Ika-26 ng Marso

13 0 0
                                    

Cavite el Viejo
1894

Mahal kong Mirasol,

Sa mga nagdaang araw pagkatapos kitang matagpuan sa bisig ng iba, ako'y nagdamdam ng labis. Naiinis ako't nagagalit sa aking sarili.

Ninais kong maging panyo na siyang papawi sa iyong mga luha. Ninais kong maging unan na yayakap sa iyo sa tuwing nalulungkot ka. Kahit pansamantala lamang, sana'y mapagbigyan.

Nito ko lamang natanggap sa aking sarili na walang patutunguhan itong pag-ibig ko para sa iyo. Sapagkat mas alam ko sa sarili na hindi nababagay ang isang maralita sa isang Indiyo. O kung pumayag ka man na siyang malabo, ang pamilya mo naman ang siyang hahatol. Kung kaya naman napagdesisyonan ko na lamang na kalimutan itong nararamdaman at ibabaon na lamang sa limot ang lahat. Nawa'y sumaya ka sa piling ng ginoong tinatangi mo. Paalam mahal ko.

Nagpaparaya,
Agapito

Cavite el Viejo 1894Where stories live. Discover now