1

253 12 6
                                    

Mhokie POV

Hi? Ako si Steffanie Mhokie Dela Fuente,ohh diba pangalan palang bongga na. Im 18 yrs.Old half filipino half american. Ang mommy at Daddy ko ay nasa state para asikasuhin yung company namin ako naman nandito sa Pilipinas nag aabang lang ng grasya na pinapadala nila. Yeah mag isa lang ako dito but i can handle myself naman no. Im not a kid anymore. Errr.

Anyway, proud kong sasabihin sainyo na Maganda ako! Mayaman, oo naman, habulin ng mga boys? Mas oo naman no! Pero aaminin ko na medyo ayy hindi pala medyo, Maldita talaga ako, Prangka, Laitera at higit sa lahat dimonyita. Siguro naman hindi lang ako yung dimonyita sa mundo nato maliban na lang kung taga ibang planeta ka! Kaya wag kayong magmalinis at magulat na parang mabait. 

Alam niyo kahit wala naman kayong pake sakin eh sasabihin ko padin kasi wala din akong pakealam sa inyo. Haha ayoko sa lahat feeling Maganda/Gwapo, Pacute, Papansin. eh, Hindi naman mga mukang tao. tulad ngayon nag lalakad ako sa school at ang pesteng babaeng mukang haliparot nato kung makatingin sakin akala mo kakainin ako ng buhay hah alam ko naman na masarap ako pero duh di kami talo. tsk, Malapitan nga.

"Hi girl?" Nagulat naman siya nung nagsalita ako, palibhasa nakakita ng dyosa.

"Yes" mataray na sabi niya, pfft, Inferness hindi bagay hahaha

"Magkano pagawa mo sa boobs mong peke? " sabi ko sabay taas ng kilay, oha! Bongga.

"What?"

"Ayy ! Hindi mo nadinig?" Well maldita mode is on. Ako paba? Wala kong sinisino kahit mukang alien pa ang kaharap ko

"Hoy miss! Sino kaba para sabihin sakin yan? At yung boobs ko peke?" gigil na gigil namang sabi nya na animo'y tinutubuan na ng sungay sa galit, c'mon wala kong balak makita ng maaga si satanas.

"Bakit hindi ba totoo ? Alam mo miss balak ko din sanang mag pagawa eh kaso hindi na pala kasi ang pangit ng resulta" sabi ko sakanya sabay tingin sa dede nya na pag pinisil lalabas na yung hangin. Tch not me gaga.

"You bitch!" Akmang sasampalin na niya ako, buti nalang mabilis akong kumilos kung hindi nasa muka ko na yung oww so dirty niyang kamay.

"Yes I am dear! Anyway wag mong susubukang idampi yang nakakadiring palad mo sa pagmumukang to." Sabay turo ko sa sarili ko "Dahil kulang pa yang perang ginamit mo para mapaayos yang pekeng boobs mo!"

Nilapit ko pa lalo yung muka ko sakanya sabay bulong.

"And in all Inferness ang baho ng hininga mo" pagkasabi ko nun taas noo akong nag lakad syempre sayang ganda kung itatago ko lang noh.

Pagkatapos nung nangyari sa school  umuwi na ako bakit? Ang dami kasing pangit di ako bilang dun. Grabe nakakapagod din pala noh. Kaya naman pinatawag ko yung isa sa mga katulong namin.

"You! Dalan mo ko ng pagkain sa kwarto ko"

"Ngayon na po ba maam?"

"Baka bukas kasi ngayon ko kakainin. Aish! Nag iisip kaba syempre ngayon"

"Ok po maam." Nakayukong sabi niya .

Di ko nalang sya pinansin at umakyat sa kwarto ko. Pero bago pa ako makapasok may narinig akong nagchichismisan na dalawang mochacha sa may kalapit ng kwarto ko .

"Napakamaldita talaga ng amo natin kahit kaylan" maid 1

"Sinabi mo pa! Pag talaga ako nainis dun ingungudngod ko yung pag mumuka non. Di naman kagandahan ehh . Maputi lang" maid 2

So ganun pala! Kaylangan pag chismisan ako at worst sa pamamahay ko pa?! Then fine papakitaan ko kayo ng Maldita moves ko.

"Ohh! Mukang maganda yata yung pinag uusapan niyo. Pwede ba ako makijoin?"

"M-maam?" Nauutalutal na sabi nung isang maid .

"Ohh? Bkit kayo natameme? Care to share please" tangina ewan ko nalang kung di pa nila mahalata yung pagiging sarcastic ko.

"Sorry po"

"Ayyy! Hindi ok lang, Parang sinabi niyo lang naman kanina na napakamaldita ko at worst kaya mo pala akong ingudngod. diba? Pwes ipapakita ko kung gano talaga ako kamaldita" sabi ko sabay kuha ng walet ko at naglabas ng 10,000 cash

"Ohh! ito bonus niyo" Akmang kukunin na sana nung isang katulong na agad ko namang binitawan.

"Omo! Sorry paki pulot na lang" Sabay alis pero bago ako makalabas sa kwartong ito humarap uli ako duh hindi ako tanga para mag bigay ng pera pag tapos akong pag chismisan.

"By the way, Pwede niyo nang lisanin ang pamamahay ko dahil hindi ko kayo kaylangan. Mga mukang pera. tss"

"BBBLLAAAGGG" sara ng pinto

--
A/N
Keep reading, lovelots
#Grammatical errors.
#Short chapter.
#Not so satisfying update.
SORRY!

Im your MAID !! But Iam HEREDERA?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon