"Love knows no past, mistakes, or regrets; it focuses on the present and the future."- Unknown
JILLIAN JAYNE BERNARDO
Nakalabas ako ng Hospital kahit wala naman akong binayad ang sabi bayad na daw at sino naman kaya nagbayad alangan namang si Kaori?
Eh mahirap lang din naman iyon."Anak, diba sinabihan na kitang wag kang sasali sa mga gulo. Tignan mo tuloy napahamak ka."sermon ni mama
"Pasensya na ma, eh kasi..."natigil ako sa sasabihin nang matanaw ang isang babaeng nakablack plain shirt at maong na pantalon na nakasandal sa isang dingding habang nakatingin sakin.
Seryoso ang tingin nito na para bang sinusuri ang buong katawan ko.
Nailang naman ako at agad na napacrossed arms nang huminto ang paningin niya sa dibdib ko.
"Manyak." Mahinang sabi ko
"Anong manyak anak?"tanong ni mama
"Ahh wala ma. Ahmm ma pwedeng mauna na kayo sa labas ahh naiihi kasi ako." Hindi ko aakalaing kailangan ko pang magsinungaling para lang makaharap ang babaeng iyon.
"Samahan na kita anak baka mamaya eh mahilo ka."
"Okay lang ako ma, sige na mauna kana po."pamimilit ko
"Sige na nga. Basta dalian mo lang ha. Kailangan mo nang makapagpahinga sa bahay."sabi nito at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.
Nang makitang nakalabas na siya ay muli kong binalikan ng tingin si Kaori.
Wala na ito.
"Nasan na iyon?"
Naglakad lakad ako para hanapin siya pero hindi ko talaga siya makita.
"Hayss nawawala na naman siya." Nasabi ko na lang.
Lumabas na lang ako ng Hospital dahil hinihintay na ako ni mama don.
Dumaan ang isang linggo na pahingahan ay pinayagan na ulit akong pumasok sa school.
Sa pinto pa lang ng room ay inabangan na agad ako ng mga kaklase ko.
"HOY GAGA KA! AYOS KA NA BA?"pasigaw na tanong ni Mia
"Kanina maayos ako eh pero nakakabingi yang boses mo Mia."birong sabi ko
"Ay sorry naman , nag alala lang ako ng sobra."sabi nito at niyakap ako ganon narin si Rose.
"Hoy pinag alala mo talaga kami Jillian, bakit kailangan mo pang gawin iyon. Hindi ka bayani para gawin iyon, alam naming mabait ka pero di mo kailangang magpakabayani para patunayan lang yon."nagtatampong sabi ni Rose
"Atsaka sa dinami dami ng ililigtas mo eh yung Gaga pa ay Gago pala nakalimutan ko tomboy pala iyon."sabi ni Mia
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Anong tomboy? Si Kaori Tomboy? Eh mas maganda pa iyon sa atin."sabi ko
"Oo tomboy iyon kaya pala binasted niya si Jaehyun dahil Tomboy pala siya."
"Pano mo naman nasabing tomboy siya?"tanong ko
"Kasi nakita ko siya kanina may kahalikang babae."
"ANO?!" sigaw ko.
"Hoy! Gaga wag ka ngang sumigaw maka-over react ka naman diyan, feeling mo pinagtaksilan ka."-Rose
"Ahmm seryoso ka ba sa nakita mo?"tanong ko
"Oo 100% pa. Yung kahalikan nga niya ay si Mayumi. Yung kaagaw mo sa korona ng school na ito."-Mia
Hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗞𝗡𝗢𝗪𝗦 𝗡𝗢 𝗙𝗘𝗔𝗥
Ação"For our love, I am ready to risk everything, face the dangers ,fight the world, for love knows no fear."-Kaori "Even if the world ends today, no matter what dangers come our way, I will still choose to be with you."-Jillian