Vien POV
Kasalukuyan akong mahimbing ang tulog ng mag ring ang phone ko.
Kinuha ko ito kahit pa nakapikit ang dalawa kong mata at sinagot ng hindi tinitignan kung sino.
"Beshhhh!!! Gising na" matining na sigaw ng nasa kabilang linya kaya medyo nilayo ko ang telepono ko sa tenga ko.
"Ang aga aga ang ingay mo, nakakabingi kang babaita ka"
"Ay napalakas ba?" Tawa niya.
"Dalian mona kasi, hintayin kita dito sa gate ah? See yahhh, muahh" putol nito sa tawag.
Bumangon na'ko at ginawa ang morning routine ko. Pag tapos ay bumaba na'ko.
"Manang, si daddy po?" Tanong ko ng matanaw ko itong naglilinis.
"Maagang pumasok may gagawin pa daw siya, hali ka't kumain ka muna bago pumasok" yaya nito.
"Sa school nalang po ako kakain, naghihitay po kasi si Nami sa'kin" sabi ko rito at tumango lamang ito.
Sumakay na'ko sa sasakyan ko at pumunta na sa school kung nasaan si Nami.
Ilang minuto lang ay nakarating na'ko, nilibot ko ang paningin ko at 'yun nakita kona si megaphone.
"Nami, tara na?" Yaya ko dito.
"Kain muna us, gugutom na'ko ang aga ko dito" suhesyon nito.
"Gaga ka kasi, bakit kasi ang aga? Maya maya pa naman klase natin"
"Sorry naman, miss na agad kita" pang uuto nito. Alam kong pag gan'yan 'yan magpapalibre lang ang gaga.
Nag tungo kami sa isang coffee shop at dun na nag break fast, 'wag n'yo na tanungin kung ano kinain namin halata naman.
"Besh, may nag chat sa'king pogi kagabi" kinikilig nitong sabi.
"Ano naman? Gghost ka rin naman niyan" sabi ko kaya hindi mapinta 'yung mukha niya.
"Oh bakit? Totoo naman ah? Pang ilan naba 'yan?" Sabi kong muli.
"Panira ka naman, Vien. Palibhasa kasi wala kang bebe" pagpapainggit nito na akala mo talaga nainggit ako.
"Pag sasayang lang ng oras ang mag mahal, kaya 'wag nalang" agad kong sabi at tumayo na.
"Tara na baka ma late pa tayo" aya ko at nagsimula nang mag lakad.
Araw araw boring para sa'kin kasi laging gan'to, papasok makikinig sa lecture then uuwi ta's matutulog. Minsan gusto ko nalang maging hotdog.
"Hi dad" malumanay kong sabi at humalik sa pisngi nito.
"Pagod prinsesa ko ah? Kumain kana ba?" Tanong nito.
"Papahinga na po ako, na sstress utak ko" pabiro kong sabi.
"Tanggalin naba natin 'yang utak mo 'nak?" Tawa nito kaya napailing nalamang ako.
Umakyat na'ko sa kwarto ko at naligo na.
Tinignan ko muna saglit 'yung phone ko at nakita kong may missed called sa'kin si Nami.
Tinawagan mo ito para alamin kung bakit tumatawag si bruha.
"Bakit ka tumatawag kanina? Naliligo ako 'di ko nasagot" bungad kong sabi.
"Punta ka dito sa tambayan, nag aya sila Syen" sabi nito kaya nabuhayan ako bigla.
"Sige sige, papunta na'ko" sabi ko at binaba na ang tawag.
Para akong tinakasan ng pagod dahil nag aya 'yung isa naming kaibigan. Papayag agad ako kasi minsan lang namin siya makasama kaya susulitin kona.
"Dad, pupunta lang ako kila Nami" sabi ko ng buksan ko ang pinto at isarang muli dahil ayoko na marinig ang sasabihin niya.
Dali dali akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot.
Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe, biglang nag ring ang phone ko.
Nasa bag ko ito na nasa passenger seat kaya inaabot ko ito ng isang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela.
Hindi ko ito maabot kaya hindi muna ako tumingin sa daan saglit para makuha ito tutal wala namang tao.
Nang maiangat ko na ang ulo ko agad kong naapakan ang preno dahil may tao sa harap ko.
"Ohmayghas!!" Sigaw ko dahil baka natamaan ko ito.
Nag ring ulit ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Hoy bes-" hindi na n'ya naituloy ang sasabihin niya ng nag salita agad ako.
"Mukhang may nasagasaan ako" taranta ko.
"What?!! Nasa'n ka? Kamuta 'yung tao??" Sunod sunod nitong tanong.
"Teka let me check" paalam ko at dahan dahang bumaba.
Naglakad ako patungo do'n, at laking gulat ko ng wala namang tao do'n.
"Besh!! W-walang tao dito, b-baka multoooo!!" Sigaw ko at babalik sana sa sasakyan ng may nabangga ako.
"Aray!" Reklamo ko at hinimas ang noo ko. Tumingin naman ako sa harapan ko.
"S-sino ka? Rapist ka 'no?? Tulong tu-" 'di kona natapos ang sasabihin ko ng mag salita siya.
"Wow, ako pa talaga mukhang masama dito? Eh ikaw na nga muntik makasagasa sa'kin" bulyaw nito kaya natahimik ako.
"I-ikaw 'yung t-tatawid?"
"Sa tingin mo?" Sungit sungit naman neto, gwapo sana. Shut up Vien lantod mo ah.
"Bakit ka kasi tawid ng tawid? Wala namang tawidan ja'n diba! Kaya hindi kona kasalanan 'yun" depensa ko at tinaasan siya ng kilay.
"Bulag kaba o tanga ka talaga? Walang nakalagay na bawal tumawid nakakamatay, kaya bakit hindi ako tatawid? Ikaw nga 'tong ambilis magpatakbo kala mo may papatay sa'yo" sabi nito kaya medyo nainis ako.
"Oh" sabay abot ng pera sa kan'ya.
"Gagawin ko ja'n?" Tingin nito sa kamay ko.
"Alam ko namang modus 'yan, dami mopang palusot ayan oh pera para manahimik kana" saad ko ngunit 'di niya padin kinuha.
"Hindi ko kailangan niyan ms, mas marami pa pera ko ja'n ang akin lang 'wag sana tatanga tanga sa daan ah?" Huli niyang sinabi at iniwan akong nakatayo.
Argh!!! That jerk!! Pag nakita ko 'yun kakalbuhin ko siya animal siya.
Bumalik na lamang ako sa sasakyan at pumunta nang bar kung nasaan sila Nami.
"Sorry, I'm late" bungad kong sabi ng makalapit ako sa kanila.
"Ayos lang, may hinihintay din kami na late din" sabi ni Nami kaya naupo na lamang ako.
"Mukhang magkasunod lang kayo, ayan na siya" sabi ni Nami habang nakatingin sa likod ko.
Tumingin din ako para makita ang taong 'yun at nanglaki ang mata ko ng magkatinginan kami.
"You/ikaw?!?!" Sabay naming sabi at tinuro ang isa't isa.
------------------------
Okay hanggang ja'n muna, sana magustuhan niyo.
YOU ARE READING
Let me tell you what LOVE is [ On Going ]
RandomWhat if ang babaeng hindi naniniwala sa love eh umibig? Hahayaan niya kaya ito? O kakalimutan ang taong 'yon?