章 2

49 24 0
                                    

Chapter 2: Riffle Fukujushi





Maraming tao ang nagsipuntahan sa harapan ng pressconference sabi ni Fernand nandidito yung anak ni Tashi kaya kailangan ko ng umpisahan itong misyon ko. Sana tama lang tong naging desisyon ko sa pagpayag sa misyon na ito.



'Pa, Ma. Ito na. Maipaghihiganti ko na kayo.'



Pinagmasdan ko lang ang mga media reporter na lumapit sa lalaking iyon hindi ko naman maipagkakaila na may appeal yung anak ni Tashi. Matangkad, may magandang hulma ng kanyang katawan at may magandang mukha, makapal ang kilay, medyo mapula ang labi at tama lang ang tangkad nito base sa profile niya ipinakita kasi iyon ni Fernand sa akin. Ang amo ko. Ang kaibigan ni Papa.



Hinawi ng mga body guard ang mga media reporter pumasok na sila sa elevator kaagad ako tumakbo papunta sa elevator at pinindot ang button pataas. Nagbukas naman ulit ito at diretso lang ang tingin ko na walang emosyon. Binigyan naman nila ko ng espasyo para makapwesto.



Kailangan kong magpretend na hindi ko siya kilala.

"Mr. Fukujushi?" tawag ng staff niya. Nang makapasok na siya sa opisina niya nagstay lang ako sa elevator at pinindot iyon pababa.

Wala kong balak munang makipagusap sa lalaking yon. Ano ba naman kasi itong ipinapagawa ni Fernand!

***


"Ano ng balita?" tanong ni Fernand pagkasagot ko ng telepono.

"Wala pa." asik ko.

Habang nasa loob ako ng café shop nakita ko na naman ang anak ni Tashi na umoorder sa counter since kanina pa ako nandidito para tumambay napagisipan kong umorder na.

"One cup of coffee please." order ko.

"For miss?" tanong ng babae sa akin.

"Thyra." saad ko.

Napalingon sa akin ang lalaki ng banggitin ko ang pangalan ko nginitian ko naman siya at tumango lang siya sakin sabay iwas ng tingin. Tss.

"Hey." bati naman nito sa akin.

"Yes, what?" napaangat ako ng tingin sakanya ng maupo siya sa tabi ko.

"I think i saw you earlier." seryosong sambit niya sakin.

Paktay na! So namukhaan niya pala ako. What the heck!

"Talaga ba?" nakakunot-noo kong tanong sakanya.

"Baka naman namamalikta ka lang marami kasi akong kamukha." dagdag ko pa. Nang dumating na ang order ko lumabas na kaagad ako ng café shop. Muntikan na yon ah. Binilisan ko lang inubos iyon pati ang tinapay na may ginto ang presyo pero isang piraso lang naman.

Habang naglalakad sa eskinita na medyo may kadiliman naramdaman ko na ang lalaking nakaitim at nakahoodie jacket na kanina pa sumusunod sa akin. Dalawang tauhan na naman ni Tashi dali-dali akong naglakad ng naramdaman ko ang matalim na bagay na nasa tagiliran ko. Shit!

Iniwas ko kaagad ang katawan ko at pinalupot ang braso niya patalikod.

"Si Tashi na naman ba may kagagawan nito! Talagang inisa-isa niya pa kayo sakin! Tsk! Akala naman niya ulit maiisahan niya ko." walang emosyong saad ko. Nasampulan ko na kaagad yung isa pagkalabas na pagkalabas ko palang nakita ko na siyang nagmamasid sakin tapos itong isang tauhan na naman niya. Walang ano-anupa't sinaksak ko na siya sa bandang leeg niya itinabi ko ang katawan niya sa tapunan ng mga basurahan.

Nang biglang may humablot sa akin.

"Anong ginawa mo sa lalaking iyon? Pinatay mo?" magkasalubong ang kilay na tanong nitong lalaki na anak ni Tashi. Oo siya nga! Ano bang ginagawa niya dito? Sinundan ba niya ako?

"Huwag kang mangialam." magkasalubong din na kilay na saad ko sabay bitaw ko sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Anong huwag mangialam? Narinig ko lahat ng sinabi mo. Bakit kilala mo yung tatay ko?" Impossibleng hindi niya alam pinaggagawa ng tatay niya.

"Eh bakit naman hindi?" nanghahamon na tanong ko bigla siyang lumapit sa akin na ikinakaba ko.

Nilabas ko ang yanagi ko at kaagad tinutok iyon sa kanya nagulat naman siya at ngumisi sa akin.

"Do it!" sigaw niya. Nanginginig ang hawak ko sa yanagi ko. Kailan ka pa nanginig sa harapan ng isang lalaki, Thyra?!

"Alam mo sana matagal ko ng pinatay iyang tatay mo! K-Kung h-hindi lang sana niya g-ginawa yung..." napatigil ako saglit ng maalala ang nangyari kina Mama at Papa.

Nagsimulang tumulo ang luha ko at unti-unting bumagsak ang kutsilyo pinulot ko iyon kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha na kasabay ng hagulgol ko. Itinago ko na yung kutsilyo sa pocket knife ko. Nakayuko nalang ako at nasa harapan ko pa din siya tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Umalis kana kung ayaw mong patayin kita." pinunasan ko ang luha ko at diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Hindi mo naman kayang gawin yon sakin. I guess you need to go home. It's not safe here. Let's go."

Nagulat ako ng bigla niya kong binuhat gamit ang dalawang braso niya.

"Huwag mo nalang isipin ang nangyari na to. Okay?" ramdam ko ang paghinga niya. Nang nasa tapat na kami ng kotse niya binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinapasok ako sa loob.


Mukhang tama nga si Fernand. Isa na ito sa plano ko. Umaakma na nga.

"Dito nalang salamat." hindi ko na siya inabala ng tingin.

"Saglit lang." pagkasabi niya nun lumingon naman ako sakanya.

"In case na may gusto kang malaman sa tatay ko. Ito." abot niya sa akin ng calling card.

"Bakit mo to ginagawa? Akala ko ba?" takhang tanong ko.

"Hindi mo din alam ang nanyari sa amin ng tatay ko basta tawagan mo ko sa numerong iyan. Huwag kang magalala wala naman akong contact sa tatay ko. Eh di sana di ba pinatay narin kita." natatawa pa niyang sabi sa dulo.

"Fvckin bastard!" nakangising sabi ko.

"I know. Siguro naguguluhan ka pa pero sana hayaan mo kong ipagkatiwala ang lahat sakin, Thyra." seryoso niyang sabi kaagad naman akong nagulat sa sinabi niya.

So alam niya? Alam niya lahat? Ano? Kailan pa?

Kaagad kong tinawagan si Fernand.

"Fernand?"

[Ano?]

"Nagkita na kami pero..."

[Pero? Ano?]

"He knows everything."

[ANO?! Pumunta ka kaagad dito may nakahanda nakong plano.]

Naglakad pa ako ng kaunti papunta sa bahay ko mabuti naman wala na yung kotse ng lalaking yon kaagad akong nagpalit ng itim na hoodie jacket dumiretso na kong sasakyan at pinaandar na ito pero bago yon tinignan ko ulit yung calling card na binigay sa akin ng lalaking yon.

Riffle Fukujushi
CEO of 

Badass バダス: Thyra ElianaWhere stories live. Discover now