Dear Whattpad - SCAM

1 0 0
                                    


Dear Wattpad,

Napakagandang araw ito para sa akin. Magandang araw para sa isang magandang simula. Sabi ko sa sarili ko makukuha ako sa trabahong pag aaplyan ko ngayon. Panalangin mula sa Diyos at samahan ng sipag at tiyaga ang kailangan ko. 

Nangutang ako sa kaibigan kong si Olga ng pamasahe sa araw na iyon. Nag ayos ako ng napakagandang damit at hinanda ko na rin ang mga dokumentong kailangan ko. Handa na kong suungin ang trapik at dami ng tao na kagaya ko ay nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay. 

Naka tanggap ako ng text sa nagngangalang Fralippo kagabi. Hindi ko na matandaan kung saan ko napasa ang CV ko basta ang sabi niya ay naghahanap sila ng Office Staff sa kanilang kompanya. Ibinigay niya sa akin ang address at oras ng pagpunta. At ayun ang pupuntahan natin ngayong araw at umaasang matanggap sa trabaho. 

Grabe ang trapik at dami ng tao. Tamang tama lang na umalis ako sa bahay ng ilang oras bago ang interview at para mahanap na rin ang building kasi hindi rin ako pamilyar sa lugar. 

Nang nakarating na ko sa, napamangha ako sa taas ng building, natuwa ako sa mga nakikita kong mga taong labas pasok doon. Lahat sila ay napaka busy. Sinabi ko sa sarili ko na magiging katulad din ako ng mga taong yun. 

Pumasok na ko, sabi sa text ay si 32nd floor daw. Nagatanong na ako sa gwardiyang nagbabantay doon. Ngunit ng sinabi ko kung saan ako pupunta ay napangiwi lamang siya at itinuro sa akin ang elevator papunta sa opisina. Medyo nagtaka lang ako sa kanya pero di ko na lang pinansin at pumunta na ako sa taas.

Pagdating ko sa taas ay hinanap ko agad ang Room 3213. Nakita ko naman agad kasi sa harap ng opisina ay sa tingin ko mga aplikante na nakapila. Nagahanap muna ako ng taong mapag tatanungan para hanapin si Fralipo. Ngunit ang sabi ng babae na nakausap ko na mukhang doon ng tatrabaho ay may kinakausap pa siyang iba. Sabi ng babae ay mageexam muna ako at pagkatapos ay mag initial interview. 

Pagkatapos ko masagutan ang bawat tanong anaghintaypa ko ng mga 10 minuto at pagkatapos ay tinawag na ko para sa interview. Nagpakilala na ang lalaki na siya si Fralippo at ang sabi niya sa akin ay hindi daw pumasa yung mga sinagot ko sa exam. Doon pa lang sa sinabi niya ay lungkot ang bumalot sa akin. Ngunit tutulungan daw niya ko na makakuha ng trabaho sa kanilang kompanya. 

Inihayag niya sa akin lahat ng impormsyon tungkol sa kanilang kompanya. Sila ay nagbebenta ng mga medical equipment sa mga ospital. Matuturuan daw niya akong mgaing isang sales representative at sigurado na napakalaking kita ang makukuha ko. Napakagaling magsalita ni Fralipo na para bang maeenganyo ko talgang sumali sa kanila at maging parte ng kompanya nila. 

Sinabi ko na kanya na ako'y interado. Ngunit kailangan ko daw muna magbayad ng 300 pesos para sa registration. Nagtaka naman ako bakit kailngan ko magbayad. Binanggit niya lahat ng makukuha kong benepisyo at ang sabi niyang pwede na akong magsimula kinabukasan. 

Wala akong sinayang na pagkakataon para hindi matanggap dahil kailangan ko ng mapapsukan. Ibinigay ko sa kanya na 300. Pagkatapos noon ay pumasok na ko sa isang silid na kung saan magaganap ang orientation para aming natanggap. Isang oras ang lumipas napuno ang kwaro. Si Fralipo na naman ang nagsalita sa harapan. Napakagaling niya talgang magsalita. 

Pagkatapos non ay umalis na ako at babalik bukas para sa unang araw ng trabaho. Napakasaya ko. Sa sobrang saya di ko namalayan ang aking gutom. Dahil sa binayad ko sa kanya ang pera ay bumili na lang ako ng biskwit at tubig matawid ko lang ang aking gutom. Umupo muna ako sa gilid ng gusali ng may maranig akong nagsasalita at parang may kasamang iyak. Isa syang babae na matapos makipagusap sa telepono bigla rin siyang umupo sa kinuupuan ko. Nagtinginan lang kaming dalawa at nagngitian ng bahagya. Pero bigla ko na lang nasambit sa aking mga bibig sa kanya na kung ano man ang pinagdadaanan niya ay malalagpasan din niya ito.

Sinabi ko pa sa kanya na pwede niya akong kwentuhan. Mas madalling magkwento ng mga bagay sa taong hindi natin lubos na kakilala kasi hindi tayo basata basta mahuhusgahan. Nagkwento siya ng nangyari sa kanya. Sa maikling minuto na nagkwento siya sa akin, bigla akong napatulala sa kung saan.

Merong sasakyan sa huminto sa harap naming dalawa. Sumakay na ang babae at nagpaalam. Umalis na ang babae naiwan akong nakaupo at biglang naluha sa lahat ng kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na isa pala ako sa naloko ng kompanyang aking naaplyan. Isang aplikanteng nagbigay ng pera para matangap lang sa trabaho.

Madaming naglalaro sa aking isipan kung bakit.

Bigla na lang akong naluha at pilit iniisip ang mga tanong ng bakit. 


Love,

Andres

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear WattpadWhere stories live. Discover now