001 : HEAVEN

1 0 0
                                    

"Heaven"
ੈ⸙ 𝖘𝖍𝖎𝖑𝖔𝖍𝖆𝖎𝖆

"Lola, kung bumalik ba si Lolo noon sa'yo sasama ka?" Tanong ko kay Lola Felicidad na itinitirintas ang mahaba kong buhok.

Nakita ko ang pag-ngiti niya sa repleksyon ng salamin. Sa pag-ngiti niyang iyon ay lumabas ang mga wrinkles niya.

Sa edad na siyamnapu ay nananatiling malakas pa rin ito.

"Pero hindi naman siya bumalik, Hija." Sagot niya sa tanong ko. Medyo nawala ang kislap ng mga mata niya.

"Pero kung bumalik po siya? Sasama ka po?" Tanong kong muli sa kaniya.

"Oo naman. Pinagbubuntis ko ang iyong Mama noon. Hindi ba't mas maganda kung babalik siya sa akin? Mas magagabayan sana ang iyong Mama." Sagot niya. Kinuha niya ang maliliit kong clips na bulaklak para idekerasyon roon.

Ang Mama ko kasi ay maagang nag-asawa. Ako ang bunsong anak kaya ako ang napunta kay Lola.

"Lola, kung babalik si Lolo ngayon, sasama ka ba?" Tanong kong muli. Huminga ng malalim si Lola at umupo sa upuang nasa gilid ko.

Nasagot ang aking mga katanungan habang unti-unting pinapasok ang kabaong ng aking Lola sa nitso. Hindi ko mapigilang lumuha.

Hindi niya ako sinagot noon. Sa halip ay kinantahan niya ako.

Sumama siya. Sumama siya kay Lolo. Sa heaven.



RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon