1

318 17 0
                                    

(Author:Guys kayo ng bahala umintindi, sa mga wrong grammar ko, at sa marami pang wrong grammar, at sa.. okay enjoy!! -_0., )      



         "Haaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyymmmmmmmmmmmmmmmmeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Babangon ka dyan o sisirain ko tong pintuan mo!!!!!!!!!" In fairness huh, kanina pa ako dito, maos na maos na ang tinig ko, di pa ako binubuksan.

        "Ahhh..ahhh.. Inday naa may susi oh!" Lumapit sa akin ang kasambahay nila.

        Natatawa nalang ako, hindi sa tuno ng pananalita ni Manang kundi sa sarili kong pagka bobo. Hay!! Tsk tsk!

        Kinuha ko ang susi,   "Salamat Manang huh!"

        Sinimulan ko nang buksan ang pinto,"Haymeee!! Isa!

        "Aray ko!"-James. Narininig kong may nauntog sa loob nang binuksan ko ang pinto. Bubuksan na sana niya nang binuksan ko , kaya ayon nauntog siya.

        "Ba't ba ang tagal mong buksan huh! Alam mo bang kanina pa ako tawag nang tawag sayo, katok nang katok!"-ako. Galing ko no, di na nga nagsorry kasi nakasakit, tapos siya nasaktan na, putak pa ako nang putak!

        "Alam mo Nadine kung hindi ka titigil sa kakaputak dyan sigurado akong mamaya wala kanang tinig." Perfect tagalog. At dumadive na ulit sa kama.

        "At anong ginagawa mo?" Ako na nameywang.

        "Matutulog ulit, isn't it obvious?, So get lost, I want to sleep, I want peace here." -James

       "Matutulog? James you can't do that! Alam mo ba kung anong oras na? huh? Sigurado ako na ma la-late na tayo ngayon sa Anniversary ng Mommy at Daddy mo!" Putak ako ng putak habang inaayos ko ang gamit nang mabait kong bestfriend!. Yes! B-E-S-T-F-R-I-E-N-D. Since we're kids, magkakilala na ang mga magulang namin. At tsaka yon na yon naging kasama ko siya sa lahat nang masasaya, malulungkot, mga katarantaduhan ko pero mas tarantado siya kaysa sa akin. Sa lahat nang mga pangyayari na nangyari sa buhay ko nasa tabi ko siya. At syempre ako rin in return sa kanya, of course what bestfriends are for? Sa masasaya, malulungkot, in good times and in bad, in sickness and in health,for better, for worse, for richer, for poorer, till death do us part.. JOKE!!!Pero parang ganun na nga. Kaya lahat gagawin ko for him, maging masaya lang siya.

        Okay! So,.. ay teka wait, ba't ba kwento ako nang kwento dito may lakad pa kami diba.! 

        "Hoy James! James!" Tinapik tapik ko pero ayon wala man lang epek.

        Described James in one word?-GWAPO-BOYFRIEND MATERIAL- kaya marami ang nagkandarapa sa kanya. Pero sa kanila yon, para sa akin? He is the BEST!!.

        Half Pinoy, half Pinay siya hahahah joke.,, ahmp half Aussie. Iba naman talaga diba kapag tayong mga pinoy ay mahaluan  ng ibang lahi astig ang resulta.Kaya hindi ko nalang namalayan ang sarili ko na nakatitig na lang sa kanya, sa mukha niya. His eyebrows, his eyelashes, his pointed nose, his lips. Napa - smile nalang ako and also uminit ang mukha ko. Huh? nag ba blush ako? As in? Well I don't know, ewan ko lang, hindi ko alam. I mean OO gwapo bestfriend ko, pero siguro kung hindi ko siya bestfriend tapos magka crush ako sa kanya, yon ay hindi dahil gwapo siya, yon ay sa kadahilanang di ko alam. Pwede mag-isip muna?

        Aaminin ko this recent times, wala na siyang gaanong panahon para sa akin. I mean yong bestfriend bonding namin, like we used to before. Nagsimula na kasi siyang tumahak sa mundo nang kanyang mga pangarap. Ang pag-abot ng pangarap niya ay nangangahulugan na hindi ko na siya palageng makakasama. Ewan ko pero iniisip ko palang bakit nakaramdam na ako ng sakit?Drama ko noh? Pero hindi ko alam, wala akong idea, why, bakit, ito ang nararamdaman ko!.

Once Upon a Night (A JaDine Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon