Chapter 24

7.6K 174 0
                                    

Chapter 24

Rejection

We're just like, a happy family. Almost perfect sa paningin ng iba. I saw my son and Daniel, how happy they are. I'm happy, too. But not the same like them.

I should be happy and feel contented, but something bothering me. As he looked at me with a smile in his face. 

"Thank you for giving him to me," He lovingly said.

I smiled, "Thank you,too."

"I don't know but I feel blessed." ngumiti uli ako. "Papa, Mama, sarap sa pandinig. Matawag kang ama, napaka sarap sa pakiramdam." tugon niya pa.

"Alam ko," mahina kong sagot.

"Kung noon pa siguro ako dumating at nakilala ang anak ko, at syempre ikaw. Siguro masayang-masaya na tayo. Kasama kayo ng anak natin. At kasama ka."

Nakaramdam ako ng konsensya. Pero hindi ko naman siya kilala noon. Ni-hindi naman talaga kami magkakilala.

"Sana nasamahan kita sa pagbubuntis mo. Sana andoon ako sa tabi mo no'ng manganganak ka na. Pero hindi, e. After that night, hinanap kita. Hanggang sa napagdesisyunan kong sumunod na lang kay Lolo para mabantayan siya." Paliwanag niya.
"I'm sorry, hindi ko naman sinasadya."

"It's fine now. Nandito na ako, hindi ko na kayo iiwan pa. Let's start again. Gusto kong makasama na kayo ng anak ko."

"H-huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Tama, Jamaine. Bakit hindi na kayo magpakasal na? Doon din naman ang punta niyo, apo." sabi ni Lolo Danny.

"Double wedding! Sabay-sabay na tayong magpakasal." masayang sabi ni Lola Francia.

"Yehey! Ma, Pa. Magpakasal na po kayo!" sabi naman ng anak namin.

"Oo, tama. Magpapakasal na po kami." agad nitong sagot.

Masaya silang lahat at panay ang sabing 'magpakasal na kami.'  Ngunit kakaiba ang tumatakbo sa aking isip. Hindi ako payag. Ayoko!

"N-no..." mahina kong sabi.

Hindi pa ako ready sa ganito.

"No! Hindi p'wede!" malakas ko ng sabi.

Natahimik ang lahat at mga nakatingin sa akin na may pagtatanong sa kanilang mga mukha. Bumagsak din ang balikat ni Daniel. Nakatitig ito sa akin ng may mga tanong sa mukha.
"B-bakit?" tanong ni Daniel.

"Magpahinga na kayo, malalim na ang gabi. Anak hali ka na, matulog ka na. Hindi ka p'wedeng magpuyat." hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Matulog na po kayo. Kailangan niyo na pong magpahinga, ma." singit naman ni nanay na sa dalawang matanda ang tingin.

"Nay, akyat na po kami sa taas. Paatutulugin ko pa ang anak ko."

Hindi na rin nagsalita ang dalawang matanda at nagpahinga na si Lola Francia. Nagpaalam na rin na aalis na sila Lolo Danny. Babalik na lang sila bukas, sabi nila.

I know I'm not ready. Hindi ko pa kaya at hindi ko pa siya gaanong kilala Kaya hindi muna ngayon...

One night stand with a stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon