TM-Professor 9

1.2K 13 13
                                    

A/N: I've been on the procrastinating mode so I don't have any updates but thankfully I already save 2 chapters here. I upload this because I have seen the continuous increase of reads so to give back here's my update. Don't worry I'll go back to writing, I need to find myself again. My mind was a mess also.

Anyways, happy reading! 😃

CHAPTER 9

Kath's POV

Binisita ko sina papa at mama sa ospital para alamin lang ang kalagayan ni papa. Nakausap namin ang doctor tungkol sa magiging operasyon ni papa. He advised that my father should take his medications consistently, and after a span of two weeks and checking his results. Then, my father would undergo transplant operation.

Nakakatuwa dahil nakahanap na sila ng donor para sa atay ni papa. Hindi rin kasi kami nakahanap agad ng match niya sa mga kamag-anak namin. Walang mapagsidlan ang kagalakan ko nang marinig ang balitang iyon kanina. My mother said that she will visit me during weekends, but she decided not to stay with our house in Caloocan. She will stay in Makati where my Auntie Julie resides, it was her sister also an entrepreneur like my mom.

Mabuti na lang at pinayagan ako ngayon ni Sir Marvin na hindi siya puntahan at asikasuhin sa opisina niya dahil pinaalam ko na rin naman sa kanya kahapon pa lang na pupuntahan ko ang mga magulang ko sa ospital. Pero, wala naman akong gagawin ngayon. I tried texting and sending my squad an invitation but they also rejected me because of their own business in life.

5 MAN SQUAD
Active now

Kathleen:
GUYS!
Gala?
😲4


Ynna:
Shocks! I have an errand to do eh.
Sorry, Kath :<
😭1

Grace:
Samedt! Kath :'(
SCHOOL WORKS!!!
😭2

Marco:
Nasa Cavite ako ngayon kasama
mga kaklase ko hehehe
😠4

Roger:
Reply to Marco:
Tangina neto, kalimutan ba naman
kami?!
Sorry din kath, tinatamad
talaga ako ngayon :<<<
😠😂😭3

Kathleen:
Salamat na lang sa lahat.
😭4

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Hindi ko rin naman maasahan ang mga kaibigan ko dahil may kanya-kanya silang mga gala at gawain sa buhay ngayon. Tinignan ko naman ang cellphone ko at nag-scroll down ako sa ilang mga social media accounts ko baka sakaling may pagtripan kong puntahan pero wala ni isa akong napili. Napakamot naman ako sa ulo at naaptingin na lang ako sa bintana ng taxi na pinabook ko sa cellphone ko kanina. At bigla ko na lang naisip si Sir Marvin, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko mabibista ang mga magulang ko ngayon. At may pumasok sa isipan ko na magandang ideya. A sardonic smile came out on my lips.

I turned my head to face the driver. "Ah! Kuya, pwede pakidala ako sa UCC Congressional campus," saad ko. May kinalikot siya saglit sa cellphone niya at binago ang destination ko sa app na iyon. Hindi naman problema sa akin ang bayarin pero nang makita ko na papunta na ako sa campus, hindi ko mapigilang kiligin. Siya lang naman ang rason kung bakit gusto kong pumasok sa unibersidad na iyon.

Matapos ang ilang minutong biyahe, nakababa na rin ako sa sasakyan pagkatapos kong maiabot sa drayber ang bayad ko. Hinirap ko ang gate ng UCC, kaagad kong inilabas ang school ID ko, palagi 'ko iyon dala para kahit na wala akong pasok ay pwede pa din akong magkadiskwento sa jeep at bus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teach Me, Professor (Teach Me Series #2) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon