PREVIEW

754 373 247
                                    

"Nasaan siya?,"

Iyon ang bumungad sa amin,  mukhang kagigising niya lamang siguro galing sa mahabang pagtulog, last night we had a celebration because of her Mother's 45th Birthday, halos abutin na kami ng madaling araw dahil sa rami ng bisita. But in the end we also enjoyed the night lalo na siya, sobrang na-enjoy niya.

See? I can make her happy without the help of Nuggets.

“Sinong siya?” kunot noong tanong din ang isinagot ni Maddox sa kaniya habang presentableng nakaupo sa may sofa at hindi inaalis ang paningin sa telebisyon kung saan ipinapalabas ang isang sikat na drama. Habang si Dainty naman ay busy sa pagtitipa sa kaniyang cellphone.

Napaismid ako bago ibalik ang paningin sa pagtitipa ng report para sa thesis ng grupo na sa isang araw na ipapasa. Kailangan ko ring mag-review dahil sa defense, sarili ko lamang ang maaasahan ko sa grupo.

Bumalik ulit ang aking atensyon sa kanila nang biglang tumaas ang tono ng kaniyang boses, dahil doon ay napaayos bigla ng upo ang dalawa niyang kaybigan, “Nuggets!, Zalde!, Keegan!”

Mababatid sa kaniya na naiinis na siya dahil sa mga kausap. I can't blame her, maging ako ay naiinis din naman paminsan-minsan sa mga kaybigan niya.

“Ano?,” nagkasabay pa ang dalawa sa pagsagot sa nagsusungasing na babaeng nasa harapan nila na animo'y mananakmal ng buhay. Mahahalata rin na hindi pa siya nakakapaghilamos o pagpapalit ng kasuotan at kahit pag-aayos ng buhok ay hindi pa rin niya nagagawa na ikinabungisngis ko ng mahina. Cute.

Ngunit sa inakto ng mga taong nandito mukhang tumalab na ang ginawa ng hinahanap ni Solier ang pagbura ng alaala.

Nakatingin lamang ako sa kanila habang nakaupo, napapangiti dahil sa mga galaw ni Solier na hindi naman siya nag-eeffort ngunit ang lakas ng dating sa akin, it maybe cliche to the cliches pero iyon ang totoo, narito ako sa isang sulok ng kusina kung saan nilalaro ang hawakan ng baso na may lamang kape habang palihim siyang inoobserbahan. Nagagalit kasi siya kapag lantaran ko siyang tinititigan o 'di kaya'y tinatawanan. I just want her to be happy. Or just what I thought. Masaya ba talaga siya? Sa akin?

Out of nowhere napatanong na lamang ako sa aking sarili, “Was it right that I stole Solier from him?” bulong ko sa hangin na sinigurado kong ako lamang ang makakapakinig, saka sinimsim ang kape na umuusok pa dahil kasasalin pa lamang galing sa coffee maker.

___

“Oh pano ba yan, mukhang oras na para umuwi ka sa totoong tirahan mo, sa planeta kung saan ka talaga dapat. Ma-mimiss ka nila. Lalo na siya. Hindi ka niya makakalimutan. Before I forget salamat nga pala,”sensero kong wika habang nakatingin sa daan at hindi man lang magawang tumingin sa kausap.

“Saan?” pagtataka ang nahimigan ko sa boses niya. I try my best to look at him. I can't lower my pride and ego to this man but because of his help wala ako ngayon dito, isa lang siguro akong ‘nobody’ sa buhay ni Solier. Mayroon akong utang na loob sa kaniya, kaya bababaan ko ang mga iyon kahit ngayon lang.

“Dahil dito. Kung hindi dahil sa'yo hindi ko siya mahahawakan, kung hindi mo siya ipinagtulakan sa akin hindi ko magagawa ang mga nagagawa ko ngayon. Hindi ko siya mayayakap at hindi ko rin maipaparamdam sa kaniya na mahal ko siya, kung hindi dahil sa'yo. ” I stopped and tap his shoulder before walk again.

“You know. I was in a mission to love her in secret. To love her in distance, until I found a reason to keep her close, and look at me now. Finally, I'm capable to love her freely. Without reminding myself that there is someone who's waiting to her. Before you go, you don't need to worry about her. Hindi mo kailangang alalahanin ang sakit na maiiwan sa kaniya sa pag-alis mo. Ako. Dahil ako ang gagamot noon. Ako ang bubuo ulit sa kaniya. Ako ang bahala sa kaniya, so you can go to your planet without hard feelings, without worrying her. Kasi nandito ako. ” Lintana ko at itinuro na ang pagsasakyan niya, kabababa pa lang noon galing sa itaas.

Fallen Star CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon