P̶r̶o̶l̶o̶g̶u̶e̶

10 0 0
                                    

6th 𝙶𝚛𝚊𝚍𝚎, 1st 𝙶𝚛𝚊𝚍𝚒𝚗𝚐

"Jazel bat ka naka busangot, okay ka lang?" Nag aalang tanong sa akin ni Dave, na naka upo sa harapan 'ko.

Sasagot pa lang sana ako na okay lang ako, medyo hindi lang maganda ang aking pakiramdam, kaso umepal naman etong katabi 'ko, ang bestfriend ni Dave na si Miggy.

"Tanga, normal na yan." Sinenyasan niya si Dave na humarap na ulit sa board.

Kung hindi naman talaga isang malaking balakid sa amin ni Dave ang kumag na 'to!

Gamit ang natitira 'kong lakas, tinignan 'ko siya ng masama. Kanina 'ko pa talaga siya di kinakausap at pinapansin kahit niyugyog niya yung desk namin, sinipa niya yung upuan 'ko at kanina nga sinusundot niya na yung tagiliran 'ko! Nakaka ubos kasi siya ng energy at pasensya sa totoo lang! Hindi na talaga ako makapag hinatay ng second grading, gusto ko na mag lipatan ng upuan! Baka hindi 'ko lang siya sa isip mapatay.

Tinaasa niya 'ko ng dalawang kilay na parang 'Oh bakit?' na para bang wala siyang ginawang masama kaya inirapan 'ko siya pero nginitian niya lang ako. Ugh! Nakakaloko!

Huminga ako ng malalim tapos ay pumikit.

'Looooooord, kung di niyo po ako bibigyan ng mas mahabang pasensya kunin nyo na lang yug katabi 'ko.'

Mabilis 'kong panalangin pero sa pag mulat 'ko, mukha pa rin ni Miggy ang bumungad sa akin.

Mukhang lilipat na 'ko ng relihiyon mamaya.

Muli 'ko na lang sinubsob ang mukha 'ko sa ibabaw ng desk at maya maya pa, sinubsob niya rin yung kanya. Sige, sabihin niyo sa akin na hindi 'to kulang sa pansin!

Siguro 'kong di nga lang masama ang pakiramdam 'ko, kanina 'ko pa nginudngod yung mukha niya sa desk.

"Okay ka lang?"

Natigilan ako.

Masama rin ba pakidamdam n'ya? O sobrang sama na ba talaga ng pakiram ko nag sisimula na 'kong mag imagine na nag aalala talaga sa akin ang kumag na 'to?

Hinanap 'ko ang sagot sa kanyang mga singkit, itim at nangungusap na mga mata.

"Masama lang pakiramdam 'ko."

Nanahimik siya at nakatitig lang sa akin na para bang may malalim na iniisip.

"Huy," Mahina 'kong sinipa ang paa niya sa ilalik ng desk, "Anong iniisip mo dyan!"

Ngumiti nanaman si Miggy. Minsan talaga kinakabahan na 'ko sakanya.

"Wala, sumasama rin pala pakiramdam ng mga unggoy."

"Wow! Ang kapal mo! Mukha ka namang daga!" Tinulak 'ko siya bago tinalikuran.

Nakatulog ako sa tunog ng patak ng ulang tumatama sa bubong ng classroom na sumasabay sa mahinang mga tawa niya.

㋛︎?

I would have never thought that this is that one moment where I'd look back and wish I had done things differently, and start asking—ʷʰᵃᵗ ⁱᶠ?

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon