"Balat Kayo"

18 0 0
                                    

Hindi ako mapakali
Gusto kitang balikan
Paa ko'y kating kati
Gusto kang puntahan
Mata ko'y may hinahanap
Gusto kang masilayan
Tenga ko'y nabibingi sa iba
Boses mo lang ang tanging hanap.

Sinubukan kong mag balat kayo
Tumawag ako sayo
Sa pamamagitan ng ibang tao
Nag riring na ang telepono
Bumibilis na ang tibok ng aking puso
Narinig ko na ang boses mo
Mga luha ko ay pinipigilan ko
Pero sa pag baba mo
Tuluyan ng bumuhos ito.

Ang hirap pala ng ganito
Bakit ba pinasok natin to
Pero alam mo
Kung sakaling mauulit muli
Ang lahat sa umpisa
Susugal pa din ako
Mag  babakasakaling
Sa pangalawang pagkakataon
Ilalaban mo na ito.

Ika tatlong araw
Ikaw limang tula
Kaya ko pa ba?
Sana sa ika isang daang tula
Malimutan na kita.

Isang Daang Tula Bago Kalimutan KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon