Alegorya ng Yungib

34 0 1
                                    

FILIPINO 10

Martes, Mayo 26, 2015

ANG ALEGORYA NG YUNGIB

Ang Alegorya ng Yungib

ni Plato

(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila'y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya't hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.

Nasilayan ko.

At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?

Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa't isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?

Tunay nga.

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?

Walang tanong-tanong, ang tugon.

Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon niya?

O kaya'y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?

Malayong katotohanan.

At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit upang siya'y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa kasalukuyan?

Totoo, ang sabi niya.

At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.

Grade10 FilipinoWhere stories live. Discover now