Chapter 10

17 2 0
                                    

MALAKAS NA sinuntok ko si Gabriel ng makawala ako sa ginawa nyang pader. Hindi naman ito umaray o nasaktan. Nakatingin lang ito sakin pati na din sa lagusan na bumukas kanina lang.

"Anong ginawa mo Gabriel?!!"

"Ako ang gumawa ng bagay na dapat matagal mo ng ginawa." Tumalikod na ito sakin pero mabilis na pumunta ako sa harapan nya.

"Saan ka pupunta?"

Tumigil ito at tumingin sakin, "Kukunin ko ang kaluluwang matagal na dapat nasa langit, kasama ni Ama."

"Sasama ako." Tumingin sya sakin na para bang nahihibang ako.

"Malapit na pagsapit ng alas-dose, Sebastien. Hayaan mo na ako na lang kumuha sa kaluluwa na 'yon sa impyerno."

"Hindi." Pagmamatigas ko, "Sasama ako. Kabayaran sa lahat ng ginawa ko sa kanya."

"Hindi mo kasalanan ang pagkawala ng magulang nya, Sundo. Hindi man itinadhana pero wala tayong magagawa, dahil nangyare na. Ginawa mo lang ang trabaho mo."

"Gabriel."

Hinawakan nito ang balikat ko, "Hindi ko ugaling magpalubag loob ng kahit na sino, pero wag mong ikulong ang sarili mo sa mga kasalanan mo."

"Alam ko."

Umiling ito, "Hindi mo alam, Sebastien. Marahil nga ay kasalanan mo kung bakit nawala ang Lola nya at ang babae pero buhay ang batang na nasa tyan nito. Sya ang kabayaran sa lahat ng kasalanan na nagawa mo."

"Hindi si...."

"Hindi." Umiling ulit sya, "Oo nga at mahal sya ni Ama, at nais na syang makasama pero hangga't may pumipigil sa puso at utak ng babaeng 'yon ay walang kakayahan si Ama na kunin sya." Napatigil ako dahil sa lahat ng nalaman ko.

Kung ganon maling tao ang binabantayan ko? Ilang taon ang ginugol ko pero hindi pala sya ang kaluluwang 'yon?

"Bakit pa din sya kinuha ni Lucio kung hindi naman pala sya?"

Tumalikod ito pero bago mawala ay narinig ko ang sagot nya, "Sagrado ang katawan at busilak ang kaluluwa nya. Sapat na para buhayin ang demonyong matagal ng pinapatay ng mga anghel."

Nawala na sya sa paningin ko. Nakita ko naman na napaupo si Rome sa sofa at tumingin sakin pagkatapos ay sa orasan.

"Sebastien, nasan na sya?" Naglakad ako at nilagpasan sya ng hindi sinasagot.

Susundan ko si Gabriel.

"Reaper! Alas-diyes na, nasan na ang kaluluwa? Bakit nandidito ka pa din?"

"Ikaw ng bahala sa mga magulang ko." Tumingin ako sa kanya, "Patawarin mo 'ko kung iniwan kita."

"Hindi! Hindi!" Pigil nito sakin, "Tangina naman Sebastien! Ikaw na lang ang meron ako!"

"Sorry man, I have to do this." Nawala ako sa harap nya at isang iglap ay nasa likod na 'ko ni Gabriel.

Hindi ito lumingon sakin pero alam ko na alam nya na nandito ako, "Hindi ka pa din nagbabago, Sebastien. Kasing tigas pa din ng bato ang iyong ulo."

"Hindi ko hahayaan na kunin nila ang kaluluwa nya."

"Sana." Kalmado ngunit alam ko na seryoso ang boses ni Gabriel.

Segundo lang ang hinintay namin bago kami nakapasok sa loob ng impyerno. Sobrang init at ultimo ang buong paligid ay kulay pula at nagbabaga.

"Hanapin mo na ang kaluluwa! Segundo lang ang kaya ko Sebastien!" Tumango ako at umalis sa harap nya pagkatapos ay hinanap ang babaeng nagpapabaliw sakin.

My Reaper, SebastienWhere stories live. Discover now