B5 SC6

78 4 0
                                    

Title: Quantum High Series #1: Dawn of a New Day
Author: FairyVyz

STORY CRITIQUE

Title:
Oks naman ang title. Nahahabaan lang ako. Oks na iyong QHS#1: Dawn of a New Day tapos iyong 'Quantum High Series #1', sa story description na lang. Puwede ring sa bio. Well, it's up to you pa rin.

Cover:
'Di ko bet ang cover especially iyong color ng fonts. Well, pati bg, 'di oks for me. Mas bet ko ito.

Tapos iyong 'New Day' sana, magkasama sa isang row

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tapos iyong 'New Day' sana, magkasama sa isang row. Pero oks lang din naman iyang nasa pic. Simple pero neat tingnan.

Story Description:
Kaunting rephrase pa. Oks sana kaso need i-rephrase.

Originality:
Cliché pero may originality.

Setting:
Naiintindihan ko naman ang setting. Pero kaunting ayos pa. Nakukulangan pa ako.

Characterization:
Kaunting ayos pa. Nakukulangan din ako rito.

Conflict and Plot:
Maybe interesting siya sa iba? Hindi interesting ang plot pati conflict. Siguro magiging oks ang plot kahit papaano kung maaayos iyong conflict.

Technicalities:
Remove this ➡️ Hehehe

✖️ Marami din, nagtagumpay din, madami ding
☑️ Marami rin, nagtagumpay rin, madami ring

✖️ bilisan mo na dyan
☑️ bilisan mo na riyan

✖️ Natutunan
☑️ Natutuhan

✖️ don
☑️ do'n or doon

✖️ yon
☑️ 'yon or iyon

✖️ sila kuya Bruce, si mama at si papa
☑️ sina kuya Bruce, mama at papa

✖️ na ayos
☑️ naayos

✖️ sayo
☑️ sa 'yo or sa iyo

✖️ saaken
☑️ sa 'kin or sa akin

✖️ sabay sabay, tuwang tuwa
☑️ sabay-sabay, tuwang-tuwa

✖️ yung
☑️ iyong 'yong

✖️ kase
☑️ kasi

✖️ D ko alam
☑️ 'Di ko alam or hindi ko alam

✖️ nagsi-alisan na den
☑️ nagsialisan na rin

FEEDBACK:
Kulang pa ang way of writing. Para siyang pang-2015 na story. Parang maikuwento lang. Well, wala namang masama roon kung gusto mong magkuwento lang pero kung gusto mong maraming magbasa nito, you need a major revision. May iba na need ng period or comma pero walang nakalagay. Maraming mispelled words. I know na may magbabasa naman nito kaya don't worry. Mas dadami magbabasa nito kung maayos iyong mga errors ta's mag-isip din ng technique kung paano makakuha ng interes. This story is not bad dahil first story mo ito kaya oks lang naman. Keep writing and goodluck! 💙

Critique BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon