OWNED 1

5.3K 85 0
                                    


gabi na ng makauwi ako galing sa restaurant na pinag ta trabahuan ko, nagtaka ako ng makakita ng mamahaling kotse na paalis galing sa bahay namin

agad akong pumasok ng bahay at nakita si tiya na naiiyak

"tiya bakit po kayo umiiyak?" tanong ko at binaba ang bag na hawak ko

"a-ang tiyo mo may malaking utang! naloko sya ng kaibigan nya at tinangay ang perang inutang nya para sa negosyo nya" nanlaki ang aking mata sa narinig, agad kong niyakap si tiya ng lalo syang umiyak. buti nalang tulog na si andrea ang anak nila tiya 7 years old palang ito kaya nag aalala akong malaman nya na may problema ang kanyang magulang

"tiya paano ho natin mababayaran iyon? magkano ho ba ang pera na utang ni tiyo?" tanong ko sakanya

sakto naman ang pagdating ni tiyo, lasing na lasing ito at may hawak pa na beer sa kanang kamay

"may pangbayad na tayo wag kang umiyak" pasuraysuray pa ito, nagulat nalang ako ng dumeretso sya sa gamit ko at kinuha ang maleta kong luma tsaka pinasok ang mga damit ko

"tiyo! anong ginagawa mo sa gamit ko" tarantang tanong ko pati si tiya napatayo at pinigilan ang asawa nya

"ikaw ang pambayad ko!" sabi nya kaya napantig ang tenga ko napaiyak narin

"lasing lang ho kayo tiyo! tama na po" iyak na sambit ko

"ikaw ang gusto nya! tumawag ang mga lalaking pumunta dito at ang sabi nila pag hindi ko daw kaya bayaran ng pera pwede daw ikaw ang ibayad ko sabi ng boss nila" singhal saakin ni tiyo

"ano ba carlo! tumigil ka hindi mo p-pwedeng ipambayad ang pamangkin mo nahihibang ka na ba!" sigaw sakanya ni tita at hinampas nya pa ito sa braso

"oo nahihibang na ako sandra! saan ko kukuning ang 22million pangkain nga wala tayo! paano nalang si andrea, pitong taong gulang palang sya" umiyak na din si tiyo, napatalon naman ako sa gulat ng binato nya ang bote ng beer, nag kabasag basag iyon sa harapan namin

"m-mama ano po nangyayari?" napalingon agad ako ng marinig ko si andrea kinusot kusot nya pa ang mata nya halatang nagising dahil sa ingay, maliit lang naman ang bahay namin at parang kubo lang ito

" w-wala anak, matulog ka na ulit" sabi ni tiya sakanyang anak at tinignan nya pa ako na may lungkot sa mga mata tsaka sinamahan ang anak sa maliit na kwarto para matulog ulit

naiyak ako lalo ng lumuhod si tiyo sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay

"nagmamakaawa ako sayo anna, kinupkop ka namin dahil bata ka palang nawala na ang magulang mo... sana naman mapagbigyan mo ako, hindi ko alam kung anong gagawin ng pamilya ko pag pinakulong nila ako kukunin din nila itong maliit na lupa at bahay natin saan nalang sila matutulog?" napaluhod naman ako sa aking narinig

"sana maintindihan mo ako anna, bukas na bukas kukuhain ka na nila ayusin mo na ang gamit mo" napailing naman ako

"tiyo, ayoko po sumama, parang awa nyo na po"  pero hindi nya ako pinansin at lumabas ng bahay

natatakot ako paano nalang kung ano ang gawin nila saakin pag sumama ako?

"ate anna..." pinunasan ko agad ang luha sa mata ko at lumingon kay andrea

" tabihan mo po ako matulog, lumipat si mama sa kwarto nila umiiyak sya" malungkot na saad ni andrea kaya pilit akong ngumiti sa harap nito at hinaplos ang buhok nya

"pagod lang ang mama mo kaya ganun tara na matutulog na tayo" ngumiti naman saakin ng matamis si andrea at hinatak na ako sa maliit na kwarto namin.

tinitigan ko lang si andrea na nakatulog na habang pinapakpak ko ang pwetan nito...

ayokong maranasan ni andrea na mawalan ng magulang at mas mahirapan pa

bata palang ako wala na ang mama ko namatay dahil sa panganganak saakin si papa naman namatay sa isang aksidente 10 years old palang ako nawala na ang magulang ko

kung hindi ako kinupkop nila tiya hindi ako makakapagtapos kahit highschool lang

hinaplos ko ang ulo ni andrea at niyakap ito

"hindi ko ipaparanas sayo ang mga nangyari saakin andrea, mahal ko kayo nila tiyo at tiya" bulong ko bago ako makatulog ng tuluyan

Owned by a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon