002 : LAST

0 0 0
                                    

"Last"

"Shiloh, bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong sa akin ni Mama.

Nasa hapag-kainan kami pero nasa iba nagpupunta ang aking isipan.

Pakiramdam ko ay laging may kakaiba. Lalo na sa Boyfriend kong hindi na nagpaparamdam. Isang buwan na ang nakalipas pero ni simpleng "Kamusta ka na" ay wala.

Idagdag pa ang pamilya ko na ang turing sa akin ay pabigat. Sana nga buhay pa si Lola.

Dalawang taon na ang nakalipas ng sumama siya kay Lolo. Pero ang sakit, nasa puso ko pa. Hindi na yata iyon mawawala. Dahil ang aking Lola lang ang nagmahal sa akin ng totoo.

Alas-tres na ng hapon ng umalis ako sa bahay. Pakiramdam ko ay sinasakal ako ng hanging naroon.

Nagpunta ako sa isang cafe sa harap ng dati kong pinapasukang eskwelahan. Doon nag-aaral ang Boyfriend kong si Xyran.

Plano kong abangan siya para yayain kumain sa favorite naming restaurant. I ordered a milk tea and a slice of chocolate cake habang inaantay ang paglabas niya.

Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang mga estudyante. Tutok na tutok ang dalawa kong mata sa harapan ng gate.

Inilabas ko ang cellphone then i texted Xian that I'm here.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang paglabas niya ng gate. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod pang nangyari. Nakita ko ang pagpalupot ng braso niya sa bewang ng isang babae.

Pakiramdam ko ay nagbara ang lalamunan ko sa nakikita. That girl again.

Nag-usap pa sila ng saglit bago nag-umpisang maglakad patungo sa kinaroroonan kong cafe. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng makita ako sa pagpasok nila.

The girl was smiling. Hawak nito ang cellphone ni Xian.

"Shi-Shiloh, let me explain." Nauutal niyang sabi.

"Inulit mo na naman. Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Kabisado ko na ang sasabihin mo." Pinigilan kong umiyak sa harapan nilang dalawa. Nagtapang-tapangan ako kahit ang totoo ay babagsak na ako.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo.

Hindi niya ako hinabol. Dahil sanay siyang ako ang humahabol at nakikipagbalikan sa kaniya sa huli.

Pero... ito na talaga ang huli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOM STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon