Sa aking pag pikit
Inaalala ko ang bawat saglit
Ang mga oras na
Nahahawakan pa kita
Yung mga sandali na
Magkasama tayong dalawa
Magka hawak kamay
Habang naka ngiti.Pilit ko din na inaalala
Ang masasayang araw
Nating dalawa
Mga kanta natin
Na walang sawang pinakikinggan
Mga walang katapusang kwento
Na kahit abutin tayo ng hating gabi
Antok sa atin ay hindi indahinMaamo mong muka
Gusto ko ng makita
Mahigpit mong yakap
Matamis mong halik
Gusto kong maramdaman muli.Mga masasayang araw at gabi
Na puno ng saya
Nasaan na nga ba?
Hanggang dito nalang nga ba
Sa aking ala-ala?
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Bago Kalimutan Ka
Poetry"Sa Ika Isang Daang Tula, Kakalimutan na Kita"