CHAPTER 3

5 0 0
                                    

   Andy's POV

Sinumbong kami ni ate girl sa advicer namin lakas kasi amats ni melly eh. Gusto kolang naman uminom ng tubig ng payapa.

" Go back to your seats. " sinunod namin sinabi ni ma'am. Kabado bente pa'ko akala ko guidance nanaman.

" Ayun lang pala." Rinig kong sabi ni melly. Napailing nalang ako.

" Ano musta?  Sarap mapagalitan? " asar pasamin ni joanna na kumakain ng chips ng patago kahit na nasa harap namin si ma'am na nag di discuss.

" Sarap kamo maligo AHAHA"

" Anong nakakatawa?" tanong ni ma'am kay kimshi, Napangisi ako.

" W-Wala po ma'am... "

" May joke ba sa discussion ko? Kaya ka natatawa? " Napaubo si crystal, si joanna naman nagkunwari na may sinusulat. Nakita kong malapit na sumabog si cally sa pagpigil sa pagtawa. Us usual nakatulala nanaman si melly sa bintana.

" Kasi po ma'am nangingiliti kasi si andy maam."

Taena ako nanaman?

Sinipa ko paa ni kimshi bago tumayo sa upuan ko.

Napapakamot nalang ako sa buhok ko. Wala akong kuto ah?  Sa inis lang. Taena kasi nito ni kimshi eh gagawin ko'tong kimchi o sushi taena talaga.

Ang tagal panaman nito ni ma'am lumabas nakatayo lang tuloy ako habang may sinusulat si ma'am. Hindi ako papayag na wala akong kasama tumayo.

Nagbabatuhan si cally at melly ng papel, it's your time to shine mga sis. Kinuha ko yung papel sa paanan ko at binato sa likod ni ma'am.

Napaayos ako ng tayo ng humarap siya at ang mga bitch automatic na kunwari nagsusulat.

" Sinong bumato? " ang sama nanaman ng tingin sakin ni ma'am. Akala niya ba ako?  Pwes sige na nga ako talaga yun.

" Ma'am ang dami kalat dito oh! " sabi ko na sinisipa pa papunta sa mga upuan nila kimshi.

" Hays hindi na nga kayo naglilinis sa bahay niyo nagkakalat pa kayo dito tsk tsk.."  pasipsip ang role lang.

" Gago ka andy. " bulong ni kimshi.

Lumapit si ma'am para tingnan.

" Stand up!! " natatawa nako dito pero kailangan na inosente tayo na wala tayong kinalaman diyan. Pinapantay ko yung upuan dito kahit na pantay na.

" Uy usog ka onti di pantay.. " sabi ko sa classmate ko,nagtataka siyang tumingin sakin pero sinunod naman niya.

" Ma'am hindi po ako kasali diyan. " sabi ni kimshi na pinatayo narin ni ma'am.

" Talaga ba? Ang daming kalat sa ilalim ng upuan mo. " wala na siyang nagawa at sabay sabay kaming apat na pinatayo.

" Ang sakit na ng paa ko gosh. " reklamo ni melly.

" Kakatayo lang natin teh. " sabi ni cally.

" Basta ako ah mabait!" parinig samin ni joanna.

" Ay ang mahalaga tahimik lang tayo dito. Kaya kayo!  Wag tutularan ito ah." sabi ni crystal sa mga classmates namin. Tinalo pa tumakbo sa ssg.

Tsk tsk apat na kami kailangan pa ng dalawang nakatayo para kumpleto na..

Nakalagay yung bag nila sa desk at may pinapanood. Kinuha ko Bluetooth speaker ko at kinonnect sa phone ko. Nilapag ko sa may ilalim ng upuan yung speaker.

" Ano yan? " tanong ni cally. Binulong ko sakanya plano ko.

" Sis ang pogi nito oh tingnan niyo. " sabi ko kila joanna. Binigay ko sakanila yung phone ko bago ko sakanila ibigay yun nakatodo volume nayun. Kahit hinaan nila sa phone ko yun itotodo ko sa speaker yun.

Kinuha ni crystal phone ko tumingin panga kay ma'am, safety first?

Lumabas kasi yan sa notif ko kaya sharing is caring.

Tiningnan namin sila joanna ng iplay nila nung una loading tae bumagal data ko.

Pinindot ko yung volume sa speaker gamit paa ko dahil hininaan nila joanna sa phone ko.

'ugh baby... Babyy faster baby ughh...'

" Lah ano yun? " tanong ko sakanila.

" Anong faster???" sabi ni cally na sinasabayan acting ko.

Nagmamadali sila joanna na hinaan yung phone ko pero pinipindot ko sa speaker yung volume.

Namumulta na si crystal dahil hindi mahinahan yung phone kahit patayin.

" GUIDANCE ROOM!!! "

Taena yung phone ko nakuha huhu

The Six BitchesWhere stories live. Discover now