CHAPTER 4

1.8K 77 6
                                    

Nagmulat ako kaagad nung may naramdaman akong tila may humahaplos sa noo ko.

"Gising ka na pala," sabi ni Clotho sa akin kaya agad kumunot ang noo ko pero napapikit ako dahil sumakit bigla ang ulo ko. "Relax ka lang muna, Brianna. Kagagaling mo lang sa lagnat kagabi," marahan niyang sabi kaya huminga ako ng malalim saka pinikit ng mariin ang mga mata ko.

"Mabuti na lang isa sa mga tauhan ni Zeus ay nakita kang nakahandusay sa labas," sabi niya sa akin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin kaya tumango ako. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kung bakit ako nakahandusay sa labas kagabi uuwi na sana dapat ako eh," saad ko sa kaniya at tumango siya. "Siguro dahil sa nakita mong multo kagabi," natatawang sabi niya pero sumeryoso lang ako.

Hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya ha.

"Maraming salamat sa inyo," sinsero kong sabi na ikinangiti naman niya. Kaya dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. At naramdaman ko na ayos na ako. "Aalis ka na ba?" tanong niya sa akin at tumango ako. "Oo hindi na ako maaring magtagal pa rito dahil baka nag-aalala na ang Nanay ko," sabi ko sa kaniya kaya ngumiti siya.

"O sige. Umalis na sina Zeus, matatagalan pa sila bago bumalik," sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. "Paki-sabi sa kaniya na maraming salamat," sabi ko saka nagtungo na sa may pinto. Kargo naman talaga niya ako dahil siya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay kagabi! Kung sana sinabihan niya ang multo nilang kasama na huwag magpakita sa bisita edi sana nakauwi ako ng matiwasay kagabi!

"What's meant to be will always find a way," dinig kong sabi niya na ikinatigil ko para ngitian siya at tumango. Kahit hindi ko naiintindihan ang sinabi niyang iyon. Pagkauwi ko sa aming bahay ay nadatnan ko si Nanay na nakapameywang at naka-taas ang isang kilay niya kaya naman napalunok ako, kahit na nasa tamang edad na ako ay natatakot pa rin ako kay Nanay.

"Hindi ka nakauwi kagabi, Brianna Aminta," sabi ni Nanay sa akin na ikinatango ako at yumuko na lang. Kahit kailan hindi ko sinumbatan si Nanay dahil alam kong mali ako kagaya na lamang ngayon.

"Pasensya na, Nanay. Nakitulog na lang ako sa bahay ng kaibigan ko. Hindi naman porket ganto ako, Nanay eh wala na akong kaibigan doon? Syempre meron po," palusot ko sa kaniya pero tinignan lang ako at tila kinikilatis pa ako. "Anak, ayos naman sakin kung maging tapat ka, hindi ako magagalit," sabi niya sa akin kaya umakto ako na tila naguguluhan sa kaniya. Hindi pwedeng malaman ni Nanay kung saan ako galing at bakit hindi ako nakauwi kagabi dahil malalaman niya ang lahat baka hindi kayanin ng puso niya at ikamatay niya pa ito.

Patawarin niyo na lang ako, Lord!

Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya kung ano ang dahilan dahil malalaman niya na ang sekreto ko. Hindi pwede. Kilala ko ang Nanay ko, isa siyang imbestigador. Hindi ka tatatan-tanan hangga't hindi siya nakokontento.

"Totoo, Nanay nagsasabi po ako ng totoo," sabi ko at sana hindi ako tubuan ng malaking sungay ngayon dahil sa pagsisinungaling ko. Hindi tama kahit sabihin na wala akong intensyon na masama, hindi pa rin tama ang magsinungaling. At kahit ano pang rason, hindi magiging tama ang isang kasinungalingan dahil mananatili pa rin itong kasalanan.

Lumapit siya sa akin at hinaplos-haplos ang aking ulo. "Lumaki ka na at may sariling isip at desisyon ka na sa buhay, anak. Pero parati mong iisipin na nandidito ako para sayo kahit ano pa man ang mangyari," sabi niya sa akin kaya naluluha akong yumakap sa kaniya. Para sa kaniya ang lahat ng ginagawa ko dahil ayokong maiwan mag isa sa mundong ito at ayokong mawala si Nanay na hindi man niya naranasan mamuhay ng marangya.

"Salamat, Nanay. Mahal na mahal po kita," sabi ko at sumubsob sa kaniyang leeg. Napagdesisyonan ko ng huwag na sumali sa pagnanakaw simula ngayon magbabagong buhay na ako. Maswerte pa rin ako dahil hindi ako nahuhuli ng mga pulis o barangay tanod. Kinagabihan nagpunta ako sa bahay nina Fritzie.

Queen of Heavens (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon