Chapter 6 - Girlfriend

116 6 8
                                    

First of all, I'd like to dedicate this chapter to AGuuurlWithAVoiceeee, blueishgreen, and infinidarren (isang tao lang yan, marami lang talaga siyang account) dahil siya ang nag-rush sakin ng sobra sobra para mag-update nito.. Hahahaha! LoL!! Eto na Kimmehhh, this chapter is for you. Chill ka na dyan and enjoy reading! :*
_______________________________________________________
Mitch's POV

Kakatapos lang ng Sing Offs and guess who kung sino ang pasok sa Semi-Finals.. Si Darren, OhMyGoshhhh! Grabe.. Super galing kasi talaga niya kanina lalo na nung kinanta niya yung 'Listen'. Hayy! Naging emotional pa nga siya kanina but it's okay.. Worth it naman kasi pasok na siya sa next round!

"Uyy Mitch! Tulala ka na dyan.. Ano, di ka pa rin makaget over sa nangyari kanina? Grabe ka naman oy! Kung gusto mo, eh puntahan na natin sa backstage para makapagpapicture ka na."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ano? Papicture? Pwede ba yun?

"Ha? Pwede ba yun? Tsaka ayoko pa.. Hindi pa nga ako ready diba?"

"Ay ang arte! So kelan mo balak?"

"Ewan.. Eh bakit mo ba ko kinukulit ngayon? Kanina nga, nasa harapan mo na si JK di ka pa nagpapicture eh!"

"Aish! Eh nakakahiya kaya.. Buti na nga lang at kinuha niya number natin at nakipagkaibigan pa! I kennat believe it pa rin."

O diba? Siya pa nagsabi na nakakahiya tapos ako tinutulak pa ko sa backstage para lang magpapicture, eh anak ng! Mas nakakahiya kaya yun!

"Psh.. Ewan ko sayo! Tara na nga.."

Yun nalang ang nasabi ko at naglakad na kami palabas ng studio. Maya maya lang ay may nakabunggo saking babae na sa tingin ko ay kasamahan rin nila Darren dahil isa rin siya sa mga pagpipilian and take note, niyakap pa niya si Darren kanina.. Psh!

"Ano ba! Watch where you're going!!"

Ano ba yan! Ang sungit naman pala nito.. Buti nalang talaga at hindi siya napili ng Coach nila!

"Sorry naman.. Actually, ikaw nga yung nakabunggo sakin eh! Cellphone kasi ng cellphone, hindi tinitingnan yung dinadaan tapos kapag may nabunggo, magagalit! Aba eh, di ko na kasalanan yun miss." Sagot ko sakanya. Ako pa sisisihin, siya na nga may kasalanan!

"At anong karapatan mong sumagot sagot? Bakit, sino ka ba?"

"May karapatan akong sumagot dahil alam kong nasa tama ako.. Eh ikaw sino ka ba at ganyan kasama ugali mo?"

Mukha naman siyang nabwisit sa sinabi ko. Ang sama na ng pagmumukha eh!

"Wala kang pake! Ako lang naman si Twittle Dizon.. Official Girlfriend ni Darren Espanto! Eh ikaw? I see na isa ka lang sa mga nagkakandarapang fans na umaasang mapansin niya.. How sad!"

Ano? Girlfriend? Totoo ba tong mga naririnig ko? Teka, bakit ba parang naiiyak ako na ewan! Fan lang naman ako pero bakit ko nararamdaman toh? Hindi naman dapat diba dahil FAN lang ako!

"HOY TWITTLE!!! Pwede ba? Mangangatwiran ka na nga lang sa kaibigan ko, kailangan mo pang gumawa ng kwento! Sa pagkakaalam kasi namin ay WALA siyang girlfriend dahil bata pa siya at hindi pa pwede sabi ng mga magulang niya. Kaya wala kang karapatang sabihin yang mga salitang dahil itsura mo palang? Alam na naming hindi yan papatulan ni Darren.. Wag kang assuming teh!" Sagot naman ni Katie. Kanina pa yan nananahimik, napuno na siguro kaya siya na ang sumagot dito.

Natahimik nalang bigla tong twittle na ito at halata pa rin sakanya ang pagka-inis! Umalis nalang ito sa harapan namin dahil marami ding nakakita sa eksena namin. Nahiya rin siguro!

Pero di pa rin maalis saking mag-isip kung girlfriend ba talaga siya ni Darren or not! Hayys..

"Mitch.. Alam ko kung ano yang iniisip mo. Hindi totoo yung sinabi ng Twittle na yun kanina kaya wag mo siyang paniwalaan! Alam naman nating bawal pa sakanya diba? Tsaka yung pagmumukha niyang yun.. Wag ka nang mag-alalaa, hinding hindi yun papatulan ni Darren! Hello? Mas maganda ka pa nga dun sa babaeng yun.. Konting ayos mo lang talaga!"

Napatawa nalang ako sa sinabi niya.. Hayy! Bestfriend ko nga talaga ang babaeng toh kahit may pagka-lokarit minsan. Kahit papano, gumaan gaan din yung loob ko dun!

"Thanks Katie.. Bestfriend nga talaga kita! Hahaha!! Halavyo!"

"Hahaha! Yieeeee.. At san mo naman nakuha yang 'Halavyo' mo na yan? Kay Darren na naman? Ikaw talaga! Sinusundan mo na talaga tong yapak ko as fangirl.. Ang laki ng pinagbago mo! But it's fine.. You changed for the better naman! Hahahaha!!!"

"Haha! Sus.. May pa-changed for the better ka pang nalalaman dyan! Uwi na nga tayo.. For sure, hinahanap ka na ng parents mo!"

"Hmm.. Oo nalang! Tara na nga."

Yes! She really is my bestfriend and sister.. And I love her kahit ganyan siya kabaliw!

*****

Twittle's POV

Arghhhh! Nakakabwisit yung dalawang babaeng nakabangga ko kanina.. Hay nako! Sino ba sila para umasta ng ganun? Eh mga fans lang naman sila.. Psh!

"Why did you do that?" Biglang tanong ng isang lalaki sa likuran ko.

Ohhh!

"Darren! Hey.. Di ka pa umuuwi? Congr---"

"I said why did you do that? Nakita ko kung pano mo taray tarayan yung dalawang babae kanina at sinabi mo talaga na official girlfriend kita ahh! Pwede ba twittle, wag kang mag-assume dahil hinding hindi kita magugustuhan.."

"Oh c'mon Darren.. Hindi ba, nagkacrush ka na sakin dati? Why can't you like me again?"

"Dahil hindi na ikaw yung Twittle na una kong nakilala.. You've changed...a lot! I'm sorry, but I already like someone else.."

Yun ang huli niyang sinabi at umalis na sa harapan ko. Di ko namalayang nagtutubig na pala ang mga mata ko.

Agad ko rin itong pinunasan. The hell I care kung may gusto na siyang iba! Well, kung sino man ang babaeng yun.. Wag na wag lang talaga siyang magpapakita sakin dahil hindi niya magugustuhan kung pano magalit ang isang Twittle Dizon!

And for you Darren.. I don't care kung may gusto ka nang iba! I'll make you mine again.. You'll see!

_____________________________________________________
A/N: Hey guys! Ginawa ko talagang kontrabida si Twittle dahil mostly sa Darrenatics ay ayaw talaga sa kanya.. Hahahahaha! Peace yow! Hope you guys like it and don't forget to vote and comment. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey Idol! I Love You, But You Don't Care..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon