Mhokie POV
"Wow Mom! Thank you talaga sa gift mo!"
"Your Welcome Sweety! Basta ikaw!"
"Dad! Ano naman gift mo Sakin?"
"Ito oh, isang malaking hug! I love you princess, haha. at syempre may gift pakong isa, buksan mo na."
"Key? Susi ng anu to dad?"
"Ng bago mong Kotse"
"Ta-talaga dad!? Waaah! Thank you po dad! Hihi. Dad pwede ko na bang i try?"
"Yes, sure Princess!"
"Thank you Dad! Mom!"
"Your Welcome sweety"
Nandito ako ngayon sa isang Restaurant, para mag breakfast. At Yes! Kanina ko pa pinagmamasdan ang pamilya na yon. God! parang gusto nang pumatak ng mga luha sa mata ko. 8 years na ang nakakaraan simula ng mangyari ang aksidenteng yon.
FlashBack
"Ate! Ate! Tulungan mo ko nalulunod ako!"
"Hailey! Hailey!" -natatarantang sigaw ko, hindi ko rin alam ang gagawin kung paano ko tutulungan ang kakambal ko.
"Tulong! Tulong! Nalulunod ang kapatid ko!"- Sa sobrang kaba ng nararamdaman ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya. Tangay-tangay sya ng malalakas na alon sa dagat.
"Steffanie, anong nangyayari? Nasan ang kakambal mo?"balisang tanong ni dad
"D-dad si hailey po, tulungan nyo po N-nalulunod"
"Nasan si hailey? Hailey anak!" Agad nman sinisid ni dad ang dagat para hanapin ang kambal ko. Sana walng mangyaring masama sa kapatid ko. Nakita kong papalapit si dad, buhat-buhat si hailey.
"Hailey anak! Anung nangyari sa kakambal mo?" Takot na takot na tanong ni mom. Sinubukan i-CPR ni dad ang kambal ko ngunit hindi parin ito nagigising. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa kanya.
Huminto na si dad sa kanyang ginagawa, kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
"Bernard ano pang-ginagawa mo!? Dalin na natin sya sa hospital. Guard tulungan nyo kami! Tulong! Bilisan nyo! Ano ba Bernard kumilos ka naman dyan!" Sabi ni mom.
Niyakap ng mahigpit ni dad ang kakambal ko.
"Ikaw! Pag may nangyaring masama sa kambal mo! Hinding-hindi kita mapapatawad!!" Hiyaw ni mom sakin. Ngunit tanging patak lang ng luha ang naisagot ko. Dahil kahit na alam kong hindi ko kasalanan ang nangyari , hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko. Feeling ko ako ang pinaka masamang tao sa mundo.
End of flashback
Yeah. May kapatid ako at hindi lang basta kapatid kakambal pa. Na sinisisi ng lahat ng dahil sa maagang pagkamatay ng kakambal ko na si Hailey Jane Dela fuerte. Halos lagi kaming magkasama sa araw-araw. Hindi lang basta kapatid ang turing namin sa isat-isa kundi matalik na kaibigan. At sobrang mahal ko sya, Mahal namin sya, kya ganun nalang ang lungkot at galit nila mom at dad sakin. Kaya minabuting umalis muna sila ng Pilipinas, dahil malaking bangungot sa Parents ko ang pagkawala ni Hailey. Kaya mas ginustong iwan na lang ako ng parents ko dito, para magdusa sa nagawa kong kasalanan. Tao lang din naman ako, at nangungulila sa pagmamahal ng mga magulang .
Haayyss! Tama na nga ang drama! Tss. Makaalis na nga.
Bar
Nandito ako ngayon sa bar nila allison, syempre, para magmukmok na naman. Ganun naman lagi eh, sanay na si allison dun.
"Huy girl! Anu na naman drama yan? Haa?"
"Haays! Namimiss ko na yung parents ko! Mahal kaya ako ng mga yun?"
"Gaga! Syempre naman no! Alam kong may pagkululang sayo yung mga parents mo. Pero alam kong mahal ka ng mga yun! Lagi ka ngang kinakamus- este ano- ahh anu -hayy basta! Mahal ka nun!"
"Alam mo kahit ano gagawin ko, para lang makasama ko ulet sila."
"Gosh. Ang weird mo ata ngaun ahh. Mukang wla kang balak magmaldita at barahin ako?"
Tinignan ko lang sya ng masama.
"May Plano ako!" Giving her a develish glare.
"Gosh, girl! Wag mo ng ituloy yung binabalak mo! Kung ayaw mong mas lalo kang kamuhian ng parents mo"
"Tch. Kaylan kaba sumuporta sa plano ko? Jan ka na nga!"
"Hoy bruha! Magbayad ka naman no! Ang dami mong inorder na beer! Hindi mo naman pala iinumin!"
"Oh ayan 10k" tch.
---
A/N
Keep Reading,Vote and Comment!
#SeducingMs.Manhater
#I'mYourMAID!!ButIamHerredera
BINABASA MO ANG
Im your MAID !! But Iam HEREDERA?!
Roman d'amourMaganda pero Maldita ? Meet Steffanie Mhokie Dela Fuerte isang babaeng puno ng kamalditahan at kaartehan sa katawan .