2

9 3 0
                                    

It's been 2 hours since he took Aria to the clinic after she passed out in the game earlier. He's just waiting for her to wake up so he can go home. But it looks like the girl is enjoying her sleep, he let out a deep sigh.

*RIIIINNNNGGGG

He looked at his phone and saw the name of someone really important, so he answered the call quickly.

"How is she?", the woman asked.

"I think she's fine, hindi na dumudugo ang ilong niya at mukhang wala naman siyang bukol.", sagot nito.

"Good, umuwi ka na. Hinahanap ka na ng team mo.", pagkatapos sabihin yun ay agad na ibinaba ng kausap ang tawag.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya maintindihan kung bakit kailangan niyang bantayan ang babaeng ito. Sampung taon na yata mula nang pinasok siya sa paaralan ng babaeng yun upang mabantayan niya ito. Kalaban ba siya? O kakampi? May kinalaman ba siya sa mga nangyari 14 years ago? Is she the answer to his questions?

Umiling siya at tumayo, inihabilin niya sa nurse si Aria atsaka umalis na. Dire-diretso lang ang lakad niya papunta sa kaniyang tinutuluyan. Habang naglalakad ay hindi parin mawala sa isip niya ang nangyari kanina, nung tumama ang bola sa mukha ng kaklase. Napangiti siya sa naisip, ngunit agad itong binawi at umiling. Hindi ko dapat siya iniisip, dahil may posibilidad parin na isa siyang kaaway.

Lumiko na siya sa eskinita na short cut papunta sa bahay nila, tinatamad siyang maglakad kaya tatalon nalang siya sa bakod. Tahimik siyang naglalakad at akma na sanang aakyat sa bakod nang biglang...

"RHOGEEEE!!!"

Napalingon siya ng marinig ang pamilyar na boses, at paglingon niya ay di siya nagkamali. The fuck are you doing here? Ngunit nakuha naman agad ang atensyon niya ng isang kahoy na muntik nang tumama sa mukha niya. Sinipa nito ang lalaking may hawak nito at nakipag suntukan sa dalawa pa. Ngunit natigilan siya namg makita si Aria na naka handusay sa sahig habang may isa pang lalaking may dalang kahoy na nakatayo sa likod nito. Sa kabang baka mapagalitan siya ng amo dahil hindi niya nabantayan ang babae ay agad niyang binalibag ang lalaking nakahawak sakanya atsaka tumakbo papunta sa babae.

"Mukhang mahalaga ang babaeng yan sa'yo bata.", sa angas ng pananalita ay alam niya na agad kung anong grupo ang bumangga sakanya.

Naglabas siya ng baril at agad itong kinasa, pagkatapos ay itinutok sa apat na lalaki sa harap niya.

"Easyhan mo lang bata, aalis na kami dahil mukhang napuruhan ka na namin.", sagot ng isa at tumakbo kasama ang ang tatlo pa.

Tinignan nito ang kalagayan ng dalaga at napahinga ng maluwag nang masigurong wala itong dugo o galos na natamo. Ngunit may isa pang problema, wala na naman itong malay at hindi niya alam kung paano ito i-uuwi. Isang tao lang ang makakapagbigay sakanya ng paraan.

"Rhoge.", sambit ng babae sa kabilang linya.

"Queen, I failed a mission, I failed to protect her."

"WHAT?!?! ANONG NANGYARI? NASAAN KAYO?!?! YOU BETTER HAVE A GOOD EXPLANATION ALMIREZ!"

Nanlamig siya sa kaniyang kinatatayuan. The Queen is angry and he can feel it. Naisip niya agad ang buhay niya dahil alam niya kung ano ang pwedeng gawin ng babaeng yun sakanya o sa grupo nila. Who are you? And why does it seems like you're a very important person to her?

"Don't worry, she's alive. Mukhang sinundan niya ako at nadamay ng sundan ako ng isang maliit na grupo."

"Kaninong maliit na grupo? Ito ba yung mga niyayabangan niyo? I already told you to stop messing with small groups because they're not your level! Did they hurt her?!?! Tell me who's group is it! I'm gonna crush them."

I Followed Him In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon