T̶w̶o̶

5 0 0
                                    

𝗚𝗥𝗘𝗘𝗡 - ESPERANZA HIGH SCHOOL𝗢𝗥𝗔𝗡𝗚𝗘 - 7/11𝗕𝗟𝗨𝗘 - BAHAY NG LOLA NI JAZEL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝗚𝗥𝗘𝗘𝗡 - ESPERANZA HIGH SCHOOL
𝗢𝗥𝗔𝗡𝗚𝗘 - 7/11
𝗕𝗟𝗨𝗘 - BAHAY NG LOLA NI JAZEL

7𝚝𝚑 𝙶𝚛𝚊𝚍𝚎, 1𝚜𝚝 𝙼𝚘𝚗𝚝𝚑 𝚘𝚛 𝚜𝚘

"Nay, bless." Nilipat ko ang hawak na ice cream sa kaliwang kamay ko para abutin ang kamay ni Nanay (ang aking Lola). "Ano pong ulam?"

"Pinag luto na kita ng bistek roon sa kusina,"

Alam talaga ni Nanay ang paborito 'ko, "I love you, Nay!" Humalik ako sa kanya bago patakbo tumungo sa kusina.

Isang buwan na mula ng nag simula akong mag-aral ng high school at tatlong buwan na rin mula ng lumipat kami ng bahay sa isang executive village at nahiwalay ako sa mga kaibigang kinalakihan 'ko.

Buti na lang at malapit ang bahay ni Lola sa school ko kahit malayo naman sa village namin (isang jeep at isang tricycle ang layo) kaya nakaka tambay pa ako after class kina Nanay dahil half-day lang din naman ang klase.

Ang buhay ay parang umuulit lang araw-araw: Gigising—Mag-aaral—Bibili ng ice cream—Tatambay kina Nanay—U-uwi—Matutulog—Repeat.

"Kumusta naman ang school, Aze." Tanong ni Nanay ng tumabi ako sakanya sa salas dala-dala ang kanin, ulam at plato para sa dalawa.

Isang buwan na at wala pa rin akong kaibigan. Normal ba yon? Masungit ba talaga ako? Mag-isa pa rin akong nakain tuwing breaktime. It's not that bad, pero, you know, a friend or two won't hurt naman siguro. Nagkakausap kami ng katabi 'ko pero hindi kami close enough to be considered as friends. Hindi talaga naka tulong ang pagiging bagong salta ko, friends na kasi mula elementary usually ang mga kaklase ko.

Isa pa, hindi ako maka relate sa mga topic na pinag-uusapan nila, kung hindi palabas sa T.V. na hindi ko naman sinusubaybayan, mga personalidad naman sa school namin na hindi ko kilala. Yung mga sikat (gwapo at maganda) na crush nila. Marami daw kasing may itsura sa school namin. Ayoko naman ng mainstream. Plus, they're usually overrated.

"Okay naman po, school pa rin." Maloko 'kong sagot tapos ay mahina akong tumawa.

Umismid lang si Nanay at dinagdagan ang ulam ko sa plato.

Mabuti pa siguro mag focus na lang ako sa pag-aaral para next year, 8-A na 'ko. 7-C kasi ako ngayon, late enrollee ba naman tapos ang baba pa ng average ko kahit galing akong science class hindi na cinonsider ng school.

"Ay, Nay!" Kuha ko sa atensyon ng Lola 'kong nanonood ng Wowin sa malaki niyang T.V.

"Naaaay, pansinin mo 'ko."

"O, ano ba 'yon," Sagot niya pero sa T.V. pa rin nakatingin.

"Kanina pala, pa-uwi, may tumawag sa pangalan 'ko, nakakapag taka."

"Baka naman kaklase mo lang 'yon."

"Hindi, imposible." Umiling ako, "Sabi Hazel e,"

"E, ano ngayon? Hazel naman talaga pangalan mo,"

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon