(Ayenne's POV)
Pagkatapos ng komosyon, napagpasyahan kong wag nalang pumasok sa subject na yun at humingi na lang ng special exam. Stressed na ako at wala pa akong makokopyahan at hindi ko matatanggap na ipahiya nung lalaking yun pag lumabas ang result at mabokya ako.
Teka nga, sino ba yun? Pwede pala transferee samin? Weird. Bahala siya sa buhay niya. Binigyan niya ako ng malaking problema at yun ang pinoproblema ko.
(Malamang kaya nga problema e. Hay naku. Kaya ka nasasabihan na shunga e. Gulo mo mag salita.)
Teka nga, bakit ko nga ba pinoproblema yun? Pakialam ko naman dun sa lalaking yun. Wala akong paki sa kanya. Pero ano na lang sa sabihin ng mga classmates ko na nakarinig ng deklarasyon kong may boyfriend ako. Wala akong balak pagchismisan tapos masabihang Sinungaling, no! Over my beautiful body.
Pero saan ako hahanap ng boyfriend?
Wala naman akong kaibigang Lalaki na pwedeng magpanggap. Medyo ilag kasi ako sa mga lalaki e. Ewan ko ba pero ayoko na magiging close masyado sakanila. Pero hindi naman ako man-hater. Over? Mas feel ko lang talaga maging friends ang mga babae. Less awkward moments. May mga kaibigan naman akong lalaki, lalaki dati. WAHAHAHA
Kaso mas mukha pang babae yung mga yun sakin. Diyos ko, mas makapal mag make-up tapos kung manamit akala mo may beauty contest na sinasalihan araw-araw.
Uwaaaaa. Pano na ako nito??
"Uy bes, anong emote mo kanina? Tsaka kelan ka pa nagkaboyfriend? Ikaw ha, naglilihim kana sakin. Mag kwento kana dali."-mhy
"Ano bang pinagsasabi mo dyan! Wala akong boyfriend no! Adik lang? Edi sana nagkwento na ako sayo kung meron man."
"E ano yung sinabi mo kay Jaypee kanina?"
"Huh? Sinong Jaypee?"
"Tungaks lang beks. Yung kaaway mo po kanina, yung nang-agaw ng upuan ni James. Remember?"
"Aaaaa. Yung gagong yun ba? Echos lang yun. Sabihan ba naman ako na walang magkakagusto sakin. Siyempre, kelangan kong protektahan yung pride ko,no!"
"Haha. Tibay din nun e. Kinalaban ka. O, anong balak mo? Sino naman papakilala mo dun? Buti sana kung may kaibigan kang lalaki e kaso man hater ka. Puro bakla lang pinapayagan mong maging close sayo."
"Man-hater ka diyan! Di kaya. Ayako lang ng presensya nila pero di ako man hater aa!! Ewan ko nga rin e. Kanina ko pa pinoproblema kung sino hahablutin ko. Tulungan mo nga ako!"
"Ayaw. Tinatamad ako."
"Ay grabe, true friend ka talaga kahit kailan,no?"
"Naman! Manang-mana ako sayo. Pareho tayong tamad. Hahahaha"
"Wala naman pala akong mapapala sayo, bat mo pa ako pinuntahan dito?"
"Assuming lang? Di ikaw pinuntahan ko dito,no! Masama bang magutom? Canteen to, malamang dito ako Pupunta para bumili ng pagkain. Kala mo naman ikaw pinunta ko dito. ASA! WAHAHAHAHA"
"Edi ako na assuming. Walangya ka. Lumayas ka nga sa harap ko!"
"Pagmamay-ari mo to para palayasin ako. Kapal ha. Diyan ka na nga, lalo akong nagugutom sayo e."
Haaaaay. Buti na lang umalis na yung babaeng yun. Wala naman yung maitutulong sakin. Uuwi na nga lang ako. Wala na akong gana pasukan yung ibang subject. Makikita ko lang yung bwisit na lalaki na yun. Aaaaaaargh. Kaasar!!!!!
Pagdating ko sa harap ng bahay namin, may kotseng nakaparada? Hala, bakit may kotse? Nanalo ba kami sa lotto at eto ang unang binili ng mga magulang ko? Uwaaaa. Mayaman na kami. Grabe. Sana bumili na rin sina mama ng malaking bahay. O, nagtataka siguro kayo kung bakit ganito e sabi ko sa prologue e mayaman kami? Echos lang yun, pangarap ko yun matagal na, haha. Sinubukan ko lang pakiramdaman yung feeling. Hehehehe. Peace y'all!
Pumasok ako sa bahay na nakangiti ng malapad. Oo ngiting aso. Mapagkakamalan siguro akong Baliw kung may makakakita sakin na hindi ako kakilala pero I DONT CARE. mayaman na kaya kami. UWAHAHAHAHA.
Ang ganda pa ng lakad ko habang nakangiting aso habang kumakaway na parang beauty queen.
"Aaa, miss okay ka lang ba?"
"Waaaaaa. Magnanakaw. Pulis! Pulis! Mama! Papa! Ninanakawan tayo. Waaaaa. Hulihin niyo s-------------."
O.O
"Tatahimik ka din pala e. Halik ko lang pala ang kailangan."
PAK.
"Ouch. What was that for?"
"Wow. Tinatanong mo ako kung para saan yun? E tarantado ka pala. Sino ka para halikan ako? Waaaaa. First kiss ko yun. Bakit? Bakit? O bakit?"
"Haha. Cute. Ikaw siguro yung sinasabi ni Stanley na half sister niya. By the way, I'm Ethan."
"Uy!" -siya
--______-- ako
"Uy, hello. Okay ka lang ba?"
Aba'y parang ewan lang to, pagkatapos nakawin yung first kiss papakilala siya na akala mo wala siyang ginawa na kahit anong masama. Sapakin ko kaya to ng matauhan. At anong sabi niya, kilala niya si kuya Stanley? Walanghiya. Bat ba tuwing umuwi yung lalaking yun dito sa bahay lagi na lang akong napapahamak. Haaaaay. Buhay!
Iniwan ko na yung lalaking yun at umakyat na lang ako sa kwarto. Akala ko pa naman nanalo na kami sa lotto. Panigurado yung kotse sa labas e dun sa lalaking antipatiko na yun. Kaka stress. Bakit ba ang dami kong interactions sa mga lalaki ngayong araw. Haaaay. Panira talaga sila ng araw ever.
Papasok na sana ako sa aking napakagandang kwarto ng bigla may maisip ako na BRIGHT IDEA! Tiiiiiiiing!
HIHIHI. Hitting two birds in one stone, evil laugh. WAHAHAHAHA
Bumalik sa baba para harapin ulit yung walang modong lalaki.
"Hoy mister kiss stealer. Ang kapal din naman ng mukha mo para gawin sakin yun. Akala mo papalampasin ko lang yun ng ganun-ganun lang. Pwes nagkakamali ka."
"At ano namang gagawin mo,aber?"
"Dahil sa ginawa, alipin na kita at gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko sayo. At para sa unang utos ko sayo, magpapanggap ka na boyfriend ko."
Hihi. Galing galing. Problem solved. 😝😝😝
"Say whaaaaat?"
BINABASA MO ANG
Torn Between
RomansSino ba ang nararapat mong piliin? Yung taong mahal ka, pero gusto mo lang? O yung taong mahal mo, pero gusto ka lang? Gulo diba? Gaano nga ba kahirap ang maipit sa sinasabi ng utak at sa tinitibok ng puso? Sa bandang huli, kailangan mo pa ring pumi...