GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS AHEAD. ENJOY READING :D
ROSE
Napakatagal talaga ng mga babaitang yon. Late nanaman ako nalang palaging nag aantay sa kanila. Kanina pa kasi ako dito sa room so boring. Ke aga aga kasing nag aya ni kuya pumasok may gagawin daw para sa try outs ng banda nila. Ow yes! Singer si kuya guitarist pa. Oha oha wala pala kayo e.
Ganito talaga ka aga ang mga try outs dito sa school para kapag may program ready na sila. Diko lang sigurado sa ibang clubs, baka magsabay sabay na. Pag nagkataon sa sports isasali nanaman ako sa sepak, aba ano kala nyo saken walang alam sa sports? Hahahahahhaha star player din to noh kasama ko si Jirah at Alessandra. Kahit ganun si Jirah magaling din yun magsepak and yung Alessandra naman sa kabilang section medyo close naman kami kasi baliw din yun gaya ko na tawa ng tawa.
---------------------------------------------------------
“Okay class announcement” anunsyo ni ma’am Acosta kaya natahimik kaming lahat at tutok na tutok sa sasabihin nya.
“Lahat ng clubs ay magbubukas ng try outs starting today, yung mga star player jan gaya ni Ms. Salvador ay kasamang magpapatry out” ha? Totoo? Kasali na pala ako sa magpapatry out ayoko sana pero mukhang masaya hahahahahhaha. Arat na
“Including Sports po ba?” tanong ni Mr. Yabang. Wow may balak atang sumali ah. Hmmmm anong sports kaya? Payabangan? HAHAHAHAHAHA bagay sya don.
“Lahat nak. Pati sa Arts, Alexandra ikaw and President ng Arts Club hindi ba? Ikaw ang magmanage non understood?” saad uli ni ma’am Acosta.
“Yes ma’am” mukhang bagot si Alex ah. Magaling sya sa arts peeps ganyan lang talaga yan pero talented.
“Class dismiss” yun lang ang ginawa nya dito, nag announce HAHAHAHA. Lumbas na kami nika Alex at pumunta sa kanya kanyang meeting rooms para sa club.
Andito kami ngayon ni Jirah sa designated room para sa mga player na gaya namin. Andito na rin pala si Alessandra.
“Sino nanaman kaya ang makakasama natin, seems like hindi nila masyadong gusto ang sport natin pero sayang saya sila manood” sabi ni Alessandra na nag iisip
“So true, sarap nilang patamaan ng bola sa mukha” grabe talaga tong si Jirah HAHAHAHAHHAHA
“Ayy pwede din HAHAHAHAHAHAHHAHAHA” see? I told you baliw yang si Alessandra.
May mga kasama din kaming boys dito, mas madami nga sila kesa samin e dahil mas maraming may interes sa sepak. Ilang sandali pa nagsidatingan na ang mga players na willing matuto at sumali sa amin. May isang babaeng nakakuha ng atensyon dahil parang may kamukha ito. Nilapitan ko sya.
“Ah hello? Sasali ka din ba?” tanong ko sa babae
“Ahh opo ate. Gusto ko po kasing mas matuto pa” sabi nito sakin. Ahh so marunong sya okay okay
“Anong name mo? At anong grade kana?” Tanong ko uli
“Margreth Martinez po Grade 8” familiar ang kanyang apilyido hmmm nevermind.
Ilang minuto pa ay nagstart kami sa try out, pero nakisama muna kami sa court ng Basketball para maluwag ang space kumpara sa space ng court namin.
Stretching muna sa umpisa syempre para hindi mabigla. New players pala namin. Nadagdagan kami ng tatlo. Sakto isang regu HAHAHAHAHAKS. Si Margreth, Si Sofia from section B na kaklase ni Alessandra at si Natalia grade 8 din kaklase naman ni Margreth daw.
Yung dalawang grade 8 marunong sila. Konting practice lang. Siguro kay Sofia lang kami mas mag aadjust dahil kailangan pa nyang matuto ng maayos, pursigido naman kasi siya kaya tanggap sya dito bwahahahahaha.
Habang nag aayos ng mga pwesto biglang may bolang tumama sa ulo and aray ah masakit nakakahilo, bola ng basketball? What the. Inikot ko ang paningin ko at oh may nakita akong grupo ng kalalakihan na nakatingin sakin mismo at natatawa pa. Dzuh panong hindi tatawa e sinadya nila yon. At alam kong si Mr.Yabang nanaman ang may pakana non. Walang magawa sa buhay.
“Hala ate ayos ka lang?” tanong sakin ni Margreth
“Ahh oo tara practice na” tumayo nako at nag umpisa na kaming magpractice ng di pinapansin ang presensiya ng epal na yun.
“Aray” angil ko ng naramdaman uli ang pagtama ng bola sa ulo ko. Masakit talaga akala nya walang impact sakin aba aba sumosobra na sya. Pinulot ko ang bolang gamit namin at inihagis sa nakangisi nyang pagmumukha. Ayun! Beym! HAHAHAHAHA sapul.
“Ano bang trip mo Mr. Martinez at kanina kapa? Namumuro kana ah?” mayabang kong tanong dito.
“What? I’m just watching my sister here” nag mamaang maangan pa.
“Sus, may gusto ka ata saken e. Naks naman”
“What? Ang assuming mo naman Ms. Salvador” ayy assuming daw. Pinagtitripan lang e
“Kuyaaa! Ano bang ginagawa mo ditooo?!” inis na tanong ni Margreth. Ha? Magkapatid sila? Kaya pala pero bakit ganon? Hahahhaha di ata sila magkasundo.
“Hey little sissy, I’m just watching your play okay? And one more thing I came here for the Basketball try out” wow English spokening
“Alis kuya. Ang panget mo” natawa ako sa sinabi ni Margreth HAHAHAHA mukhang magkakasundo kami.
“What?! You call me what?” hahahaha mukhang nainis na
“Umalis kana kasi. Mag try out ka nalang nanggugulo ka lang e. Crush mo si Ate no? Yieeeee” nung sabihin nya yun biglang umalis hahahaha pikon din pala sa kapatid.
Nang makaalis na sya ay nagpatuloy kami sa practice. Tinutukan namin ang performance nila lalong lalo na si Sofia. Madali naman pala syang matuto. Well mukhang may mas iiimprove pa ang mga ito.
Ilang oras lang din ang practice namin kaya pinag lunch ko na sila. Hindi kami palaging makakapag practice dahil may klase din naman kami kaya pag kailangan na magpractice mag eexcuse nalang.
Nagpalit muna kami ng damit bago pumunta ng cafeteria at saktong nandun na ang mga babaita maliban samin ni Jirah.
“Hey peeps” saad ko
“Nag order na kami para sa mga star player namin HAHAHAHAAH” ayy ang saya naman po ni Roselle, mukhang dumaan nanaman sa kakornihan ni Marvin
“Aba salamat naman. I’m hungry” haynako HAHHAHAAHAH
“Te, mukhang trip ka nung transferee na kaklase natin ah?” pang aasar ni Ji
“Ha? Yun tsh epal nun”
“Oh baka naman kwento” ayan na ang tsismosang marupok ANGELICA!
“Eh ito po kasing kaibigan natin lagi nalang napagtitripan nung kaklase nating transferee”
“Nakuuu ayan na nga ba sinasabi ko e” aba sumali na din sa pang aasar si Roselle
“HAHAHHAHA lolokohin ka din nyan sa huli” ayy grabe Alex? Gusto ko ba sya? Hanep ka ah
“Haynako manahimik nga kayo mamaya marinig kayo nun. Hindi ko sya gusto okay?”
“Wala kaming sinabi” sabay sabay nilang saad
“Ayy wala ba? Sorry naman” nanunukso na ang mga paningin nila.
Umiling nalang ako tsaka kumain ng kumain hanggang matapos ang oras at bumalik na din kami sa room para sa klase.---------------------------------------------------------
“Okay before we end this class. On your book read page 9-16 and we will have a recitation tomorrow” saad ni Ms. Mamaril ang aming history teacher. Arrgh I hate history. Recitation pa talaga? Kainis naman. Last subject naman na to kaya okay na
Lumabas na kami ng room at as usual may kakornihan nanaman sa paligid.
“MS. RAMIREZ” malambing kunong sabi ni Marvin wow naman talaga
“ANO NANAMAN MR. BALLESTEROS?” hahahaha problema ng mga to? Apilyido talaga tawagan nila? Ayos ah
“WALA NAMAN MY WORLD” ayy taray world daw tinignan lang namin silang dalawa. Ayown namumula na ang kaibigan namin HAHAHAHA lakas naman pala ng impact ni Marvin dito.
“Korni nyo naman tara na nga” hahhahah ang bitter netong Angelica na to.
“Inggit ka lang e” HAHAHAHAHA alex na yan oh.
Tumambay lang kami sandali sa court at pinanood ang mga nagt'training. Nakita ko yung mga boys na kasama namin sa sepak. May training pala sila ng afternoon. Napadako ako sa mga naglalaro ng Basketball at unang nadapuan ng paningin ko ay ang mayabang na yun. Magaling naman sya kaso wala akong pakialam.
“Guys. Support nyo naman ako nagtry out ako sa Badminton” ani marvin kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya
“Aba, natanggap kaba naman?” hahahaha parang walang bilib tong Alex na to
“Syempre naman. Inspired e” sabay tingin kay Roselle
“Kakornihan nanaman” hahahaha Jirah na umapila
“Oo nga mais mais mais” ginatungan pa ni Angelica
“Nakuu sanaol nalang kayo dahil mga pinagpalit kayo” ibang klase ka Alex hahahahaha
Natahimik yung dalawa sa sinabi ni Alex hahahaha. Pareho kasi silang pinagpalit. Yung isa pinagpalit sa easy to get yung isa pinagpalit sa di namin alam kasi pinagtitripan lang naman sya nakow.
Pinanood lang namin kakornihan nung dalawa.
“Ms. Ramirez, kelan moko sasagutin?” wow hahahahahaha hanep
“Mr. Ballesteros pwede bang tigil tigilan moko” gigil na si Roselle oh lah
“Sagutin mo lang tanong ko Ms. Ramirez” HAHAHAHAHA di talaga to titigil
“Manahimik ka nalang Mr. Ballesteros”
“HAYNAKO ANG KOKORNI NYO” Angelica hahahahaha
“UWIAN NA GUYS TAMA NA KAKORNIHAN” sabat ko naman
“Ah? Uwian na? Bilis naman” parang di pa naniniwala Marvin ah?
“Masyado mo kasing pinapairal yang kakornihan mo kaya ganyan” wala to Alex na yan e hahahahahaha
Tumayo na kami at naglakad palabas ng campus at nagpaalam na.
Natatawa ako sa itsura ni Kuya na inip na inip na sakin kakaantay.
“Hey wasap Jonathan”
“Wag mokong winawasap wasap jan at bak a iwasiwas kita. San kaba galing? Napakatagal mo”
“Nanood lang kuya e sorry na. Pakiss ngaaa” hahahahahhaha
“Tigil tigilan moko sa kiss na yan ha. Ikiskis kita sa pader” ang harsh bro
“Ayy grabe kuya ah. Di mo nako lab” naka-pout kong sabi
“Tse mukha kang pato jan” natatawa nyang saad pero di nya maitatago ang inis hahahahahaha sorry na kuya
“Sakay! Dadaan pa tayo sa flower shop”
Sumakay nalang ako bago pa magkapikunan at magbugbugan kami dito. Nakinig Lang ako ng music habang nasa biyahe.
“Kuya anong gagawin natin dito?” tanong ko nang makarating kami sa shop
“May pinapakuha lang si mama. Naiwan daw nya kanina nagtext sakin, hintayin mo nalang ako dito”
Okay. Edi maghintay. Music music lang pag may time hahahahahahaha. Napatingin ako sa labas ng kotse at may nakita akong pamilyar na pagmumukha. Lumabas ako, ginagawa nito dito?
Sinundan ko sya sa diko alam kung saan pupunta. Curious lang ako kung bakit sya nandito. Kanina pa sya naglalakad malapit lang ako sa pwesto nya kaya pag may ingay maririnig nya at mahuhuli nyako mamaya sabihan pakong stalker neto e kapal.
Bigla syang napalingon sa gawi ko nang maramdaman nya sigurong may sumusunod sa kanya kaya naman dali dali akong nagtago sa kung saan para hindi nyako makita.
Hoooo! Muntik na yun ah. Aalis na sana sya nung
KRIIIIIINNNNNGGGGGGGGGG
‘Huh? Kanino yun'
Ah? Teka phone ko ata yun ah halaaaa hindi naka silentttt!
Tinignan ko yung sinusundan at at at at nakatingin na sya sa gawi ko at naglalakad na palapit.
'WAAAAAAAAAAH LAGOT! TAKBO NAAAAAA!
BINABASA MO ANG
LET GO
RandomNaranasan mo na bang pumasok sa relasyong parang ikaw nalang ang nakakapit? Kakapit ka pa rin ba o bibitaw kana?