Chapter 5

10 0 0
                                    


"Tulong! saklolo! tulungan nyo po ako!" nakalambitin mula sa itaas itong si junjun at hinahampas hampas siya ng malakas na hangin. nakita niya mula sa itaas ang kanyang mga kalaro na nakatingin lamang sa kanya ang mga ito. 

"Mga kaibigan ko, tulungan nyo ako! aking mga kalaro" 

"Hindi, hindi ka namin tutulungan. hindi ba't iyan ang nais mo?" 

"Hindi. ayoko! patawarin nyo ako, magbabago na ako. hindi na ako mag mamataas. pa"

 "Hindi junjun, buti nga sa iyo iyan. ayaw mo kasing magpa kumbaba at pilit mong inaabot ang mga bagay na napakatayog" 

"Hindi na mauulit pa. tulungan ninyo ako!" 

"Hindi ka marunong makuntento junjun, sarili mo na lang ang iniisip mo. kung saan ka man dadalhin ng hangin ay duon ka. gaano man katayog ang iyong narating ay sa lupa ka parin babagsak"

 at sabay na nagtawanan ang kanyang mga kalaro habang minamasdan  siyana palutang lutang at paikot ikot sa itaas na kung saan na lamang siyasinisipol ng malakas na hangin.

 "Hindi, hindi ito maaari. ayoko na. magbabagona ako. hindi na ako mangangarap ng sobrang taas at matayog. kung saan lamangang kaya kong abutin at hindi lumalabis. nagsisisi na ako, patawarin niyo ako"

 at umiyak ng umiyak itong si junjun habang naka lambitin pa sa pisi ng kanyangsaranggola mula sa itaas.

Ang Saranggola ni Jun JunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon