Kim Taehyung’s Point of View
He’s a football player.
I’m a cheerleader.
He’s super famous and incredibly handsome.
I’m just an ordinary person.
He has everything he wanted.
I don’t have anything.
He’s my bestfriend, and I have a hidden feelings for him.
Busy akong nag aayos ng gamit ko sa locker room ng mga cheerleaders ng biglang may umakbay sakin.
“Hey pretty!”
“Bwiset Gguk! Nagulat ako!”
Tumawa naman siya. Those laugh. Hindi ako magsasawang marinig at makita yun sa kanya. One of the reason why I keep falling for this guy.
“Tapos ka na ba? Let’s go. Kain muna tayo ng early dinner bago kita ihatid sa inyo.” Malambing na sabi niya sakin habang nakaupo siya sa bench katabi ng gamit na inaayos ko. Hindi ko siya inimikan.
“Galit ka ba baby?” Tanong niya sakin sabay silip sa muka ko.
Hindi pa din ako umiimik.
“Ay tampo nga baby ko. Sorry na kase! Babawi na nga ako diba?” Nang aasar siyang nakasilip sa mukha ko.
Bumuntong hininga ako.
“Wag na. Uuwi na ako. Baka hanapin ka ng mga kateammates mo. Wala ba kayong BOYS NIGHT OUT?” Madiin yung pagkakasabi ko sa BOYS NIGHT OUT.
Kilalang womanizer din tong bestfriend ko at talaga namang kahit sino nababaliw sa kanya. Madalas din kaming mapagkamalan na magjowa dahil super sweet niya sakin. Sa lahat daw kasi talaga ng nakikita nilang kasama ni Jungkook, ako lang daw ang iba ang trato niya. Hindi ko naman napapansin yon kasi sa lahat naman ng naging babae niya malambing siya. Tss.
Simula isinilang kami sa mundong ibabaw magkaibigan na kame. My Mom and his Mom are bestfriend also since childhood kaya naman kinalakihan na namin na nakasandal kami sa isa’t isa.
He was my knight and shining armor. Bata palang kami alam na niyang lalambutin talaga ako. At hindi yun naging rason para iwasan o layuan niya ako. Actually, mas naging rason pa nga yun para magkalapit kami. Sabi pa niya he wants to protect me sa mga bullies or kahit na sinong magtangkang manakit sakin. And that’s what he always do.
“Tumanggi ako. Gusto ko kasing bumawi sa baby ko.” Pangiti ngiti pa ang loko.
“Alam mo nangbubwisit ka nanaman eh! Bahala ka nga jan.” sabi ko sabay kuha ng bag ko at akmang aalis na ng agawin niya yung dala ko.
“Ako na magdadala niyan. Baka mabalian ka pa ng buto.” Sabay tawa.
Bwisit talaga to. Inirapan ko nalang siya.
“Bahala ka sa buhay mo.” Sabi ko at naglakad na.
“Eh pano ba yan ikaw buhay ko edi bahala na ko sayo?” Nakangisi niyang sabi.
Tumigil ako sa paglalakad tsaka tumingin sa kanya.
“Kailan kaya kita makakausap ng matino ano? Tss.” Sabi ko sabay lakad ulit.
“Oy! Matino ako ah!” Sabi niya sabay habol sakin. “Ano? Kain na kasi tayo! Dali na!” Kulit niya sakin. “Please baby. Please. Please. Please.” Maingay na sabi niya habang naglalakad kami. Nakatingin samin yung mga studyanteng nandito pa din sa school.
“Oo na!! Wag ka ng maingay please lang!!” Sabi ko. Tapos napa ‘yes’ naman siya at napasuntok pa sa hangin.
So ayun nga kumain kami sa Mcdonalds at treat niya lahat. At dahil nga libre niya dinamihan ko yung order ko. Ha! Akala mo ha.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐄𝐊𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐥𝐨𝐠 𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭𝐬
FanfictionEvery short story is made of fiction. And it also written in Tagalog Language! 💕 Enjoy this oneshots stories! ☺️