Mitch's POV
"Mitchhhh!!! Ano ba? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Sigaw sakin ng bestfriend kong si Katie.
"Bakit ba kasi? At ano ba, kung makasigaw ka naman wagas! Andito lang ako sa harap mo oh.."
"Kinikwento ko kasi sayo yung gwapong si Juan Karlos ng The Voice Kids PH!! Grabe Mitch, ang gwapo gwapo talaga niya tsaka yung boses niya, makalaglag panty! Ang hot, emeghed!!" Kwento niya habang tili ng tili.
Nakatitig na lang ako sa kanya. Ano ba tong babaeng toh! Sino ba yang Juan Karlos na yan? Tsaka The Voice Kids PH? Di ko naman pinapanood yun eh.. Ang boring kaya ng mga local TV Shows!
"Katie, Tigil na! Sino ba yang Juan Karlos na yan? Kung makatiili ka naman parang wala nang katapusan.." Then, I rolled my eyes.
Mukha naman siyang nashock sa tanong ko sa kanya. Oh! Bakit na naman ba?
"Seriously Mitch! Bakit di mo kilala si Juan Karlos? Di ka ba nanonood ng The Voice Kids PH? Jusko Mitch! What the hell is wrong with you?" Sunod sunod na tanong sakin ni Katie.
"What? Big Deal ba yung hindi ko mapanood yang The Voice Kids na yan? At wala akong time para dyan noh.. Hindi naman kasi ako tulad mo na mahilig sa mga gwapong singers!"
"Sus! Eh totoo naman kasing gwapo siya.. Try mo kayang manood, para may magawa ka naman sa buhay mo! Hindi ka na nga nakikipagsocialize, hindi ka pa nanonood ng mga ganitong variety shows. Sige ka, tatanda kang malungkot ang buhay!" Paliwanag niya.
"Ay nako! Sanay na akong malungkot ang buhay.. There's no need for you to worry!"
"Aish! Bahala ka na nga.. Basta kung nafefeel mo nang naboboring ka dito sa mansion niyo, kailangan mo nang panoorin yang The Voice Kids PH!! Maraming pogi dun, ako na nagsasabi sayo. Sige bye!" Sabi niya sabay beso sakin.
"Sira! Hahahaha!! Sige bye na!" Paalam ko tsaka tuluyan na siyang umalis.
Okay.. I'm all alone again! By the way, I'm Michelle Irish or you can call me "Mitch". I'm 14 years old and I'm always alone here at our mansion. Isang Butler at Mga Maids lang kasama ko dito pero di ko naman sila masyadong pinapansin. Lagi lang akong nakakulong sa kwarto ko at nagbabasa ng mga novel books! That's my life.. So boring right? Well, that's why si Katie lang ang bestfriend ko. She understands me well pero mas sociable nga lang siya sakin. Ewan ko ba kung bakit kahit ang ingay ingay ng babaeng yun, naging bestfriend ko siya.. Opposite attracts nga daw ata talaga. Haha!
Maya maya lang, biglang lumapit sakin si butler..
"Ma'am Michelle.. Ready na po ang dinner niyo!" Malumanay na sabi ni butler.
"Sige, susunod na ko maya maya."
Yeah! Michelle ang tawag nilang lahat sakin even Mom and Dad. Si Katie lang ang tumatawag sakin ng Mitch kasi ang cute daw.. Well, bahala na sila kung anong gusto nilang itawag sakin. Parehas ko namang pangalan yun eh!
Bumalik naman agad si Butler kung san man siya galing.
"Hay.. Manonood nga muna ako ng TV! Di pa naman ako gutom eh." Bulong ko sa sarili.
Pagkabukas ko palang, The Voice Kids na agad ang bumungad sakin. Ito ba yung kinukulit sakin ni Katie kanina? Panoodin ko nga kahit saglit lang..
*Domino*
"Uyy! Nagsisimula pa lang pala.. Ang ganda ng song choice niya ah!"
"You got me losing my mindddd!!! My heart beats out of time.. I'm seeing hollywood stars!! You strum me like a guitar!"
Habang pinapanood ko yung lalaking kumakanta, napanganga ako sa kanya.. Wow! Ang galing niya with dance moves pa oh.. May nag-eexist pa palang lalaking ganito kagaling kumanta at sumayaw? At infairness, ang gwapo niya ah! *o*
Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya..
Sarah: "Anong name mo?"
That Guy: "Ako po si Darren Espanto po!" *smiles*Oh God! What's with him? Bakit bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko nung time na nagpakilala siya at ngumiti?
Hala hala! What's happening to me? Can someone please explain this feeling I'm feeling right now? Ahhhhhhh! Katie, I need you now!
___________________________________________________
A/N: So, How's the first chapter? Hope you Vote and Comment! :)
BINABASA MO ANG
Hey Idol! I Love You, But You Don't Care..
FanfictionEven though I'm just a fan.. Can you Love me back?