Chapter 30 (Ang Kasal)

159 7 0
                                    

Diana's Pov

Makalipas ang ilang araw dumating na ang pinakahihintay ng dalawang reyna ang kasal nila prinsipe allan at prinsesa jasmine kung kaya't ngayon

"Anna, isikip mo pa" sambit ko

"Kamahalan, naman kasi bakit ka ba nadagdagan ng timbang di na magkasya ang damit sayo" sambit ni Anna

"Sa mga nakalipas na araw puro kain lang ang ginagawa ko sa silid ni Lucas malay ko ba na tataba ako" sambit ko

"Tapos na" sambit niya

"Salamat" sambit ko

Naging maayos na ang pagsasama namin ni Lucas nasana'y na rin ako na banggitin ang pangalan niya marami akong pinagaaralan bilang prinsesa

Ngunit lahat nang yun sisiw sakin madali na lang sakin lahat dahil halos ng mga libro ni Lucas binasa ko nakakaya ko na rin makapagsalita ng iba't ibang klaseng linguwahe diba ang galing ko?

Si Jasmine tumigil pansamantala sa mga kalokohan niya dahil sa nalalapit niyang kasal kung kaya't panatag ako sa ngayon at ukol naman kay Sally nalaman ni Liam na traydor siya

Kaya wala akong nagawa kundi palayasin siya sa palasyo ang totoo niyan matagal ko na siyang inoobserbahan laking gulat ko na rin na ang pinakapaboritong babae ni Lucas na si Lady Sherly ay pinalayas na rin sa palasyo

Kung kaya't masaya na ko ang dalawang reyna at si jasmine na lang ang problema ko dito sa palasyo ang pinagtataka ko lang bakit kaya mas bumait ang dating suplado na prinsipe sakin?

Leslie's Pov

Nakalipas na rin ang ilang linggo nakabalik na rin sa wakas si Carlo at nang makabalik siya may balita siyang nakalap habang naglalakbay siya patungo sa tatlong lalawigan

Napagalaman niya na may naghahanap kay Lady Veronica na mga taga-brilin nakakapagtaka sapagkat wala naman na banggit ang yumao kong amo tungkol dito

Ngayon ay napagdesisyonan namin na pumunta ng Virgo tatlong araw ang aabutin kung kaya't sa wakas makikita ko na rin ang pilya kong agala

Diana's Pov

Naging maayos ang kasal at walang naging problema dito siguro ay tuwang tuwa na ang mga reyna sapagkat ikinasal na rin sa wakas sila Jasmine at Prince Allan

Nakakayamot talaga ang mga kasiyahan na ganito lalo na't di naman ako pala sali sa mga kasiyahan napansin ko na maraming ginagawa sila Prinsesa Khloe at Prinsipe Louis ganun din si Lucas

Kung kaya't pumunta na lamang ako sa balcony ng palasyo wala naman akong makakausap pa dito kapag nanatili pa ako nakalipas na ang isang linggo natanggap na kaya ng mga tiyo ko ang mga liham?

Darating na kaya si Leslie dito? Nangungulila na ako sa kanya alam ko na puro sermon lamang ang natatamo sa kanya ngunit parang Ina na ang turing ko sa kanya at alam ko na nagaalala na siya sakin

Kahit ako nagaalala na rin sa kanya kamusta na kaya siya? Nagkatuluyan na kaya sila ni Heneral Drex? Alam ko na may pagtingin sila sa isa't isa mula pa noon *sigh*

Nakakayamot naman dito kasiyahan ba ito? Sa Kagura di ganito lahat ng tao nagsasaya at walang nayayamot basta mga mayayaman puro mga walang kwenta ang alam *yawn!*

Si Lucas kaya? Isang linggo na rin siyang puro trabaho at walang nababanggit sakin ukol sa kanyang trabaho sa loob ng isang linggo na yun di na niya ako sinasama sa mga trabaho niya sa bayan may galit kaya yun sakin? Di ko malaman kong mabait ba siya o galit di ko pa rin siya maintindihan kahit na limang buwan na kaming nagsasama

"Diana" sambit ni Lucas mula sa likod ko

"Huh? Lucas tapos ka na?" Tanong ko

"Bakit ka nandito? Isuot mo nga ito" sambit niya

The Abandon PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon