Eula's POV
"Ano ba? Tigilan mo na yang pang-aasar mo Albert." Sabi ko kahit natatakot ako sa kanya. Dalawa lang kami dito sa hallway "Ok in one condition. Everyday at 6 p.m pupunta ka sa bahay ko dahil meron akong ipapagawa sa iyo." HA? ano daw? "Anong balak mong gawin ha?" Gulat kong tanong. "Magpapatutor ako." Sagot niya. Amputa ang yaman nito. "An-mmmm!" Tinakip niya yung bibig ko gamit ang kanyang kamay. "Wag kana magtanong at gawin mo nalang ang sinasabi ko kapag ayaw mo e bully kita." Sabi niya at inalis na ang kanyang kamay. "Yuck". Sabi niya at umalis na. Ang arte, "HUY BES OK KA LANG BA?! SINAKTAN KA BA - teka walang ginawa?" Biglang tanong ni Yayo habang tinitignan ang kamay tsaka mukha ko. "Di ko alam dun eh." Sagot ko lamang.
"Tara na nga baka hanapin na tayo ni Ma'am Buenavidez, sungit pa naman nun." Sabi niya at pumunta na kami sa classroom namin. Habang lumalakad kami ni Yayo ay aksidenteng nakabangga ako sa isang estudyante. "Sorry." Nagtagpo ang mga mata namin. "Hoy lalaking pacute, alis." Sita ni Albert. "Wag kang magpacute jan." Anong problema nito? Lumapit si Albert sakin at pinilit kinuha ang kamay ko. Hinampas niya sa kamay ko ang isang papel at umalis na. Binuksan ko ito and dito nakasulat ang kanyang address at "You start later.". "Ano yan? Pat-" "Wala, ano lang, masasakit lang na salita." Ayaw kong malaman niya kasi baka patayin ako nito ni Albert. Tinago ko na lamang ang papel at dumiretso na kami ni Yayo sa classroom.
Dismissal
Bago lang natapos yung klase namin kasi etong si Ma'am Buenavidez ay nagyabang ng kanyang kagandahan every second. Pagkatapos mag explain ay magyayabang. Ito ba yung epekto ng pangaliwa ni Sir Victor sa kanya? "Anong oras na?" "5:40." Shet?! Huy ilang minutes nalang oh. late. "A-ah ganun ba? s-sige uwi na ako." Sabi ko at tumakbo na. Habang tumatakbo ako bigla na lang may humila sakin kaya nagbanggaan kami. "ba't ka nagmamadali? Excited?" Shit. "Ah h-hindi a-." Di ko tinapos yung salita ko nang bigla niya akong hinila papuntang parking lot. Nakatayo kami sa harap ng isang Porsche. "Pumasok ka na! dali." Kaagad naman ako pumasok.
Pumasok na rin siya at sinimulan na paandarin yung sasakyan. "Don't say anything kahit nandyan na tayo sa bahay. Maari ka ng magsalita if nasa kwarto ko na tayo" Giit niya at sinimulan ang pagmamaneho. Tahimik ako buong byahe. Nakatitig na lamang ako sa labas. Pero nararamdaman ko na tinitignan niya ako. "Magmaneho ka nga ng maayos." Sabi ko dahil di na ako komportable sa ginagawa niya habang tinignan siya. "Don't tell me what to do. And diba sabi ko don't say anything?" Reklamo niya. I simply rolled my eyes and syempre nakatingin sa labas. Suddenly the sight of him as he drives flashed into my mind. The way he talks as he drives. His veins forming on his arms and hands as he holds on the steering wheel. It was just pleasing to s- "Stuy! Nandito na tayo." I got out of my thoughts and did I just?
ew, ew, ew. Disgusting thoughts you have there Eula. Lumabas na ako sa kotse at sumunod na lang sa likod niya. "Hi anak, oh who's this?" Bati ng isang babae which I think is his mom. "Si Eula po." "Hi Eula, nice to meet you." Sabi ng mama niya binigyan ko na lamang siya ng ngiti. "Sige ma mauuna na po kami ni Eula sa kwarto." Sabi niya at nanlaki yung mga mata ko. Kinuha niya ulit yung kamay ko at hinila ulit. "Baka anong gawin ninyo gumamit kayo ng p-" "MA!" Sigaw niya. Grabe naman ito yung mama ni Albert.
"Kilala kita anak." Her mom smirked and left. I was so uncomfortable. I look at Albert with wide eyes. "Nagbibiro lang yun, Asa ka din noh? Cuz I would never." He said and dragged me to his room. "So, Let's start." He said and throws his books on the bed. It was a challenge at first pero. Daming reklamo. "Basahin mo lahat yan dahil gagawa ako ng reviewer mo." Sabi ko. "Psh masasagot ko naman yan kahit di ako magbabasa." "Eh ba't ka pa nagpatutor sakin? kaya mo naman pala." Bulong ko sa huli at sinimulan na gawin ang reviewer niya.
"Sagutin mo yan." Sabi ko at binigay sa kanya ang reviewer habang siya'y naglalaro. "Teka lang naglalaro pa ako oh." Sabi niya at umupo nalang ako sa gilid at unti-unting pumikit yung mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Eulbert Oneshots
Fanfictionone shots para sa mag eulbert fans jan. sorry in advance kung and bagal ko mag update hekhek.