3rd Person POV
Kabado't alalang alala si Ivy na pumuntang ospital .
Nagtext kasi si Tita april na ina ng kanyang Nobyo .
Humahagulhol itong tumawag sa kanya dahil daw si jake ang nobyo ay malubhang malubha na ang sakit nito.
Pagkarating ni Ivy sa Ospital ay agad syang dumaretso sa mga nurse at nagtanong.
"Asan po yung kwarto ni jake San Diego?" Agad naman hinanap ng nurse sa logbooks and records ang naturang pangalan . Habang si Ivy ay di mapakaling nagiintay . " Miss , kaano ano po kayo ng pasyente ?" Sabi ng nurse . "Girlfriend" ani ni Ivy .
"Room 143 diretso lang po kayo sa corridor dyan po sa kanan makikita nyo na po yung room na hinahanap nyo " . Pagkasabi ng nurse ay agad ng tumakbo at hinanap ni Ivy ang room kung saan nakaconfine si Jake . Alalang alala sya sa nobyo . Di nya alam yung gagawin . Nasa pinakadulo ng corridor ang room ni Jake . Dahan dahang naglakad si Ivy 2 room n lng andun na sya . Natatakot syang makita ang nobyo na nahihirapan sa sakit .
" AHHHHHHHHHHHHHHHHHH ! " sigaw ng isang lalaki . Mahahalata mo sa sigaw nito ang pamimilipit sa sakit . Madaming doctor at nurse anng agad na pumunta sa kwarto . Napagtanto ni Ivy na kwarto pala iyon ng Nobyo . Natatakot na syang pumunta , narinig nya pa lng ang sigaw ng nobyo di na nya kaya . Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mata . Habang naglalakad sya papunta sa kwarto . Feeling nya napakalayo ng kwarto kahit isang kwarto na lng ang lapit nya dito .
Nasa harap na sya ngayon ng pinto ng kwarto . Nakatitig lang sya duon . Para syang bata na takot na takot dahil nawala sa mall . Hanggang lumabas na ang mga Nurse at doctor " excuse me miss " sabi ng isang nurse na lumabas sa kwarto . Pinihit na nya ang doorknob . Pagbukas nya ng pinto . Bumungad sa kanya ang isang lalaking napakapayat at hinang hina .
Tumulo na ang mga luha sa mga mata ni Ivy . Di nya akalain na ganto na kalala ang sakit ni Jake . Nanghina ang mga tuhod ni Ivy . Napaupo sya sa harap ng kama ni jake . Di nya alam kung anong mararamdaman . Lungkot , galit o awa . Lungkot at awa , dahil ang nobyong masiyahin at malakas ay ngayo'y parang isang lantang gulay na di nabenta sa palengke . Kitang kita rito ang kahinaan . Di nya lubos isipin na magkakaganto ang Nobyo . Galit . Dalawang Linggo ng nakalipas ay wala man lang contact sa kanya ang nobyo . Ang huling text lng nito ay pupunta sa isang orientation ng kanilang Church . Si Jake daw kasi ang representative ng kanilang simbahan para sa nasabing orientation . 3 araw lng ang orientation . Pero 2 Linggo ng di nagpaparamdam ang nobyo .
"Maiwan ko muna kayo , pinainom lng sya ng gamot pampakalma mamaya maya magigising na rin sya . Sya na siguro magsasabi ng tunay nyang kalagayan " sabi ni tita april na bumasag ng kanilang katahimikan .
Kahit medyo kalmado na si Ivy tuloy tuloy pa rin yung pagiyak nya . Tumayo sya at tumabi sa kama ng nobyo .
Tinignan nya ang nobyo na mahimbing na natutulog . Naalala nya yung mga panahong nagrebelde sya at ito ang tumulong sa kanya .
Flashback
"This is fvking shit ! Ugh ! I hate my life . Wala na si Papa . Wala ng magtatanggol sa akin . Wala na ! Shit ! I hate everyone ! I hate God ! God is nowhere ! " sabi ng isang batang babae habang sinisipa ang mga bato sa harap .
"God loves you " sabi ng isang batang lalaki na halos kasing edad nya . May ngiti sa labing nagpakilala ang batang lalaki sa batang babae .
"Hi ! I'm jake "
"No one cares ! Umalis ka nga dito ! I hate everyone " sabi ng batanf babaeng si ivy .
"Hindi ako aalis dito hanggang di mo sinasabi na "God Loves me , I love everyone he creates" sabi ng batang si Jake .

BINABASA MO ANG
FOREVER
Historia Corta"Does Forever do really exist ?" Yan yung mga katagang nasa isip ko . Pero pinakita sa akin ng taong mahal ko na totoo ang forever . Do you want to know the story of our Everlasting Love ? The Forever Lovestory ? Or your Fvcking bitterness ! May...