GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD. ENJOY READING :D
ROSE
Nagising ako dahil sa malakas na kalampag ng pinto. Pre seryoso? Ang aga aga pa.
"HOY TOMBOY BUMANGON KANA JAN! MAY PUPUNTAHAN DAW TAYO SABI NI MAMA!" sigaw ng kuya kong kupal na pinakaepal sa lahat ng epal. Charot baka magbugbugan nanaman kami.
Naglakad ako palapit sa pinto upang sumbatan sya."OO NAMAN YES JONATHAN"
"ANO KAMO TOMBOY? ANO TAWAG MO SAKIN?"
"WHATEVER JONATHAN, ALIS!"
Bago pa kami magsapakan ay isinara ko na ang pinto at kumuha ng kahit anong pwedeng isuot at nagsimulang maligo.
Pagkatapos ng isang oras. Oo isang oras ako naliligo at wala kang pake.
Bumaba ako at nakisalo sa hapag habang tinitignan ang kuya kong masama ang tingin sakin. Nakakatawa 'yung itsura n'ya sarap hampasin ng dos por dos. Nginisihan ko lang sya."ANONG TINITINGIN TINGIN MO JAN TOMBOY? MAY PANGISI NGISI KA PANG NALALAMAN"
Diko s'ya pinansin kahit salita siya ng salita, napakadaldal daig pa babae. Di nako magtataka kung isang araw mabalitaan kong bakla tong kuya ko.
"JONATHAN, NASA HARAP TAYO NG PAGKAIN WAG KANG DALDAL NG DALDAL AT HAYAAN MONG KUMAIN 'YANG KAPATID MO", natahimik sya ng magsalita si Mama tapos ako eto muntik ng mabilaukan dahil sa pagpipigil ng tawa.
"IKAW NAMAN ROSE, TANTANAN MO YANG KUYA MO KAKAASAR AT BAKA MAGKASAKITAN NANAMAN KAYO"
Natahimik kami pare pareho at tinapos kumain.
Si Kuya ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkain. Taray ni kuya masipag.
Nandito ako sa kwarto at kinakalikot ang aking cellphone habang hinihintay sila mama na tawagin ako para makaalis na kami. Pupunta daw kami ng Mall. Bonding lang ganon mahilig kasi si mama mamasyal kasama kami, at syempre pabor na pabor kami ni kuya. Biglang pumasok si mama at umupo sa tabi ko."ANAK, MATANONG KO LANG. TOMBOY KABA?"
"MAAAAA! HINDI PO. PINAGLOLOLOKO LANG KAYO NUNG SI KUYA"
"NAPAPANSIN KO LANG KASI ANAK, TIGNAN MO OH. YANG PANANAMIT MO YANG GALAW MO, YUNG MGA BARKADA MO DIN KARAMIHAN LALAKI"
"EH MA DITO AKO NASANAY, HINDI PO AKO TOMBOY"
"JOKE LANG ANAK HAHAHAHAHAHHAHHA HALIKA NA AALIS NA TAYO"
Diko alam kung mama ko ba talaga to o ano.
Lagi akong pinagkakamalang tomboy dahil tulad nga ng sabi ni mama. Karamihan sa barkada ko lalaki. Napakasiga kong maglakad. Puro panlalaki gamit at mga damit ko. Pero uulitin ko ha. Hindi po ako tomboy.
Sabado ngayon at sa Monday back to school nanaman haaay, kaya super bonding kami nila mama kasi pag pasukan bihira nalang dahil busy kami ni Kuya. Kung nagtataka kayo kung bakit di ko binabanggit si Papa. Dahil wala na kaming papa. Hindi pa sya patay. Sumama lang sa ibang babae. Nakita namin ni kuya kung pano nag suffer si mama noon dahil sa pag iwan ni papa samin. Pero kinaya nyang palakihin kami ng maayos at masaya kami kahit tatlo lang kami. Walang bubuwag HAHAHAHAHAHAHA.
Yang si Kuya? Lagi kaming nag aasaran at nagbabangayan nyan pero pag problema na pinag uusapan magkakasundo kami. Nagsasapakan din kami minsan kasi pikon sya HAHAHAHAHHAHA kaya sya iniiwan e, daig pa babae. Pero seryoso si kuya pagdating sa pakikipagrelasyon ang problema lang palagi ding iniiwan. Ewan ko ba kasi jan di na natuto. Di nya ako gayahin NBSB, oh baka isipin nyong No Boobs Since Birth yan ha. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH yan mga tol. Wala akong time para sa ganyan. Tsaka baka katulad lang din sila ng tatay kong kupal na sumama sa ibang babae.
So whatever bahala kayo jan. Bonding muna kami.
Kumain kami ng kung ano ano at naglaro kasama si mama. Nagkwentuhan na din hanggang sa mapag usapan namin na pasukan na sa Monday.
BINABASA MO ANG
LET GO
RandomNaranasan mo na bang pumasok sa relasyong parang ikaw nalang ang nakakapit? Kakapit ka pa rin ba o bibitaw kana?