Chapter 14 (Ang Nawalang pag-ibig)

177 7 0
                                    

Khloe's Pov

"Tingnan mo nga naman kamahalan, nakilala mo agad ang asawa ni Prinsipe Lucas di hamak na mas maganda at matino ka sa kanya" sambit ni Feifei

"Di ko inaasahan na magkikita kami agad, bakit kaya siya na sa bayan? At bakit niya pa hinabol ang magnanakaw hindi ba? Kataka taka" sambit ko

"Oo nga po nakakatakot din pala siya ngunit Prinsesa narinig ko na nagkasakit ang kamahalan kung kaya't ang Prinsesang yun ang nagaalalaga sa kanya di mo ba bibisitahin ang Prinsipe?" Tanong niya

"Para saan pa Feifei? Si Prinsipe Lucas ay matagal nang wala sa akin at alam ko na galit pa din siya sa ginawa kong pangiiwan sa kanya kahit ang totoo ay napilitan lang ako sa kasalan na iyon, tingnan mo ang nangyari samin nagkahiwalay kami at napakasalan ko ang kanyang kapatid imbes na siya na siya na mahal ko" sambit ko

"Prinsesa" sambit niya

Matagal na ang panahon na nakalipas ngunit kahit ganun mahal ko pa rin si Lucas kahit na ikinasal na ako sa iba di ko kayang ibigay kay Louis ang lahat sapagkat si Lucas pa din ang lalaking nais kong makasama

Ngunit ngayon ay may babae na siyang dinala dito nang bumalik siya meron pa siyang dragon na jade tanda na paborito na siyang Prinsesa ng Inang Reyna di hamak na mas may pinagaralan ako kesa sa babaing iyon

Lucas kinalimutan mo na ba ang lahat tungkol saatin? Di ko mawari sa maikling panahon napalitan mo na agad ako sa iyong puso

Lucas Pov

"Ikaw ang bumili ng mga sangkap nito?" Tanong ko

"Opo kamahalan, patawad pala sa... saking... inasal kanina" sambit ni Diana

"Himala, humingi ka ng tawad nadapuan ka rin ba ng aking sakit?" Tanong ko

"Kamahalan, ikaw....

"Mahal na Prinsipe at Prinsesa nandito muli ang Inang reyna kasama si Prinsipe Louis at Prinsesa Khloe upang bumisita" sambit ng taga-paglingkod

Si Khloe? Nandito siya? Ngunit bakit? Nais niya ba akong makita? Ngunit di ko pa kaya siyang harapin lalo na't alam ko na may pagtingin pa rin siya sakin

"Ang inang reyna at si prinsesa khloe?! Sige papasukin mo sila" sambit ni Diana

Kilala niya si Khloe? Kailan pa?

"Magandang uma.... " "Inang reyna! Kamusta na po narinig kong naghardin ka na di ako kasama" bungad na sambit ni Diana

Kung ganun gusto lang niyang makita ang aking Lola ngunit si Khloe at si Kuya Louis

*awkward*

"Nandito ka rin pala Prinsesa Khloe" sambit muli ni Diana

"Huh? Oo nandito kami upang magbigay handog sa inyo magasawa" sambit ni Khloe

Halata na napipilitan lamang siya alam kong mahal siya ng aking kapatid kung kaya't ayokong masira sila

"Lucas, akala ko ba isa kang bato bakit ka nagkaroon ng sakit" sambit ni Kuya

Ito na naman ako sa isa pang isip bata

Diana's Pov

Ikinagulat ko ang ugali ni Prinsipe Louis ang ugali niya ay iba kay Prinsipe Lucas

"Nagulat ka ba Prinsesa?" Tanong ng Inang Reyna

"Po? Pano niyo po nalaman?" Tanong ko

"Sapagkat Prinsesa halata na sa inyong mukha ang pagkabigla hindi po ba? Inang reyna" sambit ni Prinsesa Khloe

"Oo nga iisa lamang ang kanilang Ina, kung kaya't mas lapit silang dalawa matagal din silang nagkahiwalay sapagkat si Louis ang napiling susunod na hari dito sa Leo" pagpapaliwanag ng Inang Reyna

The Abandon PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon