"Oh nakasimangot ka besh? 'di ka padin maka move on?" Tanong ni Nami sa tabi ko.
"Basta naiinis ako sa pagmumukha niya, lalo na pano niya'ko inunsulto" inis kong sabi sabay kain ng pulutan.
"Hoy teh, ikaw na muntik maka sagasa, dapat nga ikaw mag sorry sa kan'ya" sabat neto kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay, okay kasalanan na niya, bahala ka ja'n"
Bakit pa kasi sa dami daming pwede maging kaibigan neto ni Syen 'yang lalaking mukhang paa pa.
Masyado ba akong high blood? Eh basta naiinis parin ako sa kan'ya ang yabang yabang.
"Tara sayaw tayo" Aya ni Syen sa'min, tumango agad ako dahil ayoko makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon.
"Hoy, mag hintay ka naman" sigaw nila sa likod ngunit derederetso lamang ako.
Nang nasa dance floor na'ko ay nag simula ng magpatugtog ang dj. Sumayaw na nalamang dahil maganda ang tugtog.
Habang aliw ako sa pag sasayaw ay may nadamdaman akong palad sa'king bewang, hindi ko nalang ito pinansin dahil baka nasagi lamang. Pero kung minamalas ka nga naman pababa na sa pwetan ko 'yung palad niya, lilingonin kona sana ito ng biglang may bumulagta sa sahig.
"Subukan mong hawakan siyang muli at masisiguro kong magkikita kayo ng maaga ni Satanas" sigaw ng lalaking sumuntok sa manyakis na lalaking mukhang basura 'yung mukha.
Nilingon ko ang lalaking nag tanggol sa'kin at nakita ko si Kenshin, siya 'yung muntik kona masagasaan na kinaiirita ko.
"Sa susunod mag iingat ka, tanga tanga ka pa naman, tss." Matutuwa na sana ako sa kan'ya pero 'yung sinabi niya? Aba sarap sakalin.
"Ayieee, crush ka siguro no'n ni Kenshin" sabi ni Nami ng makalapit ito sa'kin.
"Oo nga, alam mo besh bagay kayo" sabat naman ni Syen.
Aba ayon? Bagay kami? Kadiri NEVER hindi mang yayari 'yon.
"Manahimik nga kayo, kadiri kayo" sabi ko at naglakad na palayo.
Pag tapos no'n ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa.
"Aminin mo kasi besh, kinilig ka kay Ken noh? Ayieee pumapag ibig na besprend ko" pangungulit ni Nami sa'kin.
Kanina pa'tong babae na 'to hindi maka move on sa nangyari. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumahimik na rin.
"Deny pa more, teh" sabi niya pero 'di ko nalamang pinansin.
Nang mahatid kona si Nami sa bahay nila ay umuwi na'ko dahil nakaka stress.
"Good eve ma'am, gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo" bungad na tanong sa'kin ng kasambahay namin.
"Huwag na po, kumain napo kami sa labas ng mga kaibigan ko. Pahinga na'ko" sabi ko dito at umakyat na.
Pabagsak akong humiga sa kama at tinignan saglit ang telepono ko bago maligo.
Nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa 'di pamilyar na numero.
From: +639*********
Hi, ms notice me lods HAHHAHA.
Napakunot naman ako ng noo dahil sa nabasang mensahe. Hindi naman ako artista para maging lods niya.
Hindi ko nalamang ito pinansin at nag tungo na sa cr para maligo at makapag pahinga.
Pagtapos ko maligo ay narinig kong tumunog ang cp ko kaya agad ko itong kinuha.
From: +639*********
Notice lang eh, damot!!
Pst, Vien reply naman
Bebe gurl HAHAHAH.
Tulog kana? Gudnayt muah muah 😘
Agad naman akong nag tipa ng irereply sa kan'ya.
To: +63*********
Pwede ba kung sino ka man tumahimik kana, sarap mong tirisin.
Reply ko at shinut down na ang cp ko, natulog nalamang ako dahil maaga pa'ko bukas sa klase.
Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko, tinignan ko ang oras at 6 na ng umaga.
Dali dali akong naligo at nag bihis dahil 7:00 ang pasok namin. Pag tapos ay bumaba na'ko upang mag paalam kay daddy.
"Manang, asan po si dad?" Tanong ko dito habang abala sa pag lilinis.
"Maaga ulit umalis, may gagawin daw sa office" tumango tango nalamang ako.
"Sige po aalis na po ako byee!!" Paalam ko at lumabas na.
"Teka hija—" may sasabihin pa sana ito ngunit nag mamadali na'ko dahil 6:43 na.
Pag dating ko ay pinarada ko agad ang sasakyan ko, taka naman akong bumaba dahil wala masyadong tao dito.
"Ma'am, wala pong pasok ngayon" bungad na sabi sa'kin ng guard.
"What??!!! Walang pasok ngayon?" Gulat kong ani rito at tinignan ang cp ko.
"Opo, linggo po ngayon" sabi ng guard kaya tumango nalamang ako.
Shit, naka shout down pala.
Hinintay kong bumukas ang cp ko at pag bukas nito ay agad kong dinial ang number ni Nami.
"Hoy babae! Bakit hindi mo sa'kin sinabing walang pasok ngayon?! Napahiya tuloy ako dito!" Bungad kong sigaw ng sagutin niya ito.
"Seriously? Pati 'yun nakalimutan mo? HAHAHAHAH" tawa nito kaya napairap nalamang ako.
"Shut up!" Inis kong sabi kaya tumigil ito sa pag tawa.
"Punta ka nalang dito sa bahay, nandito sila Syen" sabi nito kaya agad kong pinatay ang tawag at pumunta sa sasakyan ko.
Isasara kona sana ang pinto ng may kamay na pumigil dito. Tinignan ko kung sino ito at napairap ako ng makitang sino ito.
"Ikaw nanaman? Anong kailangan mo? Sinusundan mo ba'ko?" Sungit kong tanong dito.
"Hindi kita sinusundan ang kapal mo, akala ko din may pasok pero wala pala" paliwanag nito.
"Gagawin ko?" Sarcastic kong sabi.
"Pasakay sa kotse mo" sabi nito.
"What? Hell no! May sarili kang sasakyan kaya do'n ka" sabi ko at pilit na isinasara ang pinto ngunit hindi ko magawa dahil pinipigilan niya ito.
"Nasiraan ako at sabi ni Syen sayo nalang daw ako sumabay, papunta ka rin naman sa bahay nila Nami" paliwanag nito.
Nagisip muna ako saglit bago tumango.
Agad naman siyang pumunta sa passenger seat. Pinaandar kona ang sasakyan para makapunta agad kami sa pupuntahan namin.
Nang makarating kami ay agad na'kong bumaba at pati siya.
"Salamat sa sakay" nakangiti nitong sabi, iniralan ko nalamang siya dahil nakakainis nanaman 'yung ngiti niya.
"Btw, ang bagal mo mag pa andak nakaka boring" pahabol niya pang sabi.
"Anak ng... Arghh!!!" Inis kong sabi at padabog na naglakad papasok.
'Yan lang muna dahil tamad ako.
Enjoy reading!!!
//ERRORS AHEAD MGA TYPO REPEATER.
YOU ARE READING
Let me tell you what LOVE is [ On Going ]
De TodoWhat if ang babaeng hindi naniniwala sa love eh umibig? Hahayaan niya kaya ito? O kakalimutan ang taong 'yon?