Nag sisimula ng sumakit ang aking puso
Kasi alam ko naman na hindi na mauulit muli
Dahil natapos na yung huling sandali
Natapos na rin ang masasayang araw na nalalabiBakit ba hindi nalang pwedeng tayo?
Bakit hindi ko pwedeng ipagsinagawan na mahal kita sa lahat ng tao.
Gusto kong hawakan ang iyong mga kamay sa harap nilang lahat
Gusto kong kayapin ka na hindi ko iintindihin na may nakakakitang iba.Tama ba tayo?
Na hindi natin pinili na maging masaya sa piling ng isa't isa?
Minsan naiisip ko, tama ba na sinaktan natin ang sarili natin para sa kanila?
Ang daming bakit, pero lahat nang sagot ay masakit.Pero may sasakit pa ba sa nangyayari sa ating dalawa?
Yung mahal natin yung isa't isa, di pa nagiging tayo pero kailangan tapusin na.
Tutuldukan na ba natin to? Kasi parang gusto ko pang dagdagan ng ilang tuldok para yung THE END ay maging TO BE CONTINUED.Bakit ba pinasok natin ito?
Sa una palang naman alam nanatin
Na hindi pwedeng tayo
So paaano?Kakalimutan na kita?
Ang iyong ngiti, yakap, at halik?
Oo, Kailangan
Mahal kita
Paalam
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Bago Kalimutan Ka
Poetry"Sa Ika Isang Daang Tula, Kakalimutan na Kita"