Chapter 4 (My favorite is ICE CREAM)

119 22 5
                                    

“Love knows no judgment, criticism, or prejudice; it sees only the beauty within.”- Unknown

KAORI KIYASHIMA| NOZOMI KAORI KIYASHI

Nakatingin ang mga mata ko sa larawang iyon habang pinapaikot sa kamay ang isang dagger.

"Kaibigan? Nakakatawang salita. Akala niya ba talaga iyon ang tingin ko sa kaniya?!"galit na sabi ko.

Isinaksak ko sa mesa ang dagger malapit iyon tumama sa litrato namin.

Iyon ang nag iisang picture namin nong elementary pa lang kami.

Nag iisang picture lang na kinuha ko pa sa kaniya ng palihim.

Nakangiti siya habang may hawak na ice cream samantalang ako ay taho naman ang hawak.
Hindi ako nakangiti pero sa loob loob ko ay sobrang nagdidiwang ako sa mga oras na yon.

Kasi noon pa man ay gustong gusto ko na siya. Kaso nga lang ay iba ang nararamdaman niya sakin, I'm just a friend for her, only a fvckin' friend. Nakakatawa pero mga elementary pa lang kami ay gusto ko na siyang ligawan pero ang paalala ni Nanay ang pumipigil sakin.

"Anak, gusto mo ba siyang mapahamak?"

Alam ko ang ibig sabihin ni Nanay dahil ang makasama ako at maging parte ng buhay ko ay isang impyerno.
At di ko hahayaang ang nararamdaman ko ang maglagay sa kaniya sa miserableng buhay. Kaya hanggang maaga pa ay nagpasya akong lumayo sa kaniya. Habang maaga pa ay tinuruan ko na ang sariling kalimutan ang nararamdaman sa kaniya pero nong muli ko siyang makita ay parang walang saysay ang mga ginawa ko. Nakita ko lang siya ay nakain ko na lahat ang mga ipinangako ko at ngayon muli ko na naman siyang wini-welcome sa impyerno kong mundo.

Aalis na naman ba ako?

"Kung makikilala mo ba ako, lalayo ka kaya?"parang tangang tanong ko sa hawak na litrato.

Pero hindi niya maaaring malaman ang mga iyon dahil maaaring iyon pa ang magdala sa kaniya sa kapahamakan.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si X, ang aking secretary.

"Ohayo Guzaimasu, Ms. Nozomi" (good morning) bati nito at yumuko.

"Nani?" (What?) agaran kong tanong.

Lumapit ito sa table ko at may inilapag na isang envelop.

"May magaganap na illegal transaction bukas ng gabi sa Moon ship, Ms."

Binuksan ko ang envelop at nakita ang litrato ng isang barko. This is one of the most famous ship in the phillipines na pagmamay ari ng Moon Clan.

Ang Moon Clan ang isa sa mga matinding kalaban ng pamilya ko. Pareho sila ng pamilya ko, na mga walang puso at halang sa kapangyarihan.

Sigurado akong ang dala ng barko nila ay mga droga at mga armas.

"They are planning to throw a party para di sila mahalata sa gagawing transaction at ayon sa spy natin ay dadalo din si Mayor Gonzales. Ibig sabihin lang non kasali siya sa transaction."sabi nito

"Anong balak niyo Ms?"tanong niya

"Simple, sasali tayo sa party at sisirain natin ito," sabi ko.

This is my life. Ganito kakomplikado ang buhay ko kahit di ko naman ginusto ay wala akong magagawa kundi harapin ang responsibilidad ko. Bilang isang heiress ng pamilya. Bilang bagong numumuno ng Kiyashi Empire.

Kiyoshima is not my real surname. Madami akong hinahawakang pangalan para lang maprotektahan ang aming apelyido.
Kaori Kiyoshima ang ginagamit ko sa pilipinas pero kapag nasa Japan ako ay gamit ko ang totoo kong pangalan, I am Nozomi Kaori Kiyashi.

𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗞𝗡𝗢𝗪𝗦 𝗡𝗢 𝗙𝗘𝗔𝗥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon