Dedicated to AshGel5
Malakas ang ulan ngayong araw na 'to dahil sa paparating na bagyo. Kaya naman iyong perang nanakaw ko nung isang gabi ay ipinambili ko ng dalawang tulda at ilang lubid na manghahawak sa tulda upang hindi matangay ng malalakas na hangin.
Oo, snatcher ako pero wala akong magawa kundi gawin iyon. Hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay namin ng ermats ko. Masama ang paraan ko ng paghahanap-buhay dahil ganito ang halimbawa ng tunay na buhay. Iyong tipong kailangan mo pang kumayod maghapon kahit magkandakuba-kuba ka na magkaroon ka lang ng datung.
"Mabuti na lang at may nabili kang tulda at lubid, Ria," sabi ni ermats sa akin at kitang-kita ko ang kaginhawaan at kislap sa kaniyang mga mata. Hindi niya alam ang mga pinag-gagawa ko dahil kapag nalaman niya ay alam kong aatakehin siya puso at baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkadeds niya kaya napakatok ako sa kahoy na dingding ng bahay namin baka magkatotoo edi kawawa na ako niyan.
"Oo naman, Nay! Ako kaya 'to," mayabang kong sabi at ngumiti pa ng malaki sa kaniya pero sa kaloob-looban ko ay naiiyak at nahihiya ako. Kailangan kong maging matatag para sa kaniya. Pumasok ako sa aking kwarto. Kahit naman bahay-kubo ang aming tahanan ay may sarili kaming kwarto na mag-ina kahit na sabihin nating gawa sa kawayan ang tinatapakan namin. Pati ang aking higaan at aparador ay gawa rin sa kawayan.
Binuksan ko ang aking aparado na nandoon ang pitaka ng taong ninakawan ko nung isang gabi. Kinuha ko ito at binuksan ulit. May I.D siya at iba't ibang cards pero di ko alam para saan ang mga iyon.Nakita ko ang picture niya na naka-dikit sa I.D niya. "Ang gwapo mo naman, Kuya," sabi ko at napahagikgik ako nung maaalala ko ang boses niya. Napakasuplado niya kung tutuusin pero mawawala ang pagkadismaya mo sa kaniya kung natitigan mo ang napaka-gwapo niyang mukha.
Parang napakaperpekto ang pagkahulma sa kaniya. Siguro nung nagpaulan ang Diyos ng kagwapuhan ay nandoon siya sa labas ng bahay at naliligo kaya ganito na lamang ang pagkakahulma sa kaniyang mukha. Pagkatapos ng bagyo ay isasauli ko ito dahil nakalagay ang kaniyang address sa kaniyang I.D.
Malalim na ang gabi at patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan at pagkulog na may kasamang kidlat pa. Galit na galit ang bagyo ah? Tumingin ako sa may bintana ko na gawa rin sa kahoy at inililipad ng hangin ang aking kurtina. Sumilip ako sa labas ng bahay, ang mga puno ay nagsasayawan na at naririnig ko rin ang mga malalakas na kalampag ng mga yero sa bawat bahay.
"Kalmahan mo naman, pare! Tao lang kami!" sigaw ko at imbes na kumalma ay tila nagalit pa lalo kaya isinara ko ang bintana ko saka huminga ng malalim. Hindi ako makakatulog nito dahil baka kung ano pa ang mangyari sa amin lalo na't napapalibutan kami ng mga malalaking puno na kapag bumagsak ay alam kong dedbol na kami.
Bukod doon napapalibutan pa kami ng mga kahoy dito! Malayo kami sa syudad at nasa baryo kami. "Hindi ka ba pa inaantok, anak?" tanong sa akin ni Nanay. May dala itong isang tasa na may gatas."Hala si Nanay, di na po ako bata para painumin mo ng gatas ano," sabi ko at tumabi ito sa akin. "Para sa akin 'to di sayo," pambabara ni Nanay sa akin na ikinasimangot ko. "Ahhh! Anak ng tinapa naman!" hiyaw ko nung namatay ang ilaw namin kaya naman sumilip ako sa labas kung iyong kahit-bahay namin ay may ilaw kaso wala rin eh. "Napakamatatakutin mo, Ria," komento ni Nanay saka tinapik pa ang hita ko.
Nasa may sala kami at ang inuupuan naming kawayan na upuan ay naka-talikod sa bintana. "Bigla-bigla naman kasi wala man lang ano," sabi ko at ngumuso kaya naman kinurot ako ni Nanay sa bewang ko "napakapilosopo mo talaga. Paanong magkakaroon ng abiso kung bigla naman? Paniguradong nabigla rin ang electric company," sabi ni Nanay kaya napatawa ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Queen of Heavens (COMPLETED)
RomanceQueen Series 2 Zeus, the Supreme God. (Filipino-English) Read at your own risk! STARTED: MAY 2020 FINISHED: APRIL 2021