Chapter 1: PLAN

12 3 0
                                    

Plan.

"Do you still remember nung nag-usap tayo sa park after class?" Brienna asks

Hindi sya tumingin sa akin, nakatingin sya sa maganda tanawin. At marahang ipinikit ang mga mata habang pinakikiramdaman ang hangin.

"Ahm, oo. Anong balak mo? Gusto mo bang ituloy yung plano?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin, lumingon sya sa akin ng may luha sa mga mata. Kahit gabi na, kitang-kita ko pa rin.

"Alam mo namang matagal ko nang pinagplanuhan yun. Gusto kong sumaya. Tutal graduated naman na tayo. Ikaw? Gusto mo bang ituloy, kasama ako?"

"Oo naman, why not. This time, gusto kong magkasama tayo, maging masaya ang lahat, ayos na. Makita kitang masaya, ayos na ako."

"Binuo mo ako, Plaris. I'm very thankful for that, hindi ko inaasahan na magiging magkaibigan tayo." ngumiti sya sabay iwas ng tingin

Hindi ko na sya sinagot pa,
'masaya rin akong nakilala kita, Brienna..'

-
*/camera clicks

"Salamat sa ala-ala Tops Lookout, Cebu!" sabay naming sigaw mula rito sa taas, habang magkahawak naming itinaas ang kamay namin. Sabay nagtawanan

"Let's go," aya nya

"Okay. Ah nga pala Brie, we're going muna kila mama, gusto ka nyang makita," sabi ko ng may ngiti sa labi.

"Ah sure, tska tayo proceed sa another place. Malapit lang ba 'yon?"

"Oo, malapit lang dito yun."

After naming bumaba galing sa overlooking place, napagpasyahan ko nang ako ang magmaneho ng sasakyan, sya na kasi nagmaneho nung pumunta kami rito, kita ko rin sa mata nya ang pagod.

Maya-maya pa nakarating na kami sa bahay,

"Brie, we're here." I said habang tinatanggal ko ang seatbelt ko ng hindi sya nililingon.

"Brie?" nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya pinipilit ko syang gisingin

"Brie? Please, gumising ka. Bakit may dugo 'yang ilong mo? Brie?"

Dahan-dahan nyang idinilat ang mata n'ya. Nagtataka n'ya akong tinignan,

"I said, you're bleeding" kinuha ko agad ang tissue sa bag nya. "Are you okay? Should we go to the hospital now? Oh fvck, Plaris why would you ask her. Okay, we're going to hospital now." I said, panicking.

"H-hey, I'm okay. Dala lang 'to nang pagod, at saka napanaginipan ko rin namang may kausap akong foreigner kaya siguro nanosebleed ako hehe" habang pinupunasan nya ang dugo sa ilong nya

"Myghad, Brieanna. Nakuha mo pa talagang magbiro?"

"I said, I'm okay."

-

Pumasok muna kami sa bahay, pinakilala ko si Brieanna kay mama.

"Alam mo lagi kang kinukwento sa akin nitong si Plaris kung hindi ka lang kaibigan n'yan inisip ko nang may gusto sayo 'tong anak ko"

"Nako, ma andaming mong sinasabi," narinig kong tumawa si Breianna ng mahina "una na kami, ma. May pupuntahan pa po kami, promise, ma next time isasama ka namin sa pagtravel" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama

"Nako, masyado na akong matanda para sa travel travel na yan, mahina na ang mga tuhod ko, kaya kayo nalang, magandang mag-enjoy kayo hangga't bata pa kayo. Oh sya, mag-iingat kayo ha?" mahabang sabi ni mama.

"Sige po, tita una na po kami, salamat po sa pakain ansarap n'yo pong magluto, sa uulitin po" sabay nahihiyang tumawa

"Talagang sa uulitin, iha. 'wag kang mahiya"

kumaway muna kami mula sa malayo at sumakay na kami sa kotse, tanaw ko parin si mama na nakatingin sa amin hanggang mawala na sya sa paningin namin

"Masayang kasama ang mama mo ha, ang cute n'ya. Sa ganun edad hindi ko na makukuhanang pang magbiro"

"Grabe ka naman, si mama kasi ang sabi nya maikli nalang ang buhay n'ya sa mundong ito, halos bilang nalang ang araw nya kaya mas pipiliin n'yang sumaya kaysa magpalamon sa lungkot" ika ko habang nagmamaneho

Lilipad kami ngayon papuntang Paris, France. Ito ang plano namin ang magtravel, nangako kami dati sa isa't-isa na magttravel kami around the world hangga't kaya pa. Hangga't nandyan pa s'ya.

"Plaris? Promise me, You will take care of me." Brei.

"Ofcourse, I will."

"Okay, let's have a promise. Someday we will travel together, have bonding together. Is it okay, bestfriend?" Brei said with her twinkling eyes

"Yes, I promise." I said, and we did a pinky swear.

Hindi man inaasahan ang pagkakaibigan namin, matuturing ko s'yang bestfriend. Naalala ko pa noon aksidente ko s'yabg natapunan ng juice noong highschool kami dahil sa kalikutan ng nga tropa ko, hindi ko alam doon na pala kami magiging magkaibigan. Oo, nagalit s'ya nung nangyari yun pero nung mga sumubod pang araw, hindi na. Halos hindi ko na nakakasama tropa ko para lang sa kanya, bestfriend kami. Yeah, bestfriend.

"Ampanget mo."

"Mas panget ka 'wag kang papatalo" sagot ko. And we burst out laughing.

Natawa ako habang naiimagine ko iyon.

"Abnormal ka ba, Plaris? Should I call a doctor? Bigla ka nalang natatawa riyan nakakatakot huh,"

bumalik ako sa reyalidad nung nagsalita sya.

"Uh, nothing. I just remember something,"

"Sharing is caring" sabi nya sabay siko sa tagiliran ko habang nakangiti

Her eyes shining, when she's smiling.
Her lips, even her nose are so cute when she's happy. I'm so lucky to have a girl bestfriend like her.

"'wag na magkalat ka pa ng tawa rito kapag shinare ko, nakakahiya sa mga pasahero haha"

"Ha.ha.ha. Okay, fine" tapos bumalik ka 'sya sa pagc'cellphone.

You're so cute, haha. Sana hindi ka magbago.

Hindi s'ya nagtatampo. Ganun lang talaga sya madaling kausap.

Suddenly her phone ring, she picked that up. Hindi ko nakita kung sino ang tumawag.

"Uh, Plaris, I'll go muna sa comfort room, I'll answer this."

Hindi n'ya pa ako inantay na sumagot bagkus tuloy-tuloy sya papuntang comfort room.

So, need nya pa talagang sagutan yung call, sa cr pa? Bakit hindi nalang dito? Sino ba 'yon?

Aish, Plaris ano bang nasa isip mo. Everything's fine. Nothing to worry, it's just a call.

After almost 20 minutes, she came back

"Bakit ang tagal mo? Nagbawas ka ba?" sabi ko ng pabiro

"Huh? What the heck, Plaris. No, lower your voice nga nakakahiya." sabi nya sabay balik sa tabi ko at nahihiyang tumingin sa mga tao na nakarinig ng sinabi ko

"Eh sino ba kasi 'yon ang tagal mo naman"

"Ah wala, 'wag mo na alamin," sabi nya sabay pikit

Hinayaan ko nalang sya. Matutulog ata.

I smell something. It's not good. Who's that caller? Antagal naman nilang nag-usap? Is there something wrong? Are you trying to hide something, Brie? Nah, nag-oover think lang ako.

Napansin kong malalaglag na ang cellphone na hawak nya. Buti nalang nasalo ko ito.
Tinignan ko muna kung tulog na sya, at nang makasigurado na, binuksan ko ang cellphone nya.

May password. Fingerprint. Pin.

What the—



_kreyzcxii

Hold My Hand (until zero o'clock) [ON GOING]Where stories live. Discover now