Prologue

1 0 0
                                    

"Pupunta lang ako kala Kaze!" Paalam ko kay mama na nakikipagkwentuhan kay Tita sa sala. Tumango lang si mama bilang pagpayag kaya kibit balikat na akong lumabas. Dala ko ang isang pastel pink na duffel bag na may lamang damit, tuwalya, sunblock at iba pang mga gamit na kakailanganin ko mamaya ay nakangiti akong lumabas at tinungo ang bahay ng kaibigan ko.

Sa loob palang ng bakuran namin ay natatanaw ko na sila Kean at Kate na nagduduyan sa isang rattan na hammock. Maingat at mahinang tinutulak ni Kean ang duyan habang nakasakay si Kate doon. Nakakainggit din kapag may kapatid e. Buti pa sila apat. Kambal pa yung dalawa.

"Kuya nyo?" Tanong ko sa dalawang batang nagduduyan nang makarating ako sa bakal nilang gate. Ngumiti sa akin si si Kate at bumaba sa duyan sabay takbo para pagbuksan ako ng gate. Grade four palang sya at grade five naman si Kean. Ang ku-cute na mga bata.

"Sino dun?" Masungit na tanong ni Kean at namewang habang nakatingin sa kapatid,tila hinihintay na bumalik ito sa duyan.Ngumuso at ngumiwi ako. Hindi ko talaga alam kung may galit ba sakin ito o sadyang masungit lang talaga sya. Ang bait bait ni Kate e.

"Si Kaze." Sagot ko at pilit na ngumiti. Nakangiting hinila ni Kate ang kamay ko papasok sa bakuran nila kaya natawa nalang din ako.

"Nasa loob po si Kuya,Ate. Nag-aaral po sya." Magalang na sagot ni Kate. Hinawakan ko ang tuktok ng ulo nya at ginulo ang gulo-gulo na buhok nya.

"Ginulo mo lalo ang buhok nya." May bahid ng iritasyon sa boses ni Kean,hindi ko alam kung mao-offend ba ako sa tono ng salita nya o sa babaw ng dahilan ng iritasyon nga. Gayun pa man pilit akong tumawa at kinuha ang suklay ko sa bag. Ang sarap kurutin sa singit ng batang ito e.  Napakasungit! Kanino ba sya nagmana?

"Ito na oh susuklayan ko na." Sabi ko. Nagpasuklay naman si Kate at sinabing puyuran ko sya. Naupo sya sa bench ng front yard nila habang nakatayo naman ako sa likuran nya. Tahimik lang na nanunuod si Kean. Nakagalukipkip pa sya habang kunot ang noong nakamasid. Parang isang mali ko lang ay mababato nya ako ng hawak nyang dustpan.

"Tatawagin ko si Kuya." Sabi nya at pumasok na sa loob.

"Bakit ba ang sungit ng kuya mo?", tanong ko kay Kate habang inaayos ang buhok. Hindi ako sanay magpuyod sa iba pero kayang kaya ko sa sarili ko. Napalunok ako nang makitang medyo tabingi ang pagkakabraid ko sa kanya. Kaya inulit ko,baka kapag nakita ito ni Kean ay magsungit na naman yun.

"Sino po dun?" Kumunot ang noo ko.

"Iisa lang naman ang kuya mo na masungit e." Sagot ko.

"Dalawa po sila.", kita ko ang pagnguso nito. Lalo namang nangunot ang noo ko.

"Sino ba?" ,tanong ko.

"Si Kuya Kaze at Kale po. Masungit sila." Eh hindi naman masungit ang dalawang yun e. Si Kean ang napakasungit at parang ang laki ng galit sa akin.

"Mabait naman sila ah." Pagtatanggol ko sa dalawa.

"Hindi po! Nagagalit sila kapag papasok ako sa kwarto nila. Buti pa si Kuya Kean hindi nagagalit. Nakikipaglaro pa sya sa akin. Yung dalawa,madata hindi ako sinasamahang maglaro." Ngumuso na naman sya.

"Malalaki na kasi sila." Sagot ko at naupo sa bench katabi nya. Inabot nya ang cellphone na hawak ko at tinignan ang repleksyon sa screen.

"Di pa naman sila highschool. " Sagot nya.

"Binata na sila e. Tuli na sila." Dagdag ko.

"Basta,hindi ko sila gusto," Bumuntong hininga ako at hinayaang maglaro sa cellphone ko si Kate habang hinihintay si Kaze. Ang tagal naman nun. Baka andun na sila Piper.

"Sorry naligo pa ako e!"Kumunot ang noo ko nang lumabas si Kale na bagong ligo at tinutuyo pa ang buhok gamit ang puting tuwalya.

"Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito e." Sagot ko.

"Asan ba si Kaze?" Tanong ko at sumilip sa bahay nila.

"Nag-aaral sya. Tsaka ako ang tinawag ni Kean. " Imposibleng nagkamali ng tawag si Kean. Klarong klaro kong sinabi na si Kaze ang pakay ko.

"Kaze!Kaze!" Sigaw ko. Alam ko kung saan ng kwarto nya sa second floor kaya doon ako sumigaw sa may tapat nun.

"Ano ka ba! Hayaan mo na si Kaze. Naghahanda pa sya para sa exam ng scholarship nya." Sabi ni Kale.

"Isa pa nagchat na sa akin si Ash andun na sila. Tayo nalang ang wala." Inirapan ko sya.

"Umuna kana. Hihintayin ko pa si Kaze." Iritado kong sagot at pumasok na sa loob ng bahay nila. Nadatnan ko ang mama nila na nagbabasa ng libro sa sala. Nahiya naman ako ng konti dahil hindi man lang ako kumatok.

"Susunduin ko lang po si Kaze." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti si Ate Kathy sa akin at tumango.

"Puntahan mo na sa kwarto nya. Halos hindi na yan lumalabas dyan e. Tutok na tutok sa pag-aaral,e bakasyon naman. Mabuti pa ay ayain mo laginglumabas. Ayain mo lagi ha. Para ma enjoy naman nya ang bakasyon." Buti nalang at mabait si Ate Kathy, nakangiti akong umakyat sa taas. Hindi naman nakalock ang kwarto nya kaya nakapasok agad ako.

"Alkaze Yzra Stewart,halika na at gumala." Sabi ko at naupo sa study table nya. Mariin syang pumikit at hinilot ang sintedo nya. Sumakit ata ang ulo kakaaral.

"Busy ako." Sagot nya at nagpatuloy sa pagbabasa. Napairap ako at tinanggal ang eyeglasses nya. Inilagay ko yun sa duffel bag ko at tumayo.

"Balik mo nga yun!" Mahinahon pero iritableng sabi nya.

"Tara na kasi. Ang pag-aaral ay nandyan lang pero ang kasiyahan,nawawala yun. Kaya tara na." Hinila ko sya patayo at dahil mas malaman ako kesa sa kanya ay madali ko syang syang nakaladkad sa labas ng kwarto nya.

"Ayaw ko---"

"Sumama ka na,Kaze. Minsan lang naman. Isa pa ay bakasyon ngayon,sulitin mo ang bakasyon. Aba sayang, dalawang buwan lang yan." Sabi ni Ate Kathy na umakyat na pala at papasok nasa kwarto nya.

"Ayaw ko mama,marami pa ako---"

"Sasama ka o hindi kita bibigyan ng baon sa pasukan." Dahil sa sinabing yun ni Ate Kathy ay napilitang sumama si Kaze. Takot na takot sya kapag wala syang baon e. Naranasan na nya yun nung grade five kami. Halos maiyak nya nun e. Kawawa naman.

"Andito ka pa pala." Sabi ko nang makita na andito pa si Kale. Akala ko ay nauna na sya.

"Hinintay kita,kaya tara na. Naiinip na si Piper,OP daw sya dun." Sabi nya at hinila ako sa braso. Agad kong binawi ang braso ko at naglakad na. Malapit lang ang shade house na meeting place namin dito. Kaya limang minuto lang ay nakarating n kami.

"Ito si Piper hindi ito marunong mag saing e!"rinig kong pang-aasar ni Tristan. Iritable si Piper habang nagcecellphone kaya naman hindi napansin ang pag-upo ko sa tabi nya.

"Ang init." Sabi ko at marahas na pinunas ang pawis sa noo.

"Risa!" Sigaw nya sa tuwa at niyakap ako.

"Wow! Isang taong di nagkita." Sabi ni Ash na puno ng pang-aasar ang tono ng boses.

"Tse!"

"Kasama pala itong si BooKaze!" Sabi ni Ash at tumawa. Napairap ako.

"Sinama ko sya,kaya tumahimik ka. Tara na nga." Inis kong sabi at hinila si Kaze na nakatungo na. Sadyang mahiyain talaga ang isang ito e.

"Epal lang yun si Ash. Papansin lang yun kay Piper. Feeling nya cool sya e. Hayaan mo na sya,andito naman ako..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tempting ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon