CHAPTER 1 -BLACK LADY

16 0 1
                                    

Hating gabi tahimik ang kapaligiran walang kahit anong ingay ang maririnig mula sa labas ng bahay  12:30 am na subalit hindi parin ako dalawin ng antok siguro naninibago ako sa bago kong nilipatan. Kakalipat ko lang kanina dito sa  pinarenovate na bahay ni mama at wala naman akong masyadong inayos kasi bagong gawa itong bahay at may mga gamit na prinovide si mama tanging mga gamit ko lang ang inayos ko kanina.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at kinuha ko ang cp ko sa may study table.

Message: Sungit

"kuya ang Daya! Daya! mo talaga bakit kailangan diyan mo pa gusto mag-aral!! ako nalang tuloy ang naiwan sa bahay wala na ako kakampi!!! wala nang magtatanggol sa akin sa school !!( with iyak emoticons)"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako oh maaawa sa kapatid ko first time niyang mapalayo sa akin pamula elementary at highschool laging ako ang kasama niya at napapagkamalan na nga kaming mag boyfriend/girlfriend since malayo ang mukha niya sa akin kamukha ko si papa at kamukha naman niya naman si mama.

Nagreply ako sa message niya ang sarap niyang asarin

Sent to Sungit: "kapag nakapasa ka sa college entrance exam magkasama na ulit tayo kung makakapasa ka pero mukhang malabo hahahaha"

Grade 12 na siya at ako naman 1st year colloge, Ayaw naman niyang magtransfer kasama ko malayo daw sa mga shopping mall at ayaw daw niyang mapalayo sa mga kaibigan niya, wala naman akong kaibigan kasi mas gusto kong mag-isa at saka lagi siyang nakabunot sa akin sa school kaya hindi ko din ramdam na mag-isa pag may lumalapit sa akin na babae ay agad niyang inaaway hindi ko naman siya masisi sa gwapo ba naman ng kapatid niya.

Isang taon lang ang pagitan naming dalawa kaya close na close kaming dalawa, siguro dahil laging wala din ang magulang ko palagi at kami lang palagi ng kapatid ko ang laging magkasama kaya naiintindihan ko siya kung bakit ganyan nalang ang impact sa kanya ng paglayo ko.

Hindi na siya nagreply mukhang tulog na siya mahihiga na ako nang biglang tumahol si blacky ang alaga kong aso since hindi ko na makakasama ang kapatid ko alam kong mahohome sick ako kaya dinala ko ang alaga kong aso na ngayon may sariling bahay sa may tabi ng gate.

Sumilip ako sa may bintana ng aking kwarto para tingnan kung bakit bigla nalang siyang tumahol.

O_O yan lang naman ang itsura ko ngayon ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi naman ako duwag at hindi rin ako matatakutin pero hindi ko alam kung magnanakaw sya or aswang basta ewan mukha naman tao pero may kakaiba lang sa kanya tapos isama mo pa na black lahat ang suot niya.

"aw!! "aw!!! Patuloy parin sa pagtahol si blacky

May isang babae lang naman ang nakatindig sa tapat ng gate ng bahay ko, mahaba ang kanyang buhok na kulay itim tapos nakahood siya na jacket na black din, hindi ko sya masyadong mamukhaan since tanaw ko lang sya dito sa may bintana idagdag pa na medyo madilim ang kanyang pwesto.

Ang pinagtataka ko anong ginagawa niya sa dis oras ng gabi I mean mag-aalauna na at tulugan na ang mga tao bakit nasa labas pa siya hindi ba siya natatakot magpagala-gala sa labas????

Pinagmasdan ko siya kung anong sunod niyang gagawin pero still nakatingin lang siya kay blacky na hindi alintana ang pagtahol sa kanya, sarado naman ang gate at hindi siya makakapasok, kung sakaling may gawin siya kay blacky agad akong baba.


Mga ilang minuto din ang nakalipas pero still nakatindig padin siya sa tapat ng gate at si blacky tahol padin ng tahol sa kanya, hindi kaya? magnanakaw ng aso sya at balak niyang ipagbili para katayin???? kung ano-ano ang na ang nasa isip ko, pero bakit nga ba at gabing-gabi na ay nasa kalsada pa siya??? At isa pa sa dami-dami ba naman ng pwede niyang tambayan sa gate pa ng bahay ko.

Hayyy bahala na nga baba ako para kausapin siya.

Baba na sana ako nang biglang napansin ko na may kukunin sya sa bulsa ng jacket niya bigla naman akong nagpanick at kinabahan kaya nagmadali akong bumababa.

Kahit na babae siya hindi siya makakaligtas sa akin pag may ginawa siya masama kay blacky.

"bakit ba kasi nasa taas ang kwarto ko!"

Nagmadali akong bumababa at dumiretso sa tapat ng gate pero wala na yung babae hindi ko alam kung nasaan na siya inikot ko ang buong paligid pero wala akong makitang tao tahimik na ulit ang paligid at tumigil na rin sa pagtahol si blacky, pumasok ako sa gate dahil hindi ko na talaga siya makita.

Sinalubong ako ni blacky tinignan ko siya wala namang masamang nangyari sakanya

Niyakap ko siya kasi akala ko talaga may masamang mangyayari na sa kanya

"Aw!! Aw!!"

"hmm ( o_O)???"

Biglang bumitaw si blacky sa pagkakayakap ko at pumasok siya sa kanyang bahay

"Blacky bakit??" para akong tangang kinakausap ang aso ko eh kasi naman bigla-bigla na lang mang-iiwan

Lumabas si blacky sa bahay niya pero may tangay-tangay na siyang.....

"Tinapay???o_O"

Kinuha ko kay blacky yung tinapay na nakaplastic pa at hindi pa nabubuksan, kung hindi ako nagkakamali ensaymada ang tawag dito ewan basta alam ko tinapay ang hawak ko.

Galing kaya ito doon sa babae kanina? So ito yung nasa bulsa ng kanyang jacket akala ko kasi kanina baka patalim or yung mga bagay na nakakamatay.

Biglang lumundag si blacky sakin siguro alam niyang pagkain itong hawak ko kaso sorry blacky bawal sa iyo ito kaya akin nalang ito since nagugutom na ako, buti nalang at hindi pa niya nabubuksan.

pero bakit siya nagbigay ng tinapay?? Hayyy!! Sino ba kasi yung babaeng yun >_<?? May balak ba siyang masama sa aso ko? Hindi kaya??? tiningnan ko tinapay mukha naming ordinaryong tinapay lang at saka nakasealed pa sa plastic kaya imposibleng may lason hayyy ewan ayaw ko nang mag-isip.

"bawal kang kumain nito!! Seat!!" at umupo naman siya, lundag kasi ng lundag

Kumuha na lang ako ng dog food para ipangpalit sa kinuha ko sa kanya.

Hayyy pagtingin ko sa orasan 2:20 am na need ko na matulog ayaw kong magkapimples sa gwapo ko pa naman.

ZZZZZzzzzzzzzzzzzz... 


~~~

author:

itutuloy ko pa ba ??

blacky picture: oh diba black talaga sya. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BLACK NIGHTWhere stories live. Discover now