Psycho 3

6 1 0
                                    

"Hoy luka! ano ng balak mo?! Di ka pa rin ba tatayo dyan?!"

Naalimpungatan ako sa lakas ng alarm clock ko. Sinong di magigising dyan? Bunganga pa lang pak na pak na. Lintek.

"Mamaya na ako gigising, maaga pa!"

"Aba Zeina Winston! Baka nakakalimutan mong-"

"Aba Kyra Winston baka nakakalimutan mong walang pasok ngayon dahil sabado?!" malakas na sabi ko kay ate sabay talukbong ng kumot. Pagkatapos ay narinig ko syang lumabas ng kwarto ko habang bumubulong-bulong.

Alam namang sabado eh tapos mag tatatalak pa sa umaga-

*TING!!!*

0_o

May narinig akong malakas at nakakarinding ingay!

Marahas akong bumangon habang hawak ang dalawa kong tenga na halos mabingi na at masamang tinignan ang engkantong gumawa non. Teka nabingi ata ako dun ah!

"Gaga andyan si Zack sa baba at inaantay ka dahil may date daw kayo!"

"Anong pake ko-" nabitin sa lalamunan ko yung sasabihin ko ng ma proseso na ng utak ko yung sinabi nya.

Sandali akong napatigil at napatingin sa hawak nyang takip ng kaldero at isang kawali! Ngumuso ako at umirap sa kanya.

"Bantos na nilalang" (bastos) bulong ko at sa isang iglap lang muntik ng sumaudsod ang maganda kong muka sa sahig dahil sa kagagawan ng engkanto sa likod ko. Nakayuko pa yung ulo ko at nakita ko na sa tabi ng paa ko ang isang unan na naging sanhi ng panganganib ng aking pinakaiingatang mukha.

Marahas akong humarap sa kanya at may nakita akong lumilipad na flying saucer este unan na papunta sa muka ko pero dahil swerte ako ay nakailag ako kahit di ko alam kung paano.

"Narinig ko yung sinabi mo!"

"Pake ko?!" sabi ko sabay dila sa kanya.

"Aba?!" nanlalaki pa ang matang banta nya.

"Aba?!" panggagaya ko sa kanya.

"Sumusobra ka na ah?!"

"Sumusobra ka na ah?!" ulit ko pa. ha! Mamatay ka sa inis!

"Isa!"

"Isa!"

"Dalawa!"

"Dalawa!" HAHAHAHAHA

"Tatlo!"

"Tat-" biglang takbo ang ginawa ko ng makita kong ibabalibag nya sakin ang hawak nyang takip ng kaldero at kawali! Waaaaahhhhhh!!


Kyra's POV

HAHAHAH kala ko papalag pa sya eh HAHAHHAHA!

Pababa na ako dala ang mga pinanggising ko sa babaitang yon ng makita ko si mama na nakatayo sa may kusina at pinagmamasdan si Zack.

"Ma, gising na sya."

"Mabuti kung ganon." ani nya ng hindi inaalis ang tingin kay Zack.

Sandali kong tinitigan si zack tsaka ako lumabas ng bahay at may tinawagan.

"Mag ready ka na, aalis na sila."

"Roger."

"Tandaan mo yung binilin ko sayo, kapag nagawa mo yan ng maayos may bonus ka sakin, kapag pumalpak ka naman, wala kang matatanggap kahit piso. malinaw?."

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon