Chapter 3 (I do but I don't!)

27 0 0
                                    

Haaaaay. Anong trip nitong kapatid ni Stanley? Pagpapanggapin niya ako na boyfriend niya? Seriously? Haha. Pero cute naman siya. Choosy pa ba ako? Sige sige. Masakyan nga trip nito.

"O siya, kung yan ang gusto mo, makakatanggi ba ako?"

"Good, sige na. Babush, inaantok na ako."

"O, wala man lang ba goodbye kiss ang boyfriend mo?" nakangisi kong sabi.

"Tse! Manyak!" At malakas niyang isinara ang pintuan.

Haaaay. Mukhang masaya ito! Bumaba na ako at lumabas ng bahay nila, hindi na ako nag atubili na magpaalam kay Stanley, hayaan mo na sanay na naman sakin yun na nawawala na lang ako bigla sa eksena ng walang paalam.

Kinabukasan.

Maaga akong gumising para ihatid sa school ang "Girlfriend" ko. Oo, paninindigan ko na 'to. Tutal, wala naman akong gagawin sa bahay kundi tumunganga. Hindi na kasi ako estudyante at pansamantalang tambay kaya kesa naman maburo ako sa bahay e eenjoyin ko na lang ang pagiging "Boyfriend kuno" ng kapatid ni Stanley. Teka, ano ngang pangalan nun? Naku, hindi ko man lang naitanong, naggirlfriend pa ako tapos ni hindi ko man lang alam yung pangalan niya? Wow, one big bad boyfriend. Anyway, marami pa namang panahon para sa "getting to know each other stage". Pagkapark ko sa tapat ng bahay nila, tamang tama at palabas na siya ng gate. Nagtataka siguro kayo kung paano ko nalaman yung schedule ng pasok niya, ako paba? Magaling e. Ha!

"Good morning, girlfriend! Tara, hatid na kita sa school! (with matching ngising aso at papogi pose)"

Nagulat naman siya at matatawa ka sa reaksiyon niya kasi para siyang nakakita ng multo. Mukha ba akong multo? Sa gwapo kong 'to?

"Ay pusa ka! Bat nandito ka at paano mo nalaman yung oras ng pasok ko? Stalker ka ba? Lumayas ka nga sa harapan ko, at kaya kong pumasok mag-isa no! hindi ko kelangan ng driver at ang lapit lapit ng school naming para sumakay pa ako. Duh?"

"Girlfriend naman, wag ka namang ganyan sa boyfriend mo, wala ka man ka-sweetsweet sa katawan pagkatapos nating pagsaluhan ang first kiss natin kagabi."

Kitang-kita ko yung pamumula ng mukha niya habang inaasar ko siya. Sabi na e, masaya talaga 'to, buti na lang may blessing ako ni Stanley, kita mo yun, boto agad sakin ang pamilya niya. Ha!

"Yuck, don't call me girlfiriend and don't you ever bring that topic up! I hate you! Hindi ko matatanggap na ikaw ang first kiss ko! K-A-D-I-R-I!"

"Ay, grabe siya. Kung makapagsalita para akong may sakit na nakakadiri, if I know, nasarapan ka naman talaga sa halik na yun at gusto mong ulitin kaya pinoprovoke mo ako!"

"Ay, mas grabe siya! Ang kapal mo lang ha? Ewan ko sayo. Makaalis na nga at ayoko ng makita yang pagmumukha mo!"

Tinalikuran niya ako at akmang maglalakad na paalis pero siyempre, being the handsome me, e hindi ako makakapayag na matapos nalang ng ganito ang lahat ng sinimulan ko. Aha!

Ayenne's POV

Bwisit! Sinabi na nga na ayoko sa mga lalaki e. paano ba naman? Ang kukulit nila at laging ipagpipilitan yung gusto nila, like duh? Feeling naman nila lahat ng babae e makukuha nila sa mga paganyan ganyan? Not me, definitely!

Nagsimula na akong maglakad palayo sa lalaking feeling boyfriend ko, e nagjojoke lang naman ako kagabi tsaka masyado lang akong immersed (wow, what a word!) sa problema ko kaya ko nasabi yun pero ayoko na pala, kung ganito nalang palagi araw-araw ang mangyayari sakin, yung araw-araw may mangungulit sayo na parang aso, e mas gugustuhin ko pa na mapahiya nalang dun sa antipatikong lalaki na kaklase ko no (yung totoo, ano ba talagang gusto mo? Hindi kita maintindihan e. pabago-bago much?)

Tse! E sa ganoon talaga ako e. Ganun talaga pag magaganda!

(Ay, conceited?)

Nakakalayo na sana ako, ng bigla niyang kinapitan ang braso ko, alam ko na siya yun kasi sino pa ba naman ang makulit sa istoryang to diba?

"ANO?" pasigaw kong sabi sakanya. Nakakairita talaga, ang aga-aga e pinepeste ako ng isang lalaki, peste talaga yang mga lalaking yan e!

(Bitter?)

Oo. May reklamo?

"Grabe ka naman girlfriend, nagmamagandang-loob na nga ako na boyfriend mo na ihatid ka sa school tas tatanggihan mo pa ako? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang ma-reject?"

With matching pahawak hawak pa sa dibdib niya at nilukot ng bongga yung mukha na akala mo inaatake sa puso, ay grabe pagkaover acting nitong lalaking 'to. Siya na!

"Tigilan mo ako, pwede? At bakit kailangan mong uulit-ulitin yang mga salitang yan?"

"Ha? Anong salita?"

"Yang girlfriend-boyfriend na yan! Nakakairita!" bwisit na bwisit kong sabi sakanya, unti na lang talaga at sasabunutan ko na tong lalaki na ito. Brrrrrrrr!!!

"Wala naman kasi tayong term of endearment. Aaaa! Gets ko na, ayaw mo ng ganung tawagan, galing ko talaga! Ano bang gusto mo, Mahal? Baby? Babes? Sweetypie? Honey? Asawa? Hmmmm. Ano paba?"

"Alam mo kung anong gusto ko?"

"Ano?"

"Yung mawala ka sa paningin ko! Peste!" at tumakbo na ako palayo sakanya kahit na ang bigat bigat ng bag ko kasi bwisit ang dami kong dalang libro. Haaay. Sira na agad araw ko, ang aga-aga e. ganito naman talaga pag nakakasalamuha ako ng mga lalaki, panira talaga sila ng buhay. Grrrrr.

Tumigil na ako sa pagtakbo nung feeling ko wala sa siya sa paligid. Hay, buti naman, im free, im free, im free!!!!

WAHAHAHAHA

Pero, dahil ang buhay ay hindi buhay kung puro saya lang siyempre, hindi pa tapos ang mga panira ng araw ko.

"Hooooo, grabe ka, ang bilis mo naman tumakbo, babae ka ba talaga?"

"Raaaaaawr! Ano ba talagang gusto mo at kelangan mo pa akong bwisitin ng ganito?" sinabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang frustration, ni hindi ko na magawa sa kanya yun kasi bwisit na bwisit na ako, oo, ganun ako pag naiinis ng sobra, sinasaktan ko sarili ko. Huhu. T.T

"Gusto ko lang naman ng McDo Fries", sabi niya habang nakapout.

Seriously? Taenang lalaki to. Nakapout? Yuck lang. Bakla ba 'to? At seriously ulit? McDo Fries?

"Edi bumili ka! Mukha ka namang mayaman, may pakotse-kotse ka pa nga tapos magpapalibre ka sakin ng fries? Nababaliw ka na ba? Tsaka close ba tayo para magpalibre ka sakin, ha?

"Ay, ano ba yan! Di ka ba nanonood ng TV? Nakakadisappoint ka naman baby!"

"Wala akong panahon at ANO? BABY?"

"Sobrang sikat kaya nung commercial na yun dati, alien kaba? Oo, baby ayaw mo kasi ng girlfriend e! Hehe."

"Ano ba ang dapat kong gawin para tigilan mo ako?" pagmamakaawa ko sakanya. Masisiraan na ako ng bait sa lalaking 'to.

"Wala. Tinaas mo ako e, sobrang taas, ang hirap maiwan sa ere! Sinimulan mo 'to kaya panindigan mo! Panindigan mo ako!"

"Ay, sobra siya? Binuntis ba kita? Buwisit to!" May mas oOA pa ba sa lalaking 'to?

"Aaaa, basta. Panindigan mo ang pagiging girlfriend ko, pinaasa mo ako na mayroong tayo tapos bigla ka nalang magbabago, grabe ka nuuu?"

"Joke nga lang yun, joke lang. Ano bang mahirap intindihin dun?"

"May mga bagay na hindi mo dapat ginagawang joke, kasi baka sa pinagsabihan mo nun e, seryoso ang maging pagkaintindi nila dun at umasa sila sa mga salita mong biro lamang pala sayo. Napakapaasa mo at hindi ako papayag na jinojoke time ako! Kaya panindigan mo ako!"

"Bwisit bwisit bwisit!! Fine, bwisit! Oo na, magtigil ka lang sa kadramahan mong peste ka, feeling artista, ang dami mong sinasabi!!!!!"


"Good!"

Lord, ano po bang ginawa kong masama para parusahan niyo ako ng ganito???

 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon