II

118 6 0
                                    

"Pwede bang.....?"

"Pwede mo ba akong tulungan, malapit na kasi yung acquaintance party. Anong favorite color, chocolate and flowers ni Janella? Gusto ko kasi sana siya isurprise" sabi ni Daniel. Ouch, akala ko kung ano na itatanong ni Daniel, papatulong lang pala. Masyado ka kasing assuming Kath.

"Ahh, yun ba? Red ata favorite color niya. Chocolates? Yung walang almonds then flower, tulips." Oo tinulungan ko pa rin siya kahit masakit, minsan lang tong chance na to sasayangin ko pa ba?

"Yes! Thank you Kath! Sabi na alam mo to eh, thank you so much!" Yung ngiti ni Daniel, ang saya saya niya. Im glad na minsan sa buhay ko, naging dahilan ako ng pag-ngiti niya ng ganyan kahit na di ako ang pinakadahilan, atleast part ako.

• • •

Mabilis lumipas ang panahon, akalain mo nga naman Acquaintance Party na!

Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong year, kinakabahan ako. Paano ba naman last year, acquaintance party, harap harapang hinalikan ni Julia Barretto sa cheeks si DJ at sinagot. Oo naging sila last year pero nag-break din.

Nakita kasi ni DJ yung totoong ugali ni Julia kaya ayun, split.

Naibigay na rin pala ni DJ yung hinanda niya para kay Janella, si Janella naman ayun feeling chix. Joke huhu lord patawad.

Kanina pa nagsisimula ang program, pero eto kami sa canteen kumakain. Wala naman kasing kwenta yung program, nakaka-bore.

Hiniram ni DJ yung phone ko, ewan ko kung ano hinahalungkat niya doon. Teka, kinikilig ako :')

Nagulat naman ako ng bigla siyang nagpa-picture, pinicture-an ko naman siya.

"Kath tignan mo oh, ano kamuka ko na ba si Patrick Rivero?" Masayang sabi saakin ni DJ habang pinapakita ang inedit niyang picture.

Yung picture ni Patrick Rivero at yung picture niya na ginagaya si Patrick. Hahaha ang epic!!

"Ano ba yan DJ, hahaha. Ang epic!!" Kinuha ko na yung phone ko kay Daniel, kungyari di ako affected. Pero deep inside shet huhu ang cute niya.

"Tara na guys, maguumpisa na ata ang party party " sabi ni Zharm.

Pumasok na kami sa loob ng gymnasium kung saan ginaganap ang Acquaintance Party namin. Nakailang balik na rin kami sa photobooth <3 hahaha #vain

Nagsayaw naman kami ng kung ano-anong maisayaw lang namin. Pero yung iba saamin, nanatili lang sa table.

Ilang sandali lang, nagsimula na ang slow dance. Ghad, hatest part.

Aaminin ko, medyo masaya ako kasi hindi maisasayaw ni DJ si Janella ngayon. Hehe. Umuwi kasi si Janella agad hayy buti nalang =)) Joke ang mean ko.

Hinila naman bigla ni DJ si Sofia para magsayaw, wag na kayo magtaka, bestfriends yang dalawang yan.

Masakit. Sino ba namang hindi masasaktan diba? First dance ng mahal mo, iba. Pero syempre sanay na ako. Sa two years naman na umattend ako ng acquaintance, never niya akong isinayaw.

Ang tagal nilang nagsayaw, tinapos ata nila yung isang kanta?

Di ko alam pero feeling ko? May gusto si DJ kay Sofia. Uhm oo, si Janella nililigawan niya pero iba talaga siya pag kay Sofia na.

Bumalik na sila dito sa pwesto namin, tanaw ko naman dito si Michelle at Jon na nagsasayaw, hayy ang sweet. Kelan kaya magiging sila? Lol hahaha.

After non, sinayaw ni DJ si Zharm. Eto, di ako nasaktan hahaha. Kasi kahit may past sila (freshmen days) alam kong friends nalang talaga sila. Cool diba? Para ngang di naging sila eh, walang bitter sakanila.

Pagkatapos nilang magsayaw, bumalik na rin sila Jon at Michelle sa table namin.

Nagyaya naman silang bumili ng shake sa canteen kaya lahat kami pumunta ng canteen.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Arisse kay DJ.

"DJ, sayaw mo si Kath dali"

Srsly, sa canteen? Wala namang music.

Lumapit naman si DJ sakin at kinuha yung dalawa kong kamay itinaas niya yon tapos nag sway-sway kami ( well siya lang actually)

Eto namang si ako, tahimik lang. Kinikilig kasi ako at the same time nahihiya. May iba kayang nakakakita. Huhu

Mga tatlong beses niya inulit yon hanggang mapagdesisyunan naming bumalik na sa loob ng gymn.

Grabe ang daming couple, ang saya nila. Whoow mabuhay mga single!!

"DJ sayaw ulit kayo ni Kath!" Sabi ni Arisse.

"Ha? Tapos na kanina ah? Ayoko na uuwi na ako" palusot ko, jusko hiyang hiya na kasi talaga ako. Tho 99% ng puso ko sinasabing 'sana isayaw ako ni DJ'

At hindi nagpatalo ang 99% na yun, napalakas ata bulong ko narinig tuloy ni Lord. Huhu thank you papa god for this opportunity, matagal ko na tong hinihintay. Huhu

Sinayaw niya ako!!! Jakzjqkzvjkajskqjsb

Sinayaw ako ni Daniel John Ford Padilla!!!

SINAYAW NIYA AKO!!

Pero dun lang kami sa likod, ayoko sa may gitna couples lang dun eh kahiya. hehe

Yung sayaw namin, napaka-unique. As in.

Wanna know why?

Kasi imbis na ako nakahawak sa balikat niya, siya nakahawak sa balikat ko. And ako? Wala lang. Sorry na ang awkward kasi tapos kinikilig ako tapos nahihiya pa huhu.

"'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections" kinanta ni Daniel yung background music namin. Sikat na sikat tong kantang to sa mga lovers diba? Pero di ko alam yung kanta, kaya di ako makasabay. Hayy ang loser mo Kath kainis.

"Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you, ohoh" patuloy lang si Dj kumanta habang sinasayaw niya ako, ganda ng boses niya. Grabe first time akong maisayaw ng lalaki tapos siya pa. At kinantahan pa niya ako (Opps ang feeler pero parang ganun na rin yun). Feeling ko tuloy napaka-special ko ngayong araw nato.

Natapos na rin kami mag-sayaw, matagal din yun no hahaha. After non picture-picture.

Napatingin ako sa phone ko, hala curfew ko na pala. Susunduin na daw ako ni Kuya Mar.

"Guys, uuwi na ako. Byee" nagpaalam na ako sakanila, sinamahan naman ako ni Sofia papuntang gate. Hatid actually. Naguusap kami about sa mga ganap kanina ng biglang hingal na hingal na lumapit samin si DJ.

"Hatid na kita sa gate Kath" sabi ni DJ sakin sabay ngiti.

OMG!! asdfghjkl

Nakarating na kaming tatlo sa gate, sakto andito na si Kuya Mar kaya nagb-bye na ako sakanila at nag thank you.

Grabe, BEST DAY EVER.

One Last Cry [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon