindi din umulan. Hindi na sana ako kasali dito.

Bakit kasi hindi na lang nila sinuspende ang klase? Mga boplaks. Eh sa alam naman nila na simula kaninang umaga ay hindi maganda ang tiyempo ng panahon? Pinapasok pa kami? Stupid Motherfuckers.

"Group your selves into three" dali dali akong pumunta at tumakbo na parang bata sa kabilang papel. Laking gulat at may halong pagsisisi ang aking nararamdaman, bakit dun pa ako tumayo't hindi nalang sa ibang papel.

Wtf?!

Bakit sila pa ang kasama ko dito?! Argh! So stupid self!

Narinig ko pa na napabuntonghininga ang isa. Napailing nalang akong tumingin sa aking paligid. Ang lakas ng ulan pero ang ingay nila, daig pa mga batang naglalaro, nagiingay sa gilid kalsada. Para akong nasa palengke. Puro sigaw, chu-chu ang aking naririnig.

"Group your self into two." hindi ko alam, kung aalis pa ba ako dito sa aking pwesto na manatili nalang? O hihinraying isa sa amin ang umalis. Nagpakiramdaman kaming tatlo kung sino ang aalis. Stay put lungs aketch.

Sa huli. Ako nalang ang umalis at lumipat. Stay put lang dapat eh. Pabida.

Namilog ang medyo masingkit kong mata. Biglang lumaki. Ng makita ko na yung isa sa mga kasama ko kanina sa kabliang papel, ay dumederetsong tumabi sa akin. Napasulyap ako sa gawi nung isa pang kasama ko kanina. Ang sama ng tingin, ngunit agad ding umiwas ng napagtantong tumingon ako sa gawi niya.

Talagang iniwan mo yung katabi mo para makasama lang ako ha? Tsk.

Natawa nalang ako sa iniisip ko, ngumiti ako ng palihim at tumingin sa katabi ko.

Sino ba naman ang hindi matutuwa? Umiling iling ako habang pinagmamasdang kumilos ang katabi kong hindi komportable. Sobrang halata naman kasi, na hindi siya komportable, maski ako nga ay ganun rin.

Ano ba naman kasi ang sumagi sa isipan nito't tumabi pa talaga sa akin? Kanina lang, parang ayaw pang umalis, tapos ngayon? Sinundan ako? Pero sabagay. Kung ako ang nasa posisyon niya. Aalis talaga ako.

Sumulyap ulit ako sa kasama namin kanina, natawa naalng ako dahil sa asim mukha niya. Mukhang super duper inis at irita na niya sa kasama niya. Tiningnan niya ako ng napakasama, kung nakakapatay lang ang tingin, nakahalandusay na ako ngayon. Pinipigilan kong lumabas ang tawa ko.

Nabaling ang atensyon ko sa katabi kong galaw ng galaw.

May kati kati ba ito? -.-

"Masyadong kang magalaw at malapit, pag ikaw natimba diyan. Paniguradong kasama rin ako." napabuntong hininga ako.

"Ikaw nga ri'y magalaw, nagreklamo ba ako?" yumuko siya para siguro tignan ako. "Reklamo ka ng reklamo. Hindi mo ba napansin sa isang pirasong papel nalang ang tinatayuan natin?" tiningnan niya ang ilalim. Dahil pagyuko niya, bigla siyang na out balance kaya napahawak siya sa suot ko.

"Shit" namapura ako. Hindi ko inaasahang madadala ako sa kanyang pagtumba. Pero mas hinid ko inaasahan na sa pagtumba namin, naglapat ang labi namin.

Nanlake ang mata ko. Gulatang pinutol ko ang paglapat. Nagiwas ako ng tingin. Ngunit agad ding tumingin sa kaniya. Ang posisyon namin ay, siya nakahalandusay sa sahig at ako'y nakadagan sa kanya. Ako ang nasa taas. Ganun din ang reaksyon niya. Gulat at pigil ang hininga. Hindi naman siguro siya nabagok. May nakasupporta naman. At yun ang kamay ko.

It's A Prank (VS1)Where stories live. Discover now