Warning

1 0 0
                                    

Habang naglalakad sa daan ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam bakit?

Hanggang sa napadaan na ako sa may eskinita. Sanay naman na akong dumaan dito pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? May masama ba kayang mangyayare sakin?

Jusko naman Lord wag po! Breed-ay mean bread winner po ako sa pamilya ko.

At teka, parang may sumusunod sa akin? Lilingonin ko sana iyon ngunit kusa akong napatigil ng may lalaking nagpakita sa harapan ko.

Ito na ba yun? Grr sabing wag muna ih.

Hindi ko makita ng mabuti ang mukha niya kasi naka mask siya. Sabagay sa sitwasyon pa ba naman ngayon.

Maglalakad na sana ako ulit ng may nilabas siyang mahabang, ewan? Ano yun? Mukhang baseball bat? Shet!

Mamaaaaaa! Bat ngayon pang deadline  na ng pagpasa namin ng mga modules! Masasayang lang pinaghirapan ko! Ay, oo nga pala diko pa tapos, choss!

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sakin habang pinapalo niya sa kamay nito ang mala baseball bat na pamalo.

Gezh! Iz diz my katapusan? Ang aga naman masyado hmm.

Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad  na muli. Iniba ko ang direksyon ko, lumipat ako sa gilid. Mahirap na baka ipalo yun sakin.

Bago pa ako makalipat, nagsalita ito.

"Miss, last warning" paos at halos pabulong na sabi niya.

Hindi ko siya nilingon. Nakatalikod lang ako sa kanya.

Mama! Nanginginig ang kamay kong kinuha ang selpon sa bulsa at mabilis na tinype ang 911 sa dial.

Yun nagring na!

"Tu-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tinapik nung mama ang balikat ko at napasigaw nalang.

"Hoy babae! Wag mo akong tatalikuran! Kinakausap pa kita. Alam mo ba kung anong oras na? Curfew hours na! Kagabi winarningan kita kaso mukhang busy ka sa kaka music mo! Ngayon sisigaw ka jan na parang akala mo papatayin ka!" Singhal nito sa akin.

"Tamod-este tanod naman. Masyado naman kayong concern sakin. Nalate lang po ako ng uwi kasi ang daming tao sa store e. Kaya sowy na po" medyo palambing kong itong sabi at yumuko sa harap niya.

"Naku sasusunod hindi na dapat mauulit to!" Sigaw niya. Aba nasa bundok tayo?

"Opo, hehehe" sagot ko naman.

"Sige uwi na!" Mabilis akong tumakbo pauwi sa bahay kaso yung selpon ko..

"Miss wag mong gawing biro ang pagtawag sa hotline na 'to. Naku kabataan talaga ngayon-" isa pa 'to! Sesermonan pa ako! Malay ko bang tanod yun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One Shot StorieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon